Chapter 1

2.5K 53 6
                                    


KAZE'S POV

"Ahh! Peste!" wala sa sarili akong sumigaw ng masapak ako ng isang lalaki. May katabaan ang kanyang katawan, mapapansin din iyong mga peklat sa mukha niyang mayroon ng katandaan.

Punyemas, malakas ang pagkakasapak niya sa akin.

Hindi pwedeng siya lang ang makasapak sa araw na 'to. Sinugod ko siya at sinapak sa magkabilang mukha. Hindi pa ako nakuntento ay malakas na tadyak ang ginawa ko. Dahilan ng pagsubsob ng mukha at katawan niya sa espalto. Hindi kalayuan ang eskinitang ito sa bahay namin.

"Ahhhhh!" daing niya ng muli ko siyang sipain, umamba siyang tatayo kaya inunahan ko na. Malaki ang katawan niya kaya't nagtagumpay siyang tumayo sa pangalawang beses.

Walang pasabi ay bigla niya akong sinugod. Nang makalapit na siya ay isasalag ko sana ang mga braso ng mapansin kong humugot siya ng kung anong bagay mula sa maong niyang pantalon. Bumadha ang kaba sa akin ng mapagtantong kutsilyo iyon. Ngunit huli na ng masalag ko siya, tinamaan na ako ng patalim niya. Kahit ganoon ay muli ko siyang sinipa, hindi pa ako nakuntento at binigyan ko siya ng mag asawang sapak. Dahan dahan siyang lumayo sa akin, hudyat ng pagsuko niya sa laban namin.

"Malakas k-ka pala. Hindi ito ang h-huling pagkikita natin. T-tandaan mo iyan!" bagaman nanghihina na ay nagawa niya pang sumigaw sa akin. Bakas ang kirot sa mukha niya. Siya pa nga itong may kutsilyo ngunit ayun ang mga tuhod niya. Mapapansin ang panginginig nito.

Tch.

"Yun ay kung buhay ka pa." Mayabang kong sabi. Pinakatitigan ko siyang mabuti. Umirap ako sabay sabi "Tss. Hindi lang ikaw ang sanggano dito, maraming maiinis sa mukha mo." dagdag ko.

"Angas ah. Sino ka ba, ha?!" hindi rin siya pahuhuli sa kaangasan. Ano at muling lumakas ang loob niya.

Umiling ako, hindi makapaniwalang may napulot pa siyang angas.

"Ako?" sinadya kong lumapit sa kanya ng bahagya. Malamya kong itinuro ang mukha saka siya nginisihan. " Anak ako ni Oruchimaru. Sagot ko na rin ang burol mo."

Iyon lang ang naisipan kong sabihin. Ngumisi ako ng mangunot ang noo niya, marahil ay hindi makapaniwala sa naging tugon ko. Iiling-iling akong tumalikod at naglakad patungo sa motor ko. Dito ako dumaan patungong paaralan, maayos naman sana ang takbo ko nang harangin ako ng ugok. Muli kong isinuot ang helmet at sumakay na sa motor ko. Binuhay ko lang ang makina.

Nang ayusin ko ang side mirror ay may napansin akong sasakyang pumarada sa likod ko. Kunot noo kong tinitigan ang repleksyon nitong nasa salamin. Iniisip kong baka nag tawag ng ibang kasama iyong lalaki kanina. Anong oras na at baka mahuli ako sa klase, kung totoo mang resbak niya ito ay dodoble ang oras na nahuli ako.

Nag desisyon akong umalis na doon, mabagal ang takbo ko. Sumusulyap ako sa side mirror at natigil sa pag-usad ng mapamilyaran ko ang mukha ng taong lumabas doon. Hindi ako kalayuan kaya't nakumpirma kong si Warren iyon.

Siya ang huling taong inaasahan kong lumabas doon. Bukod sa hindi ko alam na may sasakyan siya ay nakikiasakay lang ito kay Kris. Hindi ko nga rin alam na marunong pala itong magmaneho.

Tumigil ako sa pag-usad at nilingon siya. Bumalik siya sa loob ng kotse at nag maneho, tumabi siya sa motor ko.

"Oh?" usal ko.

"Napadaan lang ako dito. Napatulog mo?" Nakangisi pang sabi niya. Hindi ako sumagot sa halip ay inayos ko ang helmet.

"Hindi." diretsong sagot ko. Muli siyang ngumisi. Napansin ko nang pasadahan niya ako ng tingin. Ganoon nalang ang gulat niya ng dumapo ang tingin niya sa kaliwang braso ko. Tumingin din ako doon, bakas ang dugo sa damit ko. Kahit may patong akong jacket ay may pulang likido paring mapapansin doon.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now