Chapter 75

93 6 1
                                    


ZAIN'S POV

Panay ang sulyap ko sa sariling telepono. Sa loob ng mga nakaraang araw ay iyon ang ginagawa ko. Maging sa gabi ay nakatutok lang ako sa screen ng telepono at nagbabakasakaling lilitaw doon ang numero ni Shitzu. Simula kasi noong Linggo ay hindi niya na ako pinapapunta sa hospital upang dalawin siya. Sumubok akong huwag siyang sundin, ngunit kinausap din ako ni Rex na huwag na nga daw akong pumunta sa hospital. Hindi ko alam kung anong dahilan niya. Ang eksplenasiyon pa sa akin ay marami daw siyang iniisip sa ngayon. Maging ang mga tawag ko ay hindi niya sinasagot. Noong una ay nag ri-ring pa hindi kalaunan ay diretsong nakapatay na talaga.

Talagang hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung bakit ayaw akong makita ni Shitzu. I'm stressed about that. Yung parang tanga kang maghihintay at magtatanong kung bakit hindi na siya nagpakita.

Dahil doon ay naapektuhan ang laro ko sa mga nakaraang araw. Alam kong minsan ay maging si coach ay nagtataka na sa akin. Maliban sa mga kaibigan ko na alam ang sitwasyon ko ngayon. Mabuti nalang at magagaling ang mga teammates ko kaya nasasalo nila ang mali-mali kong sipa at tira. Kung hindi pa ako kinausap ni coach ay hindi ako titino.

Marahas akong napabuntong hininga matapos na naman akong lamunin ng iniisip.  Ngayon ay araw ng Biyernes, second day ng finals namin. Alas siete impunto nang makarating ako dito sa Dale Complex, ganon man ay hindi ako lumabas ng sasakyan sa halip ay hinintay kong gumalaw ang mundo at lumampas ng trenta minuto ang oras.

Sa pangalawang beses ay marahas akong bumuga ng hininga at nag desisyon na lumabas ng sasakyan. Bitbit ang maliit na bag ay mabigat ang loob kong pumasok sa loob ng dome. Na para bang dumaragdag ang bigat ng nararamdaman ko sa sariling bigat dahilan upang maging ang paglakad ay tila nabibigatan ako.

Nang matanaw ko sa field si coach Sampiano kasama ang mga teammates ko ay mabilis kong inayos ang sarili. Pilit na pinapasigla ang mukha maging ang kilos na hindi naman tumutugma. Napangiti ako sa kamiserablehan.

"Coach!" pilit ding bati ko. Ngumiti pa upang lahat ay makumbinsi kong ayos na ako.

"Oh, Hendrix. Good to see you smiling." ani coach na siyang dahilan ng pagkamot ko sa batok. Nahihiya ako sa pagiging walang kwenta ko noong mga nakaraang araw.

"Oh siya, doon na kayo sa bench at magsisimula na. Apat nalang ang kalaban natin ngayon. I hope na makuha natin ang cup!" masiglang sabi ni coach at pinangunahan kami sa pag-upo sa bench.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng dome. Nagsisimula ng dumami ang mga tao. Hanggang sa mag alas otso at nagsimula na ang game. Dahil apat na team lang ang nakapasok sa finals ay tatlo doon ang makakalaban namin. Kahapon ang first game at ngayong araw ang pagatatapos. Dalawang panalo nalang at makukuha na namin ang championship cup. Iyon ang goal namin sa umpisa palang. Babawi ako kay coach at sa mga teammates ko.

Nakita kong pumasok sina Martin, Rex, Psalm, Miguel at Ivanny. Nasa pangalawang bench sila pumwesto at handa ng manood sa amin.

Nagsimula ang unang laro namin ng maayos. Nabasa na namin ang tactic at strategy ng kalaban namin dahil natalo namin sila noong elims. Mahina ang opensa nila kaya doon namin sila tinitira. Nauna kaming nakapuntos. Hindi nagtagal ay dalawa na ang score namin sa board. Dahil basang-basa na namin ang laro nila ay madadli namin mapapanalo ang game ngayon. Hanggang sa dumaan pa ang mga oras at hindi sila nakapuntos, sa huli ay pinatapos nalang ang huling minuto upang madeklarang kami ang panalo.

Sa sumunod na game ay medyo na challenge kami sa defense namin. Magaling din kasi ang defense sa kabila. Mukhang nahihirapan din ang ang goalie namin. May players sa kabila na magaling sumipa. Pero hindi kami ngayon matatalo, isa nalang at makukuha na namin ang championship cup. Hindi nag tagal ay nabasa din namin ang laro nila. Ngunit hindi kami naging kampante dahil mas nagiging mainit ang dipensa nila. Kahit ganoon ay nauna kaming nakapuntos. Ganoon nalang ang tuwa namin. Naghihiyaw kami dahil sa wakas ay gumana ang strategy na ginawa namin. Dahil doon ay ginanahan kaming maglaro. Naging sunod-sunod ang puntos namin hanggang sa maghiyawan ang mga nanonood dahil kami na ang paniguradong mananalo.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now