Chapter 51

5.3K 307 50
                                    

Nanginginig na umiling-iling si Horatia sa sinabi ni Isagani ngunit hindi ito nakita ng lalake dahil may tunog ng paparating na kalesa na nakapagpalingon dito sa labas ng bahay.

"Nandito na ata sina Maya at Diego," pahayag nito habang lumalapit sa bintana upang tingnan kung totoo nga ang hinala nito.

Siya naman ay parang estatwa na nakatayo lang sa pwesto niya. Her hands were shaking uncomfortably. Ang paligid niya ay parang umaalon at inakala niyang mahihimatay siya sa kaba at takot.

"Sila na nga ang dumating! Tayo na Horatia. Hindi naman na daw natin kinakailangang magpalit ng damit sapagkat ayon kay Maya ay tayo-tayo lamang namang apat ang nasa munting salo-salo na hinanda nito," magiliw na sabi ni Isagani habang papalapit muli sa kaniya. Mukhang hindi nito napansin ang mga malalim at nanginginig niyang paghinga. Para siyang naghahabol ng hangin.

Takot na takot siya.

Ayaw niya pang mamatay.

Ayaw niya pang iwan si Isagani.

Paano na ang kanilang anak na nasa sinapupunan niya?

Mukhang hindi siya matutulungan ni Danilo kahit na ano pa mang gawin niya dahil magtatatlong buwan pa lang naman ang tiyan niya.

She watched as Isagani closed the windows and made sure that the back door was closed. Pumasok ito sa kwarto nila at mukhang may kukunin doon. Napahawak naman siya ng mahigpit sa manipis na umbok sa kaniyang tiyan.

No! Anong gagawin ko?!

She felt like she's gonna have a panic attack.

Lumabas na ng kwarto nila si Isagani at may dala-dalang straw hat para dito at isang munting payong para naman sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at igigiya na sana siya nito sa labas ngunit matindi siyang umiling-iling. Kumunot ang noo nito sa kaniyang reaksyon kaya naman malamlam siya nitong tinignan at hinaplos ng dalawang kamay nito ang kaniyang magkabilaang pisngi.

"Anong problema Horatia?" alala nitong tanong sa kaniya.

"Hi-Hindi ko nais pumunta," utal niyang sagot dito.

"Bakit naman?" taka pa rin nitong tanong sa kaniya.

"Ma-masama ang pakiramdam ko," palusot niya at matiim na nagdasal na sana ay piliin ni Isagani na huwag ng pumunta.

"Horatia . . . nakakahiya naman kina Maya at Diego kung hindi tayo pupunta. Nandiyan na sila sa labas at naghihintay. At saka kilalang-kilala mo naman si Maya, matampuhin iyon. Maaaring magtampo iyon sa atin," rason ni Isagani na nagpakabog ng dibdib niya. "Huwag kang mag-alala. Hindi tayo magtatagal. Pupunta lamang tayo tapos papakiusapan ko na lamang si Maya na pauwiin tayo ng maaga para makapagpahinga ka," reassure ni Isagani sa kaniya habang ginigiya na siya papalabas ng bahay.

She opened her mouth to finally tell him the truth but she just found herself having trouble speaking. Tila ba pinipigilan siya ng tadhana na ibahin ang nakatakdang mangyayari. Instead, she just found herself walking inexorable.

It felt like she was walking towards a guillotine and she doesn't have any choice but to accept her fate. Bawat hakbang niya ay napakabigat at parang ang hirap-hirap igalaw ang kaniyang mga paa. Kung hindi lang nakaalalay si Isagani sa kaniya ay tiyak na babagsak siya sa lupa.

Mas dumoble ang kabog ng kaniyang dibdib nang nakita niya ang mapanlokong ngisi ni Diego sa kaniya. Malawak na nakangiti naman si Maya sa likod nito. Ingat siyang inalalayan ni Isagani papalapit sa mga ito. Ang kaniyang mga kamay ay nakakapit ng mahigpit dito.

Ang ngiti ni Maya ay unti-unting nawala at nag-aalalang tinanong siya, " Maayos lamang ba ang lagay mo Analyn?"

Iiling na sana siya at magmamakaawa ditong huwag na lang siyang isama at magpapahinga na lang siya ngunit hindi niya maigalaw ang sarili kaya naman naunahan na siya ni Isagani sa pagsasalita.

"Masama ang pakiramdam niya, Maya. Maaari bang maaga lamang kaming uuwi mamaya para naman makapagpahinga si Analyn?" pagpapaliwanag ni Isagani kay Maya.

Tumango-tango naman si Maya at sumang-ayon sa hiling ni Isagani. Isagani then helped her get on the kalesa. Magkatabi sila ni Maya at nasa harapan naman sina Isagani at Diego.

Maya started telling her about a lot of things. She narrated how she planned the surprise and how she waited to really get the title of the land before revealing it to her. She wasn't able to pay attention to half of those because of the on-going chaos inside her head.

Sina Isagani at Diego naman ay nagkwekwentuhan tungkol sa mga pananim at mga alagang hayop.

Ang sasaya nila pero ako lang itong parang tinututukan ng baril dahil sa panginginig ng katawan ko.

The ride was short dahil malapit lang naman talaga ang nabiling lupain nina Maya at Diego. Pwede na nga ring lakarin lamang kung gugustuhin.

Inalalayan siyang muli ni Isagani pababa ng kalesa. Mula sa pinaghintuan ng kalesa ay makikita ang mga palatandaan ng gagawing bahay sa tuktok ng burol. Unti-unting binaba ng mga lalake ang mga pagkain na dala-dala. Bigla naman siyang hinila ni Maya papunta sa tuktok ng burol. Magpupumiglas sana siya sa hawak nito ngunit nang makita niya ang excitement sa mga mata nito ay bigla siyang nakonsyensya.

Itinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagkilatis sa burol. Sa paanan hanggang sa daan papunta sa taas ay wala naman siyang nakikitang malalaking bato na pwede niyang ikamatay ngunit nang naabot na nila ang tuktok ay nawala ang kulay sa kaniyang mukha.

Big boulder-sized rocks are scattered all around. Idagdag pa na may mga palm-sized rocks pa na nakakalat doon. Bato lang naman ang iyon ngunit para siyang nakatapak sa impyerno nang nakarating sila sa tuktok ng burol.

Namatay si Analyn sa pagkakahulog sa isang puno at pagkakabagok sa bato.

She just needed to avoid two things right now.

Climbing trees and rocks.

"Uhmm . . . Maya. Saan ba tayo kakain?" tanong niya kay Maya habang umaasa na sasabihin nitong sa paanan ng burol.

"Doon sa may paanan ng burol. Mas marami kasing puno doon kaya may masisilungan tayo. Hindi tulad dito sa taas na iisang punong mangga ang mayroon," sagot nito sa kaniya sabay turo sa bahay nila ni Isagani na matatanaw lamang sa kinapwepwestuhan nila. "Yung bahay niyo oh! Kitang-kita lamang dito!"

Napangiti siya hindi dahil sa kaalamang may good view sina Maya sa bahay nila, nakakacreep-out iyon para sa kaniya dahil ibig sabihin ay palagi na siyang mababantayan at mabibisita ni Diego. Ang totoong rason kung bakit siya napangiti ay dahil sa kaalamang hindi sila dito sa tuktok ng burol kakain. Mas safe siya sa may paanan ng burol dahil walang nakaka-threaten na mga bato doon.

Ok Horatia! Breathe! Maybe, you can change the turn of events. Baka pwede mong pigilan ang pagkamatay ni Analyn sa araw na ito.

Magdidiwang na sana siya sa kaniyang kaisipan nang marinig nila si Isagani na tinatawag sila. Papaakyat ito sa burol at nakasunod dito si Diego.

"Maya, mukhang nakalimutan mong dalhin ang caldereta na niluto mo. Wala sa sisidlan at sabi ni Diego ay gustong-gusto mo daw ipatikim kay Analyn yaon," imporma ni Isagani kay Maya.

"Ano? Sigurado akong nadala ko iyon," takang sagot ni Maya dito.

"Balikan na lamang niyo ni Isagani sa bayan. Nananakit na kasi ang kamay ko sa pagmamaneho ng kalesa na iyan kaya si Isagani muna ang sasama sa iyo. Aasikasuhin ko na lamang ang mga kailangang asikasuhin dito," pahayag ni Diego na nakapagpataas ng balahibo niya.

Paano ako?! Maiiwan ba ako sa rapist na ito?!

"Ahh . . .  mainam na makalakad na kami kaagad. Tayo na Isagani at malapit ng magtanghalian," sang-ayon ni Maya at nagsimula ng maglakad pababa ng burol kasama ang kaniyang asawa.

Binuka niya ang bibig upang tawagin ang dalawa ngunit parehas kanina ay walang tunog na lumabas doon. Tila ba pinipigilan siya ng tadhana na makapagsumbong. Panic na lamang  siyang tumakbo papasunod sa dalawa ngunit mahigpit na siyang nahawakan ni Diego sa braso.

"Saan ka pupunta, Analyn?" manyak nitong tanong sa kaniya habang tinatapunan siya ng malagkit na mga tingin.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now