Chapter 41

5.9K 401 64
                                    

A/N: Short filler update lang po ito. Busy po kasi ako masyado. Malapit na po kasi ang pasukan.


 

"Hi-hindi naman masakit nung ginawa natin iyon," pautal-utal niyang sagot sa tanong nito.

Oo! Hindi iyon masakit para sa iyo Horatia dahil hindi ka na virgin!

"Kung birhen ka pa pala noong may unang nangyari sa atin . . . bakit ang galing-galing mo?" inosente pa ring tanong ni Isagani sa kaniya.

Takte! Kasalanan mo iyan Horatia! Papatong-patong ka kasi! Napaghalataan kang magaling!

"Ahh.... ehh... magaling lang talaga ako. Nasa dugo ko na iyon!", she defensively said.

"Nasa dugo mo na ang pagiging magaling sa pagtatalik? May ganoon ba?", hindi makapaniwalang tanong ulit ni Isagani.

"Hindi! Hindi iyon ang ibig sabihin ko! Ang ibig kong sabihin ay nasa dugo ko na ang pagiging magaling! Iyon lamang!" she quickly said, trying to save her crumbling reputation from Isagani's eyes.

Mahinang napatango-tango na lang si Isagani ngunit kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito. Sinimulan na lamang nitong iligpit ang mga papel na nakakalat sa sahig.

Phew! What a close call!

Magce-celebrate na sana siya sa loob ng kaniyang utak when she suddenly remembered what Elisa told her.

Isagani dreamt of having his own coffee plantation.

"Isagani," tawag niya dito habang pinapanood itong inaayos ang mga papel. Mukhang pinapagsunod-sunod nito ang mga papel ayon sa kanilang taon.

"Hmm . . . ?" mahinang tugon nito sa kaniya habang nakatutok pa rin ang atensyon sa ginagawa.

"'Di ba gusto mong magkaroon ng taniman ng kape?" mahina niyang tanong.

Mukhang nagulat ito sa kaniyang tinuran kaya bigla-bigla itong napalingon sa kaniya.

"Bilhin na kaya natin yung katabing lupain ng taniman mo? Para makapagtanim ka rin ng kape," mungkahi niya dito. "Kung nais mo lamang naman . . . May plano kasi akong ibenta yung mga pininta ko. Hindi kalakihan kikitain ko doon ngunit makakatulong rin."

He slowly put down all the papers that he was arranging as if in a trance and suddenly buried his face in his own hands.

My poor love! Ayaw niya atang ipakita ang kahinaan niya sa akin.

She quickly pulled him in her arms and hugged him tightly. He then buried his face on her neck like a lost boy, crying his heart out.

"Shh . . . Tahan na," she comfortingly said while rubbing his back.

"Pa-Pasensya na. Tuwang-tuwa lamang talaga ako. Simula pa pagkabata, pangarap ko ng magkaroon ng plantasyon ng kape. Kahit hindi kalakihan. Ayaw ng Papá ko noon tapos si Analyn naman ngayon. Sumuko na talaga ako sa pangarap na iyon," he told her while sniffing occasionally.

"May bayad kaya ang pagtulong ko," biro niya dito.

Nagtataka itong kumalas sa kanilang yakapan at tiningnan siya habang nakakunot ang noo.

"Ano?"

"Dapat mukha ko ang logo ng kape mo! Tatalunin natin ang Nescafé!" tatawa-tawa pa niyang sagot dito na mukhang hindi naman nito naintindihan.

"Logo? Neska-ano?" taka nitong tanong sa kaniya.

"Logo! Yung tatak ng kape para malaman ng mga bumibili kung sino ang gumawa," paliwanag niya dito. "Dapat yang portrait sketch ko ang gamitin mong logo!" dagdag niya sabay turo sa mukha niya na ginuhit niya mismo noong isang linggo. Nagustuhan kasi ni Isagani at litaw na litaw daw ang kagandahan niya sa drawing kaya ayan nakadisplay na iyon sa dingding ng sala nila.

Tawang umiling-iling na lamang si Isagani sa kalokohan niya. Sigurado siyang hindi nito masyadong naiintindihan ang joke niya pero dahil mukha siyang baliw na tatawa-tawa ay napangiti na lang rin ito.

She was happy to see that she was able to uplift his mood.

"I love you," mahina niyang sabi dito ngunit sigurado siyang rinig na rinig nito.

"Anong ibig sabihin ba niyan?" ngiting tanong ni Isagani sa kaniya. Mukhang hindi pa nakakaget-over sa joke niya kanina.

"Mahal kita," sagot niya dito.

Mas lumawak ang ngiti nito at hinaplos ang kaniyang pisngi. In his deep and very manly voice, he said, "I love you."

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now