Chapter 20

6.2K 382 38
                                    

Horatia felt nervous but at the same time excited. She knew na maaga pa. Bago pa nga lang sigurong nag 7 o'clock.

'Di ba masyado pang maaga para matulog?

Unless he wanted to do something else!

She shook her head carefully, reminding herself na she might looked like Analyn but she is Horatia!

Besides, hindi niya pa lubusang kilala si Isagani. Liberated siya pero may galang pa rin siya sa kaniyang sarili. She would admit na marami ng lalaki ang dumaan sa buhay niya pero she never tried one night stand before!

Tumayo na si Isagani at kinuha ang lampara na nakapatong sa lamesa. Gusto niya itong maunang maglakad dahil ayaw niyang makita nito ang panginginig niya sa kaba ngunit may pagka-gentleman itong si Isagani at hinihintay lang siyang tumayo at maunang maglakad.

Isagani waiting for her to stand up, left her no choice but to lead the way. Thank God at noong kausap niya si Maya ay nalaman niya kung nasaan ang kwarto nila. It will spare her from looking like an idiot again.

Para mas mapabilis ang kaniyang paglalakad ay hinawakan niya ang laylayan ng kaniyang palda at tinaas iyon. This action made Isagani cough suddenly at na-realize niya na ang tuhod niya hanggang paa ay nakalantad. In the modern times, it may not look like a vulgar action but Isagani's reaction said otherwise. She quickly lowered the hem of her skirt at pinili na lang na maglakad ng mabagal.

Nang naabot na nila ang kwarto ay pinagmasdan niya ito ng mabuti. Hindi niya ito natingnan ng maayos dahil nandito si Maya kanina.

It was wide. May dalawang malalaking bintana malapit sa kama. It was designed with a white almost see-through curtain. Nakapagitna dito ay isang upuan na may nakapatong na tuwalya.

 Nakapagitna dito ay isang upuan na may nakapatong na tuwalya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katapat ng kama ay ang pintuan papunta sa teresa. Nasa pinakadulong bahagi ng kwarto ay may isang malaking cabinet na sa tingin niya ay naglalaman ng kanilang mga damit.

Nilapag ni Isagani ang lampara sa table na nakalagay sa may bandang pintuan at pumunta sa teresa sabay nagwika, "Sige, magbihis kana."

Naguguluhan siya sa pagpunta nito sa teresa nang na-realize niya na parang everyday routine na ni Isagani na pumunta sa teresa para hindi mailang si Analyn sa pagbibihis ng pangtulog.

Nang nakalabas na si Isagani ay dali-dali niyang binuksan ang cabinet at naghanap ng masusuot. Hindi naman siya nahirapan dahil kakaunti lamang naman ang damit ni Analyn. Sinimulan na niyang tanggalin ang kaniyang blusa but then she realized na nasa likod pala ang butones nito. She has no choice but to ask for Isagani's help.

"Isagani?" mahina niyang tawag dito.

"Hmm? Tapos ka na bang magbihis?" mahinang sagot nito sa kaniya.

"Hindi pa . . . ngunit . . . maaari bang humingi ng tulong?" sheepish niyang tanong dahil nahihiya siya but at the same time ay nae-excite.

Get a grip of yourself Horatia!

Hindi ito sumagot sa kaniya ngunit pagkatapos ng ilang segundo ay narinig niya itong pumasok ulit sa kanilang kwarto.

Nakatalikod siya dito kaya naman napa-igtad siya nang maramdaman niya ang kamay nitong dumapo sa kaniyang likod. She still has her clothes on but she can feel the electricity flowing between them.

Kinalas na ni Isagani ang butones sa kaniyang likod. The blouse that she was wearing cascaded down to the floor. It left her upper part with only a cloth wrapped around her breast which she assumed is her bra. The sight made Isagani curse under his breath and he hastily went back to the terrace.

Seeing Isagani's tormented state, she decided to dress quickly. Tinanggal niya ang telang nakabalot sa kaniyang dibdib at sinuot na niya ang isang manipis na parang nightgown at dali-daling nahiga sa kama.

"Isagani. . . tapos na akong magbihis. Maaari ka ng pumasok," tawag niya kay Isagani. Isagani didn't answered her but she can clearly see his shadow pacing back and forth from the terrace. It looked like he was composing himself before going in.

Nang pumasok ito ay naisip niyang maupo sa kama dahil hindi pa pala niya natatanggal ang pagkakatali sa kaniyang buhok. Dumausdos ang kumot pababa, revealing the top part of her body. Manipis lamang naman ang suot niya kaya maaaninag kaagad ang dibdib niya.

Upon seeing this ay dali-daling tumalikod si Isagani at binuksan ang cabinet. He rummaged through it looking for his night clothes but she can clearly hear him mumbling furiously to himself. Hindi niya alam kung bakit ito ganoon umakto kaya naman tinuloy na lang niya ang pagtatanggal ng tali sa kaniyang buhok. Tumayo siya muli at naglakad sa salamin that was situated beside the cabinet kung saan nakatayo si Isagani.

She can sense Isagani's gaze on her nang naupo siya katapat ng salamin at kinuha ang suklay.

She slowly brushed her hair, noting how different it is to her shoulder-length hair na nakasanayan niya.

Ano kaya ang shampoo ni Analyn?

Ang shiny at smooth kasi ng buhok nito.

She was concentrating on brushing her Rapunzel-like hair nang napansin niya sa reflection ng salamin na nakatitig lamang si Isagani sa kaniya. It was not just an ordinary stare. It was a stare full of longing, frustrations and confusion.

Tinitigan lang niya ito pabalik sa repleksyon nito sa salamin nang bigla itong nagsalita.

"Analyn, gustong-gusto mo ba talaga akong pinapahirapan?" seryosong tanong nito sa kaniya.

"Anong ibig sabihin mo?" she asked, confused on what he was pertaining to.

"Huwag kang magmaang-maangan pa. Unang-una ang pagngiti mo sa akin buong araw. Alam na alam mo na kahinaan ko ang mga ngiti mo. Pangalawa ay ang pagtaas mo ng iyong palda hanggang tuhod. Nandiyan rin ang paghingi mo ng tulong sa akin sa pagtatangal ng iyong damit. Sa dalawang taon nating pagsasama ay hinding-hindi ka nagpatulong sa pagbibihis mo sa akin kahit na nahihirapan ka na. Ngayon naman ay suot-suot mo ang pantulog na gamit mo noong gabi ng ating kasal kung saan una kitang naangkin. Sagutin mo nga ako ng maayos Analyn . . . masaya ka bang parusahan ako ng ganito?" mahaba nitong lintanya na nagpagulat sa kaniya.

She didn't knew what to say. She didn't mean to seduce him in any way. Kung alam lang niyang hindi iyon normal na gawain ni Analyn ay hindi naman niya iyon gagawin. Naninibago lang talaga siya sa mga nangyayari.

She opened her mouth to say something but decided against it dahil wala naman talaga siyang mapapaliwanag kay Isagani.

Seeing her hesitation, Isagani sighed in defeat at tumungo papunta sa kanilang kama, "Pakipatay na lamang ng lampara kung tapos ka ng magsuklay," ani nito at nahiga patalikod sa kaniyang pwesto sa kama.

She continued looking at him for a while at inakala na niyang tulog na ito dahil hindi na ito gumagalaw sa pwesto nito. Kaya naman nagulat siya ng nagsalita itong muli.

"Gusto kong nakikita ang nakalugay mong buhok. Alam kong hindi ka na sanay na hindi nakapusod papaikot ang buhok mo ngunit wala naman tayong kapit-bahay at malimit lamang ang bumibisita sa atin kaya naman sana ay huwag mo na lamang itali ang buhok mo. Naaalala ko kasi noong mga panahon na hinahayaan mo pa akong hawakan at suklayin gamit ng mga kamay ko ang buhok mo."

She was taken aback by what he said but after a while, she slowly understood what he means.

Gusto nitong nakikita ang dating Analyn.

Ang Analyn na minahal nito noon.

Ang Analyn na nagagawa pang tumawa.

"Sige," tipid niyang sagot habang may mga ngiti sa labi.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now