Chapter 56

103 9 0
                                    

ZAIN'S POV

"Dude, doon tayo didiretso sa quadrangle. Practice tayo." sabi ni Eman sa akin. Nasa may pinto na sina Luke at hinihintay ako. Niligpit ko na ang mga gamit at sumabay kay Luke na tumigil sa pinto.

"Try kaya nating maglasing bukas?" si Axel. Sinamaan ko siya ng tingin nang tapikin niya ako. "mukhang may problemado." tumawa silang lahat ng tignan ako ni Axel nang sabihin niya iyon.

"Gago ka talaga." nakitawa narin ako sa sinabi nila.  Tss. Problemado.

Nag-usap na kami ng HeadHunters na hihintayin namin sila sa quadrangle. Baka pababa narin sila kaya sa gilid ng corridor muna kami tumambay.

Pinanood lang naming magsilabasan ang mga kaklase namin. Dahil nakatingin ako sa harap ng room ay may nahagip ang mata ko. Si Shitzu.

Dumaan siya sa harap ko. Napakaseryoso ng mukha niya. Iyong lakad niya rin ay talaga namang kakaiba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Naramdaman kong siniko ako ni Luke sa tagiliran. Nakasunod din ang tingin niya sa kay Shitzu.

Umasa akong nakita niya ako. Mukhang hindi niya naman ako nakita dahil nasa harap ang tingin niya. Pero imposible ring ganon kasi hindi gaanong kalapad ang corridor. Sinundan ko siya ng tingin at umaasang lilingon din siya sa akin.

Tumigil siya sa pinakahuling room sa floor namin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon. Mukhang tinatamad siyang nakatayo at nakipag-usap sa kaibigan niyang si Kate na ngayon ko lang rin napansin.
Pinanood kong mag-usap silang dalawa. Hanggang sa lumakad si Shitzu paalis at pababa sa hagdan.

Dalawang araw ko siyang hindi nakita. Nakikita ko naman talaga kaya lang ay pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Hindi ko alam. Sumasakit ang puso ko kapag naiisip kong iniiwasan niya nga talaga ako.

Nakita ko siya kanina sa cafeteria at nakikipag-usap kay Rex. Nainis naman ako. Kanina ay nakwelyuhan ko si Rex nang dahil sa inis. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin. Tsk! Mukhang may gusto na nga talaga ako sa kay Shitzu.

Oo, may gusto na ako sayo. At nakakabaliw yon kapag iniisip ko. Tsk!

Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung bakit. Basta, nagkagusto nalang ako. Gusto kong pigilan pero talagang hindi ko magawa. Gusto kong pigilan dahil may gusto ang kapatid ko sa kanya. Pero talagang hindi ko nakumbinsi ang puso kong huwag tumibok para sa kanya. May mga gabing pumapasok si Shitzu sa isip ko. Noong una ay iniisip ko kung anong dahilan. Di kalaunan ay sarili ko rin ang sumagot at nagkumpirma ng damdamin ko.

"Mauna nalang kayo doon." wala sa sariling sabi ko habang ang tingin ay naroon sa kaninang pwesto ni Shitzu.

"Sige dude. Good luck kung ano man ang gagawin mo." tumawa si Luke saka ako mahinang sinuntok sa braso.

Tumango nalang ako saka ko sila pinanood na lumayo sa akin. Hindi ko alam kung ano talagang gagawin ko. Naisip kong sundan si Shitzu. Natatawa nga ako sa sarili, hindi ko naman alam kung saan yon pumunta. Yeah, Great.

Naisipan kong tanungin yong kaibigan niya pero naalala kong hindi pala kami ganon ka close. Tss. Lumakad nalang ako papunta doon sa kabilang hagdan kung saan ko nakitang dumaan si Shitzu.

Napangiti ako sa kawalan nang makita siyang nakaupo sa hagdan. Nakasandal ang ulo niya sa pader patalikod sa akin. Kahit nakatalikod siya ay alam kong siya iyon. Bukod sa saulo ko na ang

Tahimik akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. Mukhang hindi man lang siya nakaramdam na umupo ako. Natatabunan ng itim niyang buhok ang halos buong mukha niya.

"Shitzu." mahinang pagtawag ko. Makailang beses ko pa siyang tinawag pero hindi man lang siya kumibo. Lumipat ako at yumukod paharap sa kanya. Nagaalangan man ay hinawi ko ang buhok sa mukha niya at doon ako napangiti ng makitang nakapikit ang mata niya. Talagang natutulog siya dito? At sa ganyang puwesto. Napangiti ako sa iniisip.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat