Chapter 44

140 10 0
                                    


ZAIN'S POV

"Mr. Hendrix, be ready for your report. Ms. Anderson is heading her way." kaagad akong sinabihan ni ma'am Giniba. Ngayon ang araw ng reporting namin. Natapos naman na namin ang report at nakapag handa na ako kagabi.

"Go dre, good luck!" si Luke.

"Shut up." sabi ko saka umupo at in-open ang laptop. Nilagay ko na iyon sa harap at naka connect na rin sa projector. Hinihintay naming dumating si Kaze para makapag-simula na.

"Dude, andyan na si my loves mo." nagsalita si Nathan. Tumatawa ang gago.

Nang lingunin ko ang pinto ay naroon nga siya. Nakapantalon at malaking t-shirt. Nasabi ko na bang never ko pa siyang nakitang naka uniform? PE uniform siguro nakita ko pa siyang nagsuot. But, school uniform? I haven't seen her wearing those. Hindi lang din naman siya ang student dito na hindi nagsusuot ng uniform. Iniisip ko lang kung bakit hindi siya sinisita ng guard.

Kaagad siyang nilapitan ni maam at kinausap. Hindi ko man lang nakitang bumuka ang bibig niya, panay tango lang ginagawa. Bigla siyang lumingon sa akin at mabilis din iyong binawi. Mukhang laman ako ng usapan nila.
Lumapit sa akin si Kaze ng magulat ako sa hiyawan ng ilang lalaki kong kaklase. Iyong mga ibang kasama ko sa football at sina Luke. Sinamaan ko ng tingin bagaman naka ngiti.

"You two may now start." narnig namin si ma'am Giniba na kaagad nagsalita. Umupo siya sa isang monoblock chair at naghintay sa gagawin namin.

"Simulan ko na?" bulong ko kay Kaze. Tumango lang siya at pumwesto na sa gilid ng projector screen na napapagitnaan namin.

"Good afternoon ma'am, good after classmates. We are your reports for today." panimula ko saka tumingin kay Kaze.

"The topic that we'll be tackling is all about Chromosomes. This lesson was presented to everybody before, so, this serves as a recap." diretsong pag English niya. Napangiti ako dahil naka poker face iyong mukha niya ng sabihin iyon.

Lahat ay nakatingin sa screen ng magflash doon ang topic namin. Ako na ang nagsalita at in-explain namin iyon. Salit-salitan ang pagsasalita at pag explain namin. May pagkakataong napapansin kong sumusulyap siya sa akin sa tuwing nagsasalita ako. Gayun din ang ginagawa ko. Minsan nga ay napapatitig ako sa kanya. Iyong simpleng pagtikhim niya ay hindi nakatakas sa aking mata. May mga tanong ding itinapon sa amin, nasagot naman namin iyon kaya hindi naman kami ganoon ka pressured. Besides, na tackle naman na to ni ma'am kaya may alam na ang mga kaklase ko dito.

May pagkakataon pang naaagaw ni Luke at ng ibang gang mate ko ang atensyon ko dahil sa mga tingin nila. Ngingiti ng walang pasabi saka itataas iyong mga kamay nila sa ere habang nakakorte ng puso. Napapangiti tuloy ako.

"Very good!" impressed na sabi ng guro ng matapos kami. Ngumiti ako saka bumaling kay Kaze. Kahit walang reaksyon iyong mukha niya ay mahahalatang masaya siya ng tignan ko siya sa mata.

"I am impressed of your report! That's how you report intellectually. Smart and assertive." kumento pa ng guro.

"Thanks for your effort." dagdag pa niya saka pumunta sa gitna. Tinapos niya ang klase namin. Isa-isa ko namang niligpit iyong ginamit namin. Nang bumaling ako sa pwesto ni Kaze ay wala na siya don. Sa halip ay nasa labas siya at may kausap.

**********

KAZE'S POV

Abala si Bulldog sa pagliligpit ng ginamit namin. Nasa kanya ang atensyon ko ng may tumawag sa akin. Mahina iyong ngunit rinig ko. Nang lumingon ako sa pinto ay naroon iyong kapatid ni Bulldog. Sumenyas siyang lumapit ako kaya ganon ang ginawa ko.

"Sorry to disturb you. About doon sa pinagawa ko sayong portrait." panimula niya. Naaalala kong hindi ko pa nasisimulan yon.

"My mom's birthday is on Wednesday it's okay kung ako nalang ang kukuha" aniya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now