Chapter 35

153 7 1
                                    

"Pakshet Kaze ah!!!" malakas na sabi ni Kate habang naka upo kami dito sa canteen.

Tinignan ko siya na parang wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Ang ingay!

"May pa akbay-akbay pa kayong nalalaman. Naku! Sabi ko na nga ba!"umiiling-iling pa niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Sabing ano?" tinanong ko siya pagkatapos ay uminom ako ng tubig.

"May gusto ka doon kay Zain!" muntik ko mg mabugwak ang iniinom ko dahil sa sinabi ni Kate. Tumingin ako sa kaniya sa sobrang gulat.

"Pinagsasabi mo?" mahina pero seryoso kong usal. Kung ano-anong pinagiisip netong si Kate.

Ba't naman niya yun nasabe?

"Asus! Pansin ko lang palagi ah! Tuwing nandyan siya parang nakakalimutan mo ako." kunklusyon niya.

Ngumiwi ako sa kanya. Umirap ako at lumagok ulit ng tubig. Dali-dali ko iyong nilunok. Mahirap na't baka may masabi ulet itong si Kate na siyang ikagugulat ko. Tss.

"Hindi kita nakakalimutan." mahinang sabi ko at mataman siyang tinignan. Hinihintay ko ang mga kunklusyon niyang hindi tama.

"Huwag ako Kaze! Alam ko yang utak mo! At teka! pansin ko ring lagi mo siyang pinagtitripan."

"Hindi pantitrip iyon. Iniinis ko siya." pagtama ko sa sinabi niya . Tumaas ang isa niyang kilay at ngumiwi

"Iniinis? Oh sige nga, bakit mo siya iniinis? aber?" napaka maldita niyang tignan nang itanong niya iyon.

"Kase masarap siyang inisin." sagot ko.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

"Kase...tara na nga!" pag iiba ko sa usapan. Ayokong sagutin iyang tanong niya. Tss. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi totoo ang sinasabi niya, hindi niya iyon maintindihan. Kasi nga, nilalagyan niya lang ng isang ideya iyang utak niya.

"Oh Kitams? Hahaha! Gusto mo nga siya." pagtatapos niya sa usapan namin.

"Kate, makinig ka nga. Kapag may tao akong nagustuhan hinding hindi ako gagawa ng bagay na dahilan ng pagkainis niya sa akin. Isa pa, kung talagang may gusto ako doon kay Bulldog maiilang akong lapitan o kausapin siya." paliwanag ko.

"Mahirap ang hindi siya magustuhan." hirit niya pa. May panunukso sa tono ng pananalita niya.

"Tss. Ba't naman?" hindi ako sang ayon sa kaniya.

"Kahit ako Kaze aaminin kong gwapo siya-----" pinutol ko na siya sa sinasabi niya.

"Hindi lang sa itsura binabase ang rason ng pagkagusto mo sa isang tao."
pagkontra ko naman sa kaniya.

"Hindi siya ang tipo ko Kate. Inaasar lang namin ang isat-isa, higit sa lahat wala akong gusto sa kaniya." pagtatapos ko sa usapan. Umismid lang siya at tumahimik na.

********

THIRD PERSON'S POV

"Ano ang pumasok diyan sa isip mo at inimbita mo siyang pumunta rito?" tanong ni Attrius kay Gabraiel. Abala ang binata sa pagsasalansan ng mga inuming galing pa sa Pransiya. Maingat niya itong pinunasan gamit ang tuyo na puting bimpo.

"Gusto ko lang siyang imbitahan upang maglaro." sagot ng binata. Humarap siya kay Attrius at pinakatitigan ito.

"Mayroon bang problema? Kung ayaw mo ay tatawagan ko siya at sasabihing hindi ko na siya iniimbita." matapang na ani Gabraiel, mahirap isipin kung papaano niya iyon nasabi na magalang parin ang tono.

"Tinawagan mo siya?" seryoso si Attrius sa pag tanong kay Gabraiel. Hindi alam ng binata kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon niya.

"Hindi, iyong kuya niya ang tinawagan ko." usal nito.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now