Chapter 74

84 4 0
                                    


KAZE'S POV

Marahas kong dinampot ang bote ng beer sa mesa. Kanina ko pa iyon napalabas mulansa ref ngunit ngayon ko lang nabuksan at nainom. Tuloy ay hindi na iyon ganoon kalamig. Naging abala kasi ako sa nakalipas na minuto.

Tumigil ako saglit sa ginagawa at tumangga ng beer mula sa bote. Makakatatlo na sana ako ng tungga kung hindi lang nagpakita sa akin si Master mula sa sala. Hindi ko siya kaagad na napansin dahil tanging itong maliit na ilaw lang sa kusinaang pinaandar ko. Kaunting bahagi lang ng kusina ang naiilawan niyon.

"Are you drinking beer?" lukot na lukot ang mukha ni Master nang itanong iyon. Dahan-dahan ang paglakad niya hanggang sa marating ang kabilang parte ng lamesa.

"Gusto mo?" inalok ko ang sariling bote. Umiling siya at masama akong tinitigan. "Ano?" nasabi ko.

"Ngayon ka pupunta kay Kalem." sinabi niya iyon ng ganoon ka sigurado. Hindi nagtatanong at hindi nanghuhula sa kung ano mang gagawin ko.

Hindi ako sumagot sa halip ay pinatuloy ko ang paglilinis ng sapatos ko. Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Talagang hindi ka magpapasama?" naging seryoso ang boses ni Master nang magsalita ulit siya.

"Kailangan kong gawin 'to." huling sabi ko at dinampot ang bote ng beer. Walang lingunan akong umalis sa harap niya at lumabas ng bahay.

Kailangan kong tapusin ang nasimulan ni Kalem. Ako ang magtatapos niyon at hindi sila.

***

Mabilis kong pinarada ang motor ilang metro ang layo sa kinaroroonan ni Kalem. Magpahanggang ngayon ay hindi niya naisipan na lumipat ng hide out. Kabisadong-kabisado ko ang loob ng lugar na iyon. Ilang taon din akong naglabas-masok doon. Ilang taong nakisalamuha sa kanila.

Dala ang bote ng beer ay mabagal ang hakbang kong tinungo ang eskinitang kinatitirikan ng lumang gusali. Nasa tapat na ako at mataman na sinuyod ang may kaliitang sukat ng gusali. Talagang napakaluma na niyon, maging ang manipis at sira-sirang gate na gawa sa bakal na screen ay luma na rin. Napuno ng kalawang at napakarumi.

Napangiwi ako nang makitang pati ang hawakan ng gate ay kinakalawang din. Ayokong hawakan iyon kaya't tinadyakan ko nalang. Umalingawngaw ang kumakalansing na tunog ng bakal sa buong paligid. Maging ang matinis na tunog na nagmumula sa nagkikiskisang bakal ay maririnig.

Nang masira ang handle niyon ay bumukas iyon ng napakalaki. Tila matutumba na at mabubuwal ang posteng napuno din ng kalawang.

Uminom muna ako ng beer bago ako pumasok sa loob. Minsan ko pang sinulyapan ang lumang ring ng basketball sa gilid. Nakatumba na iyon at inaanay narin ang poste.

Dire-diretso akong pumasok hanggang sa marating ko ang loob. Napakakalat ng buong paligid, amoy na amoy ko rin ang baho ng cheap na sigarilyo. Napuno din ng grasa at gasolina ang sahig, marahil nagmula sa mga sasakyang pilit na inaayos ni Kalem.

Napangiti ako nang matanaw ko sa dulo si Angelo. Humihithit ng cheap na sigarilyo. May iba pa siyang kasama. Naroon sa pahabang mesa, kaharap si Yuri at iba pang mga taong dati ay kakilala. Nagkakatuwaan at naglalaro ng tong its, siguro. Dati pa ay iyon ang hilig nila. Maliban nalang kay Kalem na hindi sumasali dahil chess ang hilig at hindi baraha.

Seryoso ang mukha kong lumapit sa kanila. Ilang dipa palang ang layo ko ay may nakapansin na sa presensiya ko. Nakangiti rin akong sinalubong ni Angelo na siyang nagpainit ng ulo ko.

"Hindi na kita dinalaw sa ospital, Kaze. Alam ko namang pupunta ka dito." nanunuya siyang ngumisi at marahas na inilapag ang hawak na baraha.

"Mabuti naman." sarkastikong tugon ko na siyang nagpaseryoso sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit at nagpakawala ng hininga. Sa galit ko ay walang pasabi ay sinapak ko na siya. Sa sobrang lakas niyon ay muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan niya. Lahat ng naroon ay umalma, naghahandang sunggaban ako ano mang oras ngayon.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat