Chapter 40

152 8 0
                                    


KAZE'S POV

Nagising ako dahil sa init na naramdaman. Nang minulat ko ang aking mata ay kaagad kong tinignan ang bintana. Walang tumatagos na liwanag doon kaya batid kong hindi galing sa araw ang nararamdaman kong init. Kinapa ko ang sariling noo at doon napagtantong mainit ang katawan ko. Maging ang hanging binubuga ko ay mainit din.

Tsk.

Tumayo ako galing sa pagkakahiga at naramdaman ulit ang hilo. Nainis pa nga ako ng bahagyang kumirot ang sentido ko. Sinikap kong hindi nalang pakiramdaman ang sarili dahil baka lumala lang ito. Pinilit ko ang sarili na magising kahit alam kong ayaw pa ng katawan ko. Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Insip ko kung pwede bang maligo, dahil sa tingin ko ay nilalagnat ako.

Napatigil ako sandali at nag-isip.

Tanungin ko kaya si Kate? Tsk. Bahala na. Malalaman ko rin naman mamaya kung hindi pwede kapag sumama ng husto ang pakiramdam ko.

Pumasok ako banyo at pinaandar ang shower. Napapitlag ako ng tumalsik sa balat ko ang malamig na tubig. Sa isip ko ay baka huhupa ang lagnat ko kung malamig ang ililigo ko. Binasa ko na ang katawan kahit malamig sa balat. Nasanay din ako at mabilis na natapos. Kaagad akong nagbihis ng makapal na damit. Iyong pantalon ko ay hindi na fitted. Malaking t-shirt din ang sinuot ko at pinatungan ko ito ng makapal kong jacket. Sinara ko ang zipper non dahil ramdam kong malamig talaga. Nagsuot ako ng mahaba at makapal na medyas sa loob ng sapatos ko. Kinuha ko ang bag ko saka ako lumabas ng kwarto.

"Ayos ka na?" ani Kate habang inilalagay iyong plato sa mesa. Tumango ako at tinignan siya. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Maging ako man ay hindi naniniwalang ayos na ako. Para hindi na niya ako kulitin ay kumilos nalang ako ng normal. Pumwesto na kami para kumain. Kaunting subo lang ang ginawa ko at kaagad na nag sipilyo. Hinintay ko siyang matapos saka kami umalis papuntang eskwelahan.

Pagbaba ko palang ng motor ay may napansin kaagad akong babaeng sobrang sama ng tingin. Noong una ay inisip kong baka hindi ako ang tinitignan niya. Pero hindi eh, sa akin talaga. Masamang masama ang tingin niya. Umiling nalang ako saka sinenyasan si Kate na lumakad na.

Natanaw ko kaagad iyong mga stall at booth sa quadrangle. Kung ano-anong laman ng mga tent na yon. Maraming tao rin ang paroon at parito. May mga stalls na nagtitinda ng kung ano-ano.

"Kaze, anong booth nga ang ginawa ng section natin?" tanong ni Kate habang nakatanaw sa harap. Maraming banderitas ang nakasabit sa quadrangle.

"Hindi ko alam." mahinang usal ko. Batid kong tumutuyo ang lalamunan ko.

"Tara doon tayo." aniya. Umiling ako saka tinignan siya. Tinuro ko iyong bench sa gilid. Hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.

"Doon nalang ako." sabi ko.

"Sige, doon lang ako sa stall sa dulo. Officer kasi ako...Kaze." aniya. Tumango na ako sa kanya. Sandali niya pa akong tinignan at iniwan ako.

"Ah!" napahawak ako sa ulo ng maramdamang kumirot iyon. Ilang beses kong pinakiramdaman ang sarili. Hindi ko alam kung bakit lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Parang nalulunod ako. Hindi ako makahinga. Naglakad ako pabalik sa dinaan ng may humarang sa akin.

"Hi! Kumusta ang panlalandi kay Zain?" anito. Hindi ako makaimik dahil sa sobrang hilo. Aalis na sana ako sa harap niya ng muli niyang iharang ang sarili.

"Kumusta?! Answer me! Kumusta ang panlalandi?!" hinakbang ko ang paa ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso. Bumabaon iyong kuko niya at ramdam ko iyon.

"Huwag mo akong tatalikuran! Kinakausap pa kita!" napapikit ako sa sobrang hilo. Parang ano mang sandali ay matutumba na ako. Minadali ko ang paglakad papunta sa bench ngunit hindi ko na iyon nagawa. May humila sa aking dalawang lalaki. Hindi ako makalaban sa lakas nila dahil hinang-hina ang pakiramdam ko. Hindi ako makahinga. Pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit hindi ako makawala sa mahigpit na pagkakahawak nila.
Halos madapa na ako dahil sa.ginagawa nila.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now