Chapter 76

112 7 5
                                    


Pinanood kong kumuha ng kung ano si Bulldog sa loob ng malaking ref. Marahas ang bawat kilos niya, maging ang paraan ng pagbukas niya. Kumuha pala siya doon ng dalawang bote ng beer at marahas iyong inilapag sa counter.

"Galit ka ba?" tanong ko. Hindi man lang ako sinagot sa halip ay nagpatuloy sa pagbukas ng dalawang bote.

Sumunod ako sa pag-upo sa kaharap niyang silya. Nangalumbaba ako at tinitigan ang buo niyang mukha. Kunot na kunot ang noo niya. Kahit ganoon ay hindi parin nabawasan ang pagiging gwapo niya, sa totoo nga ay mas lalo siyang gumagwapo kapag kunot at sampok ang kilay niya.

Ayos lang sa aking hindi kami magkausap. Basta ay makita ko lang siya. Nawiwirduhan nga rin ako sa sarili, kagabi ay todo ang iyak ko. Ngayong gabi naman ay panay ang paggawa ko ng mga kung ano-ano.

Pinanood kong tunggain niya ang alak sa mismong bote. Hindi siya tumitingin sa akin sa halip ay nasa gilid ang tingin niya. Hindi ko rin maiwasang mapatingin doon. Ibinalik ko ang mga mata sa mukha ni Bulldog.

Akma siyang iinom nang mapalingon siya sa akin at nagtama ang paningin namin. Kunot-noo parin bagaman mapungay na ang mga mata.

"Kanina ka pa ba umiinom?" tanong ko.

"Yeah." tipid na sagot niya. Marahas niyang tinungga ang beer. Sunod-sunod iyon, tila uhaw na uhaw.

"Ahm, Bulldog." pagtawag ko matapos ang nakakabinging katahimikan. Binabawi ko na ang sinabi kong ayos lang na hindi kami magkausap. Kailangan ko siyang makausap ngayon. "Pasensya na." ang nasabi ko. Nangangapa ako kung paano ko sisimulan. Napakarami kong gustong sabihin.

Doon lang siya tumingin sa akin. Tila pinoproseso ang sinabi ko. Nakita kong umigting ang panga niya kasabay ng mataman na titig sa akin.

"Pasensya na talaga." sinserong sabi ko.

"Is that all you can say? Pasensya?" nakita ko kung paanong lumamlam ang mga mata niyang kanina pa man ay mapungay na. "Bakit hindi mo ako hinayaang alagaan ka doon sa hospital? Bakit? Kasi nandiyan naman si Gabraiel?"

"Hindi 'no. Paano napasok sa usapan natin si Gabraiel?" tanong ko. Hindi mapigilang pagkunutan siya ng noo.

"Really? You're asking me that? Bakit hindi mo sagutin ang sarili mo." bakas ang galit sa mukha at boses niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Fuck, Kaze! Hindi ba halatang nagseselos ako dahil sa kanya?! Do I have to say that?" halos mabasag na ang boses niya. "Ganyan ka ba talaga?"

"Huwag mo siyang pagselosan." seryosong sabi ko.

"Whatever." supladong aniya at uminom na naman ng beer. Panibagong bote na ang hawak niya.

Umalis ako sa pagkakaupo. Naagaw ko ang atensiyon niya at magkasalubong ang kilay na tinitigan ako. Tumungo ako sa ref na parang ako ang may-ari ng bahay.

"What are you doing?" matigas na sambit niya.

Sa halip na sagutin siya ay kumuha ako doon ng beer at pinakita sa kanya. Hindi makapaniwala niya akong inilingan. Bumalik ako sa silya at binuksan iyon gamit ang isa pang bote. Ramdam kong titig na titig sa akin si Bulldog hanggang sa lumapat ang mga labi ko sa bote.

"Why are you drinking?" naninitang sabi ni Bulldog. Akma niyang aagawin ang bote ngunit mabilis ko iyong iniwas.

Muling binalot ng katahimikan ang gabi. Umiinom kami ng sabay at walang imikan. Panay ang titig niya sa akin. Noong una ay kinakaya ko pa, hindi nagtagal ay parang naiilang na ako. Sa bawat pagdapo kasi ng mga mata ko sa kanya ay awtomatikong sa labi niya napupunta. Nang magtama ang paningin namin ay bigla nalang kumabog ang dibdib ko. Mabilis kong iniwas ang tingin at kunwaring sa dibdib niya nalang nakatitig. Pinagsisisihan ko rin sa huli dahil biglang uminit ang katawan ko. Pakshet.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now