Chapter 71

111 8 1
                                    


KAZE'S POV

"Matagal ka pa ba diyan?" kunwari'y naiinis kong tanong kay Kate. Abala pa kasi siya sa pagpili ng damit na susuotin niya ngayong araw. Kailangan kasi naming pumunta sa Dale Complex upang saksihan ang opening ng tournament. Bukod sa kailangan ay may iba rin akong dahilan.

"Relax lang, te ha? Atat ka masyadong makita doon si Zain." nainis na din siya. Umiling nalang ako sa sinabi niya at pinagkrus ang braso habang pinapanood ang pagpili niya ng sandamakmak na damit. Nakasuot siya ng paldang maong habang nakasuot lang ng bra sa itaas. Nahihirapan daw siyang pumili ng damit.  "Ay, perfect!" tili niya nang maisuot ang puting blouse na medyo nakulang sa tela. Lumilitaw iyong tiyan niya.

"Baka kabagin ka niyan?" pang-aasar ko. Inikutan niya ako ng mata saka mabilis na sinuklay ang buhok. Ilang minuto pa ay natapos na siyang ayusin ang sarili. Magkasunod kaming pumunta sa Dale Complex.

Marami ng tao sa labas, may kumpulan pa ng mga tao sa mismong entrance dahil doon ay kailangan pang ipakita ang id mo. Nakisabay kami sa mga naroon hanggang sa makapasok kami. Mas dumoble pa ang dami ng tao, malaki kasi ang Dale Complex, marami din silang facility para sa iba't-ibang isports. Karamihan sa mga iyon ay naroon sa bandang likod, itong dome lang para sa soccer ang una mong makikita.

Iisang direksyon lang ang tinungo ng karamihan sa mga estudyante. Iyon ay ang papasok sa loob ng dome. Sabay kaming pumasok ni Kate. Hinanap kaagad namin sina Kris dahil nag-usap kami sa telepono na iisang pwesto lang ang uupuan namin.

Tumulong na ako sa paghahanap. Mahirap pa namang maispatan sila dahil napakiliit tignan ng mga tao sa gawi namin. Halos kalahati na ng mga benches ang nauukupa, marami rin kasing mga estudyante galing sa ibang paaralan ang nandirito.

Panay ang tanaw ko pababa at pataas sa isang gawi ng bench. Dumaan ang paningin ko sa bench na nasa gilid ng maliit na entablado, naroon ang mga estudyanteng naka jersey at batid kong iyon ang mga players. Sa baba nila ay kapansin-pansin ang mga taong naka kulay kahel na uniform, batid kong iyon ang mga coaches.

Pinagpatuloy ko na ang paghahanap at binaling na naman sa kabilang parte mg dome ang tingin. Abala ako sa pagtanaw at gayon din si Kate. Medyo mainit at nakakasilaw ang liwanag ng araw sa mata. Papikit-pikit akong nakatanaw doon at nagulat nalang nang may pumayong sa akin. Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa akin ang mukha ni Bulldog. Kunot-noo niya akong tinitigan. Napakalapit niya sa akin at baka may makakita sa amin. Umusog ako palayo ng konti sa kanya.

"Sinong hinahanap mo?" tanong niya sa akin, hindi ko mabasa ang emosiyon sa mukha niya.

"Si Kris," sabi ko at saglit na nagpalinga-linga. Ibinalik ko naman kaagad ang tingin sa kanya. "hindi ko makita." dagdag ko.

Bigla ay lumamig ang tingin niya sa akin. Bumuntong hininga pa at sa isang iglap lang ay sampok na ang kilay. Ganon man ay nakikita ko sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa naging tugon ko, siguro.

"Talaga lang Shitzu ha? Siya talaga ang unang hinanap mo?" naaasar na aniya.

"Oo, may usapan kasi kami."

"Bakit siya ang una mong hinanap? Diba may uspan tayong magkita dito." ganoon nalang ang pagsama ng mukha niya.

"Oo nga, magkikita tayo. Ang usapan naman namin ni Kris ay tabi kaming lahat sa iisang pwesto. O ngayong nagkita na tayo, tatabi na ako---" hindi ko na nasabi ang lahat ng gusto ko. Binibiro ko lang naman siya. Naiinis niya akong tingnan.

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko at binigay nalang niya sa akib basta-basta ang payong at malamig ang tingin sa akin na umalis.

"Teka, galit ka ba?" paghabol ko, mabuti at hindi ko naisigaw iyon.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now