Chapter 10

6.9K 424 16
                                    

The next day after her work ay pumunta siya sa bahay ni Mutya Ocampo. Oliver even told her not to go here.

Nagsasayang lang daw siya ng oras.

She looked at the house again from the window of her car and gathered up enough courage para lumabas sa kaniyang sasakyan at lumapit sa bahay. She silently prayed when she knocked at the door.

"Sandali lang. Andiyan na!" rinig niyang sabi ng isang matandang ginang mula sa loob. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas na ang pintuan at lumabas ang isang nakangiting ginang. Her hair was gray and she was wearing a duster with flower patterns for designs. 

"Ano bang kailangan mo iha?" tanong nito habang kinikilatis siya. Hindi naman masungit o strikta ang tinig nito kaya naman nawala kung papaano ang kaniyang kaba.

"Uhmm . . .  Ako po si Horatia Cassidy. Pasyensya na po sa abala pero . . .  interesado po ako sa family history niyo. Pwede po bang makapagtanong sa inyo tungkol dito?" magalang niyang tanong sa ginang.

May pagdududa na tiningnan siya ng matanda, "Bakit ka interesado sa family history ko iha?"

Napatigil siya dahil sa tanong nito.

Ayaw niyang magsinungaling sa matandang ginang lalo pa't mukhang mabait ito pero desidido siyang makakalap ng information tungkol sa mga tao sa kaniyang panaginip.

"Journalist po ako. Lumipat po ako dito mga around ten years ago na po. Nagka-interes po ako sa history ng San Jose kaya naman nangalap ako ng information sa mga nakatira dito noon at napag-alaman ko na isa ang pamilya niyo sa pinakamatagal ng nakatira dito," pagsasabi niya ng nahabing kwento.

The old woman's face lightened up and eagerly opened the screen door na naghihiwalay sa kanilang dalawa.

"Aba't pasok ka iha! Tama ka sa sinabi mo. Maituturing mo ng founders ang kanunu-nunuan ko ng bayan na ito. Ang lola ko ay may isang kahon na liham sa attic. Hindi lang mga sulat na kaniyang natanggap ang nandito sa akin. Pati na rin mga liham na kaniyang sinulat ngunit hindi niya napadala. Nagpaplano nga ako na ibigay na lang ito sa library natin pagkamatay ko para naman may makapag-alaga pa nito. Para na rin magamit ng sino mang nangangailangan nito," masigla itong lumingon sa kaniya. "And here you are iha! Tadhana nga naman."

"Nakakahiya na po talaga dahil inaabala ko kayo ngayon pero kakapalan ko na po ang mukha ko. Pwede ko po bang mabasa ang ilan sa mga letters na sinasabi niyo po?" she asked hopefully. Kung mahihiya siya ay walang patutunguhan ang kaniyang paghahanap ng kasagutan.

"Oo naman iha. Huwag kang mahiya. Ngunit hindi ko mapapayagan kang iuwi ito. Payag ka bang dito lang sa bahay basahin ang mga liham?" magiliw nitong pagpayag.

"Opo! Malaking bagay na po ito!" masayang tugon niya dito.

Finally, mapapanatag na siya. Baka makakuha na siya ng sagot mula dito.

Iginiya siya ng ginang papunta sa taas at itinuro ang isang hagdan papuntang attic. Habang naglalakad sila sa hagdanan ay nakaramdam siya ng dejá vu.

Parang pamilyar siya sa bahay na ito.

Iwinaksi na lang niya ang weird na pakiramdam na ito at nag-concentrate sa interior ng bahay. The old woman guided her towards the attic and pointed at a medium-sized box when they got inside.

"Diyan nakalagay ang mga liham iha. Hahayaan muna kita dito at ipaghahanda kita ng makakain."

"Huwag na lang po kayong mag-abala. Nakakahiya na po. Ako na nga po itong nang-iistorbo sa inyo, ako pa ang papakainin niyo," mariin niyang tanggi sa sinabi nito.

"Huwag kang mag-alala iha. Hindi ka nakaka-abala sa akin. Malimit lamang ako magkabisita dito kaya pagbigyan mo na ako," pagsusumamo nito sa kaniya.

Doon naman niya nahalatang mukhang mag-isa lang si Lola Mutya sa bahay nito at talagang sabik sa bisita. Sumang-ayon na lamang siya at nagpasalamat dito.

Umupo siya katabi ng box at dahan-dahang binuksan ito. Inisa-isa niyang basahin ang mga letters na nasa loob ng kahon na iyon though hindi niya tinatapos dahil wala itong koneksyon sa hinahanap niya ngunit napagawi ang kaniyang atensyon sa isang letter na walang address at tila entry para sa isang diary.

Nag-aalala ako para kay Ate. Nalaglag ang batang dinadala nito at ngayon nga'y hindi nito nais makipag-usap kahit kanino. Sinibukan kong lapitan siya ngunit tinutulak lamang niya ako papalayo. Alam kong malaking dagok sa buhay nito ang nangyari at nais nitong mapag-isa ngunit sa tingin ko ay mas luluwag ang dibdib niya kung mayroon siyang makakausap. Hindi man ako ngunit maaaring si Kuya Isagani na asawa nito. 

Napahinto siya sa pagbabasa at napa-isip. Iyon pala ang nangyari kay Analyn. Nalaglag ang batang nasa sinapupunan nito. 

Ang weird lang isipin na binabasa niya ang isang napakatandang sulat na pwede mo na ring ituring na local artifact na isinulat ng isang teenager na kakakilala niya pa lang sa wedding nina Analyn at Isagani. Ang mas nakakapagpataas pa ng kaniyang balahibo ay ang puso niyang nagsasabi na kilalang-kilala niya ang dalagang nagsulat ng liham na iyon.

Could it be that reincarnation is possible?

Noon ay wala siyang interes sa isiping iyon. Hindi niya sinasabing hindi siya naniniwala ngunit hindi sumagi sa isip niya na pag-aksayangan ng oras ang topic na ito.

Kung totoo nga ito . . .

Is it possible that I am Analyn Garcia in my past life?

The idea felt so right that she shivered. Pakiramdam niya ay malapit na niyang matuklasan ang katotohanan ngunit hindi niya alam kung ano iyon.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now