Chapter 3

715 33 9
                                    

Dedicated to:

@lovey_doovey

***************

ZAIN'S POV

"The hell?! Totoo?!" sigaw ko sa kawalan ng mabasa ang text ni dad. Kagabi pa niya sinabing pinagtransfer nila ako sa SHA. I don't freaking know that place!

Lalo pa akong nainis ng sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Dad na naman, sina Luke pala. Nang tignan ko ang laman messages ay nasapo ko ang noo ko sa inis.

Luke even said na pati sila ay pinatransfer ni dad. Ang ibang miyembro ng gang namin ay doon nagaaral sa SHA. While me, Nathan, Axel, Kiel at Luke ay sa international school nag-aaral.

Ayos lang naman sa aking lumipat ako ng school pero masyadong biglaan. Akala ko ay college na ako lilipat sa SHA.

Bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Inis kong tinignan ang screen at naroon ang pangalan ni Rex. Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag.

"Ano?"

"Your dad transfered you here dre." maririnig ang mahinang pagtawa ni Rex sa kabilang linya.

"Yah, mapilit talaga siya eh."

"Oh, hintayin ka nalang namin dito. Magkakasama na talaga tayong lahat."

"Oo nga, sige papunta na ako diyan." huling sinabi ko saka binaba ang linya.

Nakabihis na ako ng pang practice namin. Papasok sana ako ngayong araw sa New Brighton. Kung hindi pa nag text si dad na tuloy ang lipat ko ay doon ako mag-aaral ngayon.

Nagpalit ako ng damit saka lumabas ng bahay. Nagpaalam ako kay mommy saka umalis papunta ng SHA.

Nasa fourth year na ako ng highschool. My dad was planning about me going to SHA. Kagabi ay bigla lang niya akong kinausap na magtatransfer na daw ako. Hindi ko nan yon inisip dahil akala ko biro lang or for college. Nagulat nalang ako ngayong araw na ngayon na pala talaga ang lipat ko. Dad really has his ways and connections. Kailan pa kaya niya pinlano to.

Bumaba ako ng sasakyan nang dumating ako. Tinanaw ko ang kabuuan ng SHA. Not bad, wala namang pinagkaiba ang ganda ng gusali dito. Sa totoo lang mas maaliwalas tignan itong SHA. It has a well planned building. Malaki rin ang space dito compared to New Brighton.

Pumasok kaagad ako sa gate, binati ako ng guard na naroon. Ngumiti lang ako saka nagtuloy sa paglalakad. Malaki ang quadrangle nila. It's good for playing soccer and other sports. Sa gilid ng pader ay nandoon ang mga benches.

Hindi ko kabisado ang loob ng campus. Mabuti naman at sinalubong na ako nila Rex at ibang gangmates ko. Hindi pa ako malayo sa gate.

"Dre," tinapik niya ang braso ko.

"Igagala ka namin dito. Tara?" ani Psalm na malaki ang ngisi.

"Siguraduhin mong maganda itong paraalan ninyo." sambit ko na siyang dahilan ng pagtawa nila.

"Pramis dre, makakalimutan mo ang New Brighton sa sobrang ganda dito." segunda ni Rex. Umiling lang ako sa sinabi niya saka natawa.

"Wala kaming pasok ngayon dahil may stakeholders na dadating." si Psalm.

"Sabi kasi ni dad doon daw muna kami sa office ng dean." sabi ko. Tinutukoy ko sina Kiel. Sabay kaming nag transfer.

"Oh sige, pumunta lang kayo mamaya diyan sa quadrangle ha? May program." aniya.

Tumango lang ako sa kanila saka naglakad na kami papunta sa Dean's office. Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang makita ang mga tingin ng bawat babaeng madaanan namin. Hindi ko na namin pinansin. Maliban kay Luke na ngingitian ang bawat babaeng nakatingin sa kanya. Ayun at todo tili sila. Tch.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon