Chapter 29

161 7 0
                                    


Kinuha ko kay Kate ang ilan pang mga papel na hawak niya. May nakita pa akong mga papel sa ilalim ng upuan ko. Inis ko iyong pinulot saka ko sinilid sa folder.

"Teka ngaaa! Ang ingay!" tinig iyon ng kaklase kong nagrereklamo. Nilingon ko ang pinto at nakitang naroon ang halos lahat ng nga kaklase ko. Totoo ngang napakaingay nila.

"Ang ganda ng drawing!" narinig kong may sumigaw sa labas ng room.

"Yuck! Ayan maganda?! Ang bastos nga eh!" rinig ko pa.

Kumunot ang noo ko ng makitang may pinag-aagawang papel iyong dalawang lalaki sa labas.

"Kaze! Diba sa'yo yun?" hinila ni Kate ang t-shirt ko. Tinuturo niya iyong lalaking may hawak na kung ano.

Pinakatitigan kong maigi ang lalaking naroon sa gitna ng corridor. May hawak siyang sketch pad at abala siya sa pagtingin niyon. Sunod niyang ginawa ay pinakita niya iyon sa mga taong dumadaan at nakatambay doon. Naningkit ang mata ko at wala sa sariling lumapit. Nang makita kong sketchpad ko iyong hinahawakan niya ay biglang nag-init ang ulo ko. Inis akong lumabas ng room at tinawag ang lalaki.

"Psst." pagtawag ko dito. Nang makita niya ako ay mas lalo siyang tumawa.
Tss. Alam kong kilala niya ako dahil pareho kaming third year at minsan ko ng nakita ang pagmumukha niyang pakalat-kalat dito.

"Tignan mo nga naman. HAHAHA!" bulalas niya habang ang tingin ay naroon sa sketchpad ko. Tahimik akong bumuntong hininga nang sunod-sunod pa siyang tumawa.

"Tignan ang alin?" mahinahon kong sabi saka ako namulsa at malamig siyang tinignan.

"Sayo to ate?" sarkastikong aniya saka marahas na binuklat ang isang pahina niyon. Napamura ako sa aking isipan ng ipakita niya ang drawing ko sa mga taong narito.

"Is that her work? Pinangangalandakan niya pa talaga."

"Kaya nga. Maganda naman talaga...yung message lang ng image ang hindi." narinig kong usal ng dalawang babae sa likod ko.

"Kukunin ko yung akin." pagbalik ko ng atensyon sa lalaking may hawak ng sketch pad ko.

"Edi kunin mo!" tumatawang aniya saka iwinagayway sa ere ang sketch pad ko. Napapikit ako sa inis ng makitang nalukot na ang ibang pahina niyon.

"Akin na nga sabi---" hindi ko na natapos ang sasabihin. Ganoon nalang ang gulat ko ng bigla siyang tumakbo palayo sa akin. Sa inis ko ay tumakbo rin ako para habulin siya. Nang makarating ako sa pinakadulong bahagi ng corridor ay nainis ako lalo ng makitang tumigil iyong lalaki sa unahan at pinakita pa ang drawing ko sa ibang mga estudyante.

Kailangan kong mahabol ang animal na iyon. Sa halip na pagaksayahan ko ng oras ang pagtakbo pababa sa hagdan ay sa railings ako umupo at padausdos na bumaba doon. Nang lumapat ang paa ko sa semento ay tinakbo ko ang kinaroroonan ng lalaki.

Napansin niya atang palapit ako sa kanya kaya tumakbo na naman ang animal. Nalukot pa ang mukha ko ng umakyat siya sa unang building ng seniors. Sinundan ko siya at nakita kong lumiko siya second floor. Kahit pinagtitinginan na kami ng nga ibang estudyante dito ay hindi ko iyon alintana. Kailangang makuha ko iyong sketch pad ko. Hindi mamaya, hindi bukas kundi ngayon! Oramismo.

Lunch break pa kaya maraming estudyante ang nakatambay sa corridor. Iyong mga nakaharang ay bahagya kong tinutulak. Sinundan ko iyong animal hanggang sa umakyat na naman siya sa hagdan patungong third floor. Mas binilisan ko pa ang takbo nang hindi ko na siya makita.

Nang makaakyat ako ay liliko na sana ako ng may mabangga ako dahilan ng pagkahulog ko sa hagdan. Dalawang baitang lang naman iyon kaya hindi ako ganoon nasaktan.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now