Chapter 5

9.3K 462 46
                                    

At first, akala niya ay galing sa labas ng office ni Dr. Renato ang mga boses na naririnig niya but then she realized na nasa paligid niya lamang ito. Sa una ay hindi pa niya ito masyadong maintindihan hanggang paunti-unti ay lumalakas ito hanggang sa naging normal na ang lakas.

Sa kaniyang utak ay nakikita niya ang mga tao na nagsasalita na parang nasa isang teatro. Their voices sounded like the performer's voices when they are performing onstage.

Nakuha ng isang tinig ang kaniyang atensyon at unti-unti siyang naka-focus sa kaniyang paligid.

It's like her whole being clicked perfectly to the miráge though she still felt like something was holding her back.

"Nakikinig ka ba sa akin Analyn?" tanong sa kaniya ng isang babae na may pagka-abo na ang buhok dahil sa katandaan. She looked so stressed-out about something.

"Opo. Nakikinig po ako," malumanay na sagot niya. Her voice sounded so small and innocent. Parang anghel ang nagsasalita at hindi siya.

What suprised her even more is how smoothly did she responded to the woman's question. It's as if someone is speaking on behalf of her.

Lumingon-lingon siya sa kaniyang paligid. Nasa 1880's type na bahay siya. Gawa ang bahay sa kahoy ngunit makikitaan ng kagaraan ito. Nakatayo siya sa bintana kaya naman nalaman niyang nasa second story siya ng bahay. Nakatanaw lamang siya sa labas nang nagsalita ulit ang babae kanina.

"Ikakasal ka na ngayon Analyn. Kaya naman ay sasabihin ko sa iyo ang dapat mong paghandaan," striktang saad ng ginang na kumakausap sa kaniya ngayon.

Napangisi na lang si Horatia sa kaniyang isipan.

Weird ang technique na gamit ni Dr. Renato pero she has to admit napaka-interesting nito. Napili niyang lingunin ang babaeng nagsasalita.  Nadatnan niya ito na mukhang mas nininiyerbos pa kaysa sa kaniya. Ito ay nakasuot ng mahabang dress na nakikita niyang sinusuot ng mga babae sa textbook niya sa Philippine History noong college pa siya. It's actually an added subject in her subject load. Siya mismo ang pumili nito dahil na rin sa kagustuhan niyang mas makilala pa ang bansang kinalakihan ng kaniyang Mom.

Tumingin siya pababa at nakita ang sarili na nakasuot ng puting dress na pwede na ring sabihin na wedding dress. Maganda ang pattern na nakaburda dito. She has to give credits to Dr. Renato. Ang galing nitong humabi ng panaginip. Napakaclear at aakalain mong nanonood ka lang sa isang HD TV.

"Analyn makinig ka nga sa akin," saway nito sa kaniya dahil para siyang tanga sa kakatingin sa kaniyang suot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Analyn makinig ka nga sa akin," saway nito sa kaniya dahil para siyang tanga sa kakatingin sa kaniyang suot. Ang ganda-ganda naman talaga kasi ng dress na suot niya. Napakadetailed ng pagkakaburda ng mga designs.

"Mabait na lalake si Isagani kaya naman wala kang dapat ikatakot. Ang pag-ibig naman ay pwedeng lumago pagkatapos niyong ikasal," dagdag ng ginang.

"Mahal ko na siya," narinig niyang sagot niya.

I'm enjoying this far too much!

Napailing na lang ang ginang sa kaniyang tinuran na parang nagsasabi na hindi siya nito pinaniniwalaan. "Ngayong gabi, kayong dalawa ay magsisiping . . . lahat ng mag-asawa ay dumadaan sa ganuon. Masakit iyon sa una pero mawawala rin sa huli."

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon