Chapter 65

84 9 0
                                    

Sabay kaming pumasok ni Bulldog sa guidance office. Nakita ko kaagad si miss Sarsoa na nakaupo sa swivel chair niya. Nakangiti niya akong tinignan. Ngunit kaagad din iyong napalitan ng pagtataka nang makita niyang pumasok si Zain sa likod ko.

"I wasn't expecting you to come here mister Hendrix." nakangiting ani miss Sarsoa.

Giniya niya kami paupo sa dalawang silya na kaharap ng mesa niya. Pinagsiklop niya ang palad at pinakatitigan ako.

"Why do you have that wound on your face?" pangunang tanong niya.

"Nadapa lang ho." sagot ko. Sinamaan ako ng tingin ni Bulldog. Sinasabing ayusin ko ang sagot ko. Iniripan ko nga ulit. Tss.

Nang ibalik ko ang tingin kay miss Sarsoa ay nakangiti na siya.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" tanong niya ulit.

"Dahil po sa pagliban ko sa klase. Pati rin po iyong pagtulog ko sa klase ni maam Giniba." sagot ko.

Tumango siya at pinagsiklop ang kamay na nakapatong sa mesa.

"Aside from that? Any idea?"

"Ho? Iyon lang ang sinabi ni maam Giniba." kunot-noo kong sabi.

"Hindi naman si ma'am Giniba ang nag papunta sayo dito. Ako mismo miss Anderson." tumawa siya. "Si maam Giniba talaga. Tsk!"

"Kung ganon ano ho ang dahilan ninyo?" hindi ko talaga alam kung ano pa ang dahilan ng pagpunta ko dito. Tss.

"Well, you're here miss Anderson kasi... you've violated a campus rule. And that's about not wearing a complete uniform. Hindi na to warning miss Anderson. It's compulsory." natigil siya sandali. "Ilang semester ka ng hindi nagsusuot ng uniform. Alam mo namang nasa campus rules yan. Tomorrow, I mandate you to wear your complete unifrom." ma-awtoridad niyang sabi.

Gustong magwala ng kalooban ko. Dumadagundong ang kaba ko sa sinabi niya. Nakita ko rin ng matigilan si Bulldog sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin pa ako sa kanya at doon sumimangot ang mukha ko. Hindi ko matanggap na kailangan ko ng magsuot ng uniform.

"Are we clear miss Anderson?" doon lang ako muling tumingin kay miss Sarsoa. "Failure to do so will be suspended. Ipapatawag ko pa ang guardian mo." dagdag niya pa.

Napapikit ako sa inis. Ayoko talagang magsuot niyon. Hindi naman ako makareact ng naayon sa gusto ko dahil baka madagdagan ang penalty ko.

"Remember that miss Anderson..." tumikhim siya. "How about you mister Hendrix?" mabuti at nabaling na ang atensiyon niya kay Bulldog.

"May teacher po kasing nag report sa akin..." tumingin pa siya sa akin sandali. "Loitering po."

Talagang gusto niyang magkapenalty. Tss. Kapag nagkapenalty ka ay palilinisin ka pa naman. Tss. Nakakatamad yon.

"Oh, loitering..." si maam Sarsoa. "Sinong guro ba?"

"Si maam Lacson po... fourth year teacher." sagot ng aso.

"Okay, you should have a penalty. It's against the campus rule also. Oh siya, kayong dalawa...pumirma kayo dito." iniabot ni maam sa amin ang may katamtamang sukat ng card. Isa doon ay may pangalan ko na. Habang iyong isa naman ay sinulatan pa ni Bulldog ng pangalan. "As your punishment, you two should clean the gymnasium for two hours. You'll be exempted on your class. This is compulsory. That card will be kept by yourselves. After you consumed the two-hour punishment, bumalik kayo dito and I'll sign that. Proving that you've accomplished your public service." paliwanag ni maam.

"Okay po maam." sinamaan ko ng tingin si Bulldog. Talagang gusto niyang maglinis doon? Hindi man lang umangal amputa lalo na't dalawang oras ang sinabi! Tss.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu