Chapter 25

319 9 0
                                    


Hanggang sa umuwi ako ng bahay ay hindi parin ako maka move on doon. Naiinis ako tuwing naiisip ko yon. Kahit tignan ko lang siya ay naiinis na ako. Paano pa kaya kung magsasalita na siya. Worst, paano kung ako ang kausapin niya. Tsk! Pake ko.

Hindi pa ako naiinis sa tanang buhay ko ng ganito. Hindi pa ako nainis sa isang babaeng mukhang tomboy. Hindi pa ako naiinis sa kahit na sino sa tuwing titignan ko lang. Putek! Iniinis talaga ako ng Shitzung yon.

Hangganh sa pagkain ay hindi siya naaalis sa isip ko. Pati mukha niyang walang kwenta ay paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Lalo pa nong tawagin niya akong Bulldog at conyo!
Natapos nalang kami sa pagkain at nakaligo na ako ay wala paring nangyari sa akin. Naiinis parin ako! Baka bukas nga ay hindi pa mawala tong inis ko at kasalanan yon ni Shitzu!

Naisipanko nalang na maglaro ng games sa computer para mawala ng kaunti ang inis ko. Pero wala paring nagyari, lumala lang ang inis ko. Naasar na nga ako. Napagbubuntungan ko ng galit iyong mga kalaban. Naiisip kong si Shitzu yon at dapat kong barilin. Tsk!

Nang mawalan ako ng gana ay kaagad akong humiga sa kama. Mukhang hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil hindi talaga mawala ang inis ko. Hindi ko pa nasusubukang mainis magdamag, ngayon lang. At dahil na naman yon kay Shitzu! Fuck

Pag gising ko kinabukasan ay mas gumaan ang mood ko ng konti. Hindi na palaging sumagi sa isipko si Shitzu. Kaya hindi na ako masyadong nakasimangot at nagawa ko ang mga dapat kong gawin sa umaga ng hindi binubuntong doon ang galit.

Okay na sana ang araw ko nang sumapit ang lunch at pinaalala sa akin ni Rex iyong tungkol sa pagkausap namin kay Shitzu. Hiniling ko talaga na hindi siya pumunta para wala na akong iniisip pa.

Habang naglalakad kami ng buong gang papunta sa cafeteria ay napadaan kami sa building nila Shitzu. May mga estudyante akong nakitang pababa doon. Naisip ko tuloy na sana ay madulas diyan si Shitzu para hindi na siya makapunta. Alam kong masama mag isip ng ganon pero hindi ko talaga mapigilan. Ganon nalang talaga ang asar ko sa kanya.

"Dude, isipin mo nalang na tayo rin ang makaka-benefit nito." tinapik ni Nathan ang tiyan ko. Napansin niya sigurong sampok ang kilay ko.

"Yeah, whatever." nalang ang nasagot ko. Nang pumasok kami sa loob ng cafeteria ay padabog akong umupo. Bigla akong napatingin sa pwesto kung saan palaging nakaupo si Shitzu
kasama ang gangmates niya. Hindi ko siya nakita doon. Sa halip ay iyong mga gangmates niya lang. Napangiwi ako ng magsalubong ang mata namin ng lider nila.

Inis kong binaling ang tingin sa harap. Mas lalo akong napangiwi ng makita kong pumasok si Shitzu. Ganon talaga siguro siya, ang cold ng mata niya. Maging ang paraan niya ng paglakad ay wala ring kwenta. Aish! She's freaking unpredictable.

Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa counter. Nakita kong isang burger lang ang inorder niya. Nang pumihit siya patalikod sa counter ay mabilis kong iniwas ang tingin. Ngunit talagang hindi ko napigilan at muli akong lumingon sa gawi niya. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin ng magsalubong ang mga mata namin. Nainis pa ako ng nanunuya niya akong tignan, umangat pa ng kaunti ang mga balikat niya marahil ay nanunuya akong tinawanan.

Naglakad siya palapit sa gawi namin. Naagaw na niya ang atensyon nina Luke hindi pa man siya nakakalapit ng tuluyan.

"Mukhang pumayag dude." ngumiti si Luke nang sabihin niya yon.

Inis ko siyang tinignan ng tumayo siya sa malapit sa gilid ko. Naka poker face niya kaming tinignan. Tumikhim nalang ako saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Tabi nga." matigas na aniya, si Rex ang tinutukoy niya. Umusog naman si Rex. Walang hiya siyang umupo sa tabi nito saka binuksan ang hawak niyang burger.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now