Chapter 8

592 30 1
                                    

KAZE'S POV

Kunot noo kong sinulyapan ang mga kaklase kong naroon sa harapan. Panay ang buka ng bibig nila ngunit wala akong marinig na salita. May ilan namang narito sa gilid ko. Panay ang bigkas ng mga kung ano-ano.

"Guys! Nandyan na si ma'am!" anang isang kaklase kong lalaki. Sabay-sabay silang tumingin sa naka saradong pinto. Mayroon yong maliit na salamin, tanging mukha lang ang makikita.

"Tumigil ka nga diyan Leonardo!" asik sa kanya ng isa ko pang kaklase.

"Kaya nga! Kita mong busy kami!"

Tatawa-tawa iyong si Leonardo saka bumalik sa pagkakaupo. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang guro namin sa English.

Kaagad na umayos sa pag-upo ang mga kaklase ko. Kaninan pa man ay abala na sila sa ginagawa.

"Good morning class." malamayang pagbati ng guro.

"Good morning ma'am." sabay-sabay nilang tugon.

Pinanuod kong buklatin ng guro ang hawak niyang maliit na libro. May kalumaan na iyon at halos matanggal na ang pabalat.

"Have you memorized the poem? I gave it to you last last day." anang guro habang ang tingin ay naroon sa libro.

"Maam, hindi pa po."

"Mahaba yun ma'am eh."

Halos umatungal na sila ng sabihin iyon. Nagtataka kong sinulyapan si Kate na naroon sa harap. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin, hindi ko alam na may pina-saulo pala sa amin.

"I'll be back in a minute, be ready for the recitation." kunot noo kong sinundan ng tingin si ma'am hanggang sa makalabas ito. Pagkasarado ng pinto ay kaagad akong tumayo at pumunta sa harap ni Kate.

"Oh ano te? Nganga ka na naman?" pagtataray niya. Umirap ako.

"Hindi ko alam na may pina-saulo pala, hindi ko naman kasi narinig." sabi ko saka umupo doon sa platform paharap sa kanya.

"Jusko day! Saan ba kasi yang utak at tenga mo sa t'wing may pinapagawa si maam? Sa klase nakikinig ka naman pero kapag may pinapagawa daig mo pa ang bobo dahil sa wala kang alam!" mahaba niyang sabi.

"Tss. Anong tula yon?" nalang ang nasabi ko. Hindi ko kayang magsalita ng ganyan kahaba nang walang hingahan.

"Ayan te oh!" saka niya pabagsak na nilapag sa table iyong notebook niya. Kinuha ko yon saka bumalik sa silya. Saktong bumukas ang pinto at pumasok si maam. Hindi pa man niya nararating ang mesa ay nagsalita na siya.

"Abanag? What was the poem all about?"

Nakita kong alanganin sa pagtayo ang kaklase ko. Hindi ko na siya tinignan sa halip ay iyong kamay ng orasan ang pinagtuunan ko ng pansin. Binabantayan ang bawat paggalaw bg alin man sa mga kamay nito.

"The p-poem is all about the experiences of the mother that she..... doesn't w-want her son to experience maam." halos pumiyok na ang boses niya.

"Good but not the best answer. Next, what does the staircase represent?" iginala niya ang tingin sa loob ng silid.

Bigla ay kinabahan ako ng konti. Hindi ko pa nabubuksan itong notebook ni Kate simula ng kunin ko sa kanya.

"Andrada?" boses ni maam. Napapikit ako sa pagaakalang ako ang tatawagin niya.

Binilisan ko nalang ang pagbasa. Wala rin akong naintindihan dahil naghahalo-halo sa isip ko iyong nga salita. Hindi ko pa man natatapos ang isang buong linya ay lilipat na ako sa kasunod. Inis kong tiniklop iyon saka muling tumingin sa humarap.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now