Special Chapter 2

7.1K 472 115
                                    

"Baby, are you sure this is the right way?" alala niyang tanong habang tinitingnan ang nakakunot na noo ng fiancé niya.

"Yes, baby. I even asked the Santos for the directions of the old cemetery," sagot nito sa kaniya. He took her hand and enclosed it with his own while his other hand was on the steering wheel. Napangiti naman siya sa ginawa nito.

Maya-maya ay natanaw na nila ang pamilyar na bungad ng sementeryo. Inihinto nila ang sasakyan sa harapan nito. Her fiancé got out of the car first and then helped her to get off. Tiningnan niya ang kabuuan ng sementeryo sa labas.

Walang nagbago . . .

They held each others hands before going inside. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at dire-diretsong naglakad papunta sa likurang bahagi ng sementeryo kung saan makikita ang mga libingan ng pamilyang Torres, Santos at Garcia.

Lumapit sila sa libingan ng mag-asawang Garcia. Sina Analyn Horatia Garcia at si Isagani Garcia.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ng fiancé niya at lumuhod sa harapan ng mga puntod. Inilapag niya ang mga bulaklak na dala-dala at nagsindi rin siya ng kandila para sa mga ito.

"Hello po. Sigurado po akong hindi niyo po kami kilala," pagsisimula niya. Ang weird lang isipin na kinakausap niya ang libingan ng mga taong di niya kilala.

"Ako po si Horatia May at ang lalake na kasama ko po ay si Isagani Juan," mahinang ani niya. Nilingon niya ang kaniyang fiancé na nakatayo sa kaniyang likod. He encouragingly smiled at her.

"Kami po yung magkasintahan na naligaw dito sa sementeryo last year. Na-flatan po kasi kami kaya nag-ikot-ikot po kami at nakita itong sementeryo. Tandang-tanda ko pa po yung weird feeling na naramdaman ko po noong nakita po namin ang puntod niyo. Para po kasing nakatingin ako sa sarili kong libingan. Ganoon rin po ang naramdaman ng fiancé ko," kwento niya.

"Siguro po nagtataka kayo kung bakit after one year ay bumalik kami dito. Gusto lang po sana naming magpasalamat. Kayo po ang naging dahilan kung bakit kami nagkabalikan ni Isagani. Nag-break po kasi kami last year pero bigla po kaming nanaginip ng mga kakaibang bagay . . . Iisa lamang ang alam po namin. Memories niyo po iyon," dagdag niya. Napalingon siya kay Isagani nang lumuhod rin ito sa tabi niya at nagsalita.

"Mahirap man pong ipaliwanag pero siguradong-sigurado kaming sa inyo po ang memories na iyon. Dahil po sa mga panaginip na iyon ay naliwanagan kaming dalawa at napagtanto na mahal pa namin ang isa't-isa. Kayo po ang dahilan kung bakit nagkabalikan kami at ngayon nga'y ikakasal na," ani nito sabay pakita sa wedding ring nilang dalawa.

She'll admit that it sounds impossible. Ayaw niyang maniwala sa reincarnation but the dreams that she had are the same exact dreams that Isagani had. Tumigil lamang ito nang napagdesisyunan niyang makipagkita at makipag-kausap kay Isagani. Because of that, they were able to patch things up and get back together again.

Marami silang pinagdaanang pagsubok ni Isagani. Umabot nga sa point na sinukuan niya ito at iniwasan but those weird dreams that strangely felt like memories made her change her mind and talk to Isagani. Nang nagkausap sila ay doon na nila nalaman na parehas sila ng mga panaginip.

Ewan niya ba pero parang pakiramdam niya na siya ang Analyn Horatia Garcia at ang fiancé naman niya ang Isagani Garcia na nakalibing dito.

Inalalayan siya ni Isagani na makatayo. He wrapped his arms around her waist while saying, "Thank you. The two of you are the reason why we are back together again."

Dinama niya ang preskong simoy ng hangin na kasalukuyang umiihip ngayon. Tila ba tugon ito ng mag-asawang Garcia sa kanila. As if they were telling them that they can hear the things that they've said.

After a while ay inakay na siya ni Isagani papalabas ng sementeryo ngunit nilingon muna niya ang dalawang puntod bago naglakad papalayo.

If we are your current version . . . then I'm happy to say that you still end up with each other in this lifetime.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now