Chapter 70

115 7 0
                                    


Gabi na ngunit nandito parin kami sa Hidden Pain. Ayaw kong umuwi dahil gusto ko pang makasama si Shitzu sa totoo lang. Nakauwi na sina Gabraiel, Jax ay Rex, kaming tatlo nalang ni Vior at Shitzu ang nandito. Nakalimutan ko nga na may opening kami ng tournament bukas kung hindi lang pinaalala sa akin ni Rex. Kasi nga, nalunod ako sa ideyang kasama ko ngayon si Shitzu.

Niyaya niya akong pumunta kami sa rooftop. Maganda daw ang tanawin doon, nakakatuwang gusto niya akong makasama. Pakiramdam ko ngayon ay may pag-asa talagang maging kami. I don't know, I'm assured that my feelings for her won't be discarded. Well, yon ang nasa isip ko nong una. But now, It felt magical. Ngayon ay may nakakapitan ako.

Nang marating namin ang rooftop ay kaagad kong nakita ang sentro ng siyudad. Maganda nga ang view, pati langit ay nakikisama dahil napakaraming bituwin. Nakakat'wang noon kapag pumupunta ako ay mga bantay lang na may mga rifle ang nakikita ko dito sa rooftop kapag tinatanaw ko mula sa labas. Hindi ko inakalang makakaakyat ako at makakapasok sa mismong loob ng gusali.

"Dito ako natutulog minsan." kapag kuwan ay sabi ni Shitzu. Nakatingin siya sa maliit na kama na nandon sa gilid. Katabi ang rattan chair at glass na mesa. Sa kabilang dulo naman ay may hammock, nakatayo iyon sa kulay berdeng mat.

"Umupo ka," sambit niya at pinalapit ako sa kanya. Tahimik ang buong paligid, mga huni ng kalikasan lang ang naririnig ko. Bukod sa tibok ng puso ko ay wala na.

"May itatanong ako sayo." lakas loob na sambit ko mula sa kawalan. Tumingala siya sa akin at nagtatanong akong tinignan. "Seryoso kaba sa sinabi mo kanina?" lumunok ako. Baka kasi namali ako ng dinig. Talagang gusto kong sabihin niya ulit sa akin yon nang kami lang dalawa.

"Marami akong sinabi kanina, alin doon?" inosenteng tanong niya. Imbes na mainis ay mas pinili kong ngumiti dahil sa kawirduhan niya.

"Iyong gusto natin ang isat-isa." sagot ko na diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Mukha ba akong nagbibiro non?" nakangiting sabi niya. Napangiti rin ako. Gusto niya rin ako. Mas lalo akong nangiti sa iniisip.

Hindi ko napigilan at niyakap ko na siya. Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan ngunit nawala rin iyon. Hindi ako nakatanggap ng yakap sa kanya ngunit ayos lang. Masaya akong may nararamdaman din siya sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang yakapin niya ako pabalik. Ito ang unang beses na niyakap niya ako. Parang kapag siya ang kasama ko ay unang beses lahat na nangyari ito. Pakiramdam ko unang beses kong na experience. Iyong siya ang pinakaunang minahal ko.

"I looked at you as my enemy. I never expected that I'll end up loving you." wala sa sariling sambit ko habang yakap siya. "Please, don't hurt my feelings, Kaze. 'Cause right now, I'm really into you." mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Iyong ayaw ko ng mawala siya sa akin. Ganito pala talaga kapag nagmahal, gusto mong araw-araw kayong magkita.

"Pasensya na." mahinang sabi ni Shitzu. Kumalas ako sa pagkakayakap at pinakatitigan siya. "Bulldog, marami akong gustong sabihin sayo. Napakarami. Kaya lang ay natatakot ako." nakita kong mangilid ang luha niya.

"Tell me, I'll listen." nakangiti kong sabi.

"Pwede bang umupo muna tayo doon? Nangangawit na ako." inosenteng sambit niya. Nasira niya ang moment namin pero kahit ganon ay natatawa ako sa ganyang ugali niya. Tumango ako at sumunod sa kanya sa pag-upo sa mahabang sofa na nakaharap sa tanawin. Napakalapit niyon sa railings at kitang-kita mo na ang baba ng building.

"Magulo ang buhay ko. " panimula niya habang ang tingin ay naroon sa harap. Tumatama ang ilaw ng buwan sa mukha niya. Kahit kailan ay hindi nag-iba ang dating niya. Tanging ang pagtingin ko lang sa kanya ang nagbago. Noon ay naiinis ako tuwing nakikita ko siya, kalaban ko kumbaga. Ngayon ay hindi ko itatangging mahal ko na siya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin