Chapter 28

6K 345 18
                                    

Minutes passed . . . maybe an hour . . . she doesn't freaking know!

Nanginginig pa rin ang kaniyang kamay na nakatutok sa may gawi ng secret door even though Diego's banging has stopped for a while now. She tasted iron on her lips and realized that she's been biting her lips so hard.

"Analyn?"

Nagitla siya nang may boses na tumawag sa kaniya sa harapang teresa ng bahay.

"Analyn? Bakit nakasarado ang buong bahay?"

Si Isagani!

Relief flooded throughout her body at kahit nanghihina pa sa takot ay dali-dali siyang tumakbo sa front door ng bahay para pagbuksan si Isagani. Nang nabungaran ang asawa sa labas ay agad-agad niyang nabitawan ang kutsilyo at yumakap ng mahigpit dito.

"Bakit may dala-dala kang kutsilyo? Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Isagani sa kaniya.

"May . . .  may magnanakaw . . . May magnanakaw na gustong pumasok sa bahay kanina," she trembled while answering him. She wanted to tell him everything but something inside her was stopping her from spilling all the beans.

"Magnanakaw? Namukhaan mo ba?" alalang tanong nito sa kaniya.

She shook her head and buried her face on his chest, his manly scent was calming her jittering nerves.

"Sigurado ka bang hindi mo guni-guni lamang ang magnanakaw na nakita mo kanina?" usisa pa rin ni Isagani sa kaniya.

"Guni-guni?!" hindi makapaniwalang sigaw niya dito. She looked at his eyes and held up her shaking hand. "Tingin mo ba matatakot ako ng ganito kung guni-guni ko lamang iyon!"

"Analyn, matagal ka ng pasmado . . ."

Naibaba niya ang kaniyang kamay dahil sa sinabi nito.

Oo nga naman . . . Baka pasmado lang ako pero hindi ako nagsisinungaling na natakot ako!

"Analyn, noon ilang ulit mo rin sinabi sa akin na may magnanakaw na gustong pumasok sa bahay. Natatandaan mo ba yung panahon na tumakbo ka papuntang ilog kung saan ako nangingisda para magsumbong na may magnanakaw sa bahay ngunit pagdating natin dito ay wala namang nawalang gamit. Sino ba namang magnanakaw ang hindi nanakawan ang bahay na iniwan na lamang bigla ng maybahay dahil sa takot? Pagkakataon na niya iyon dahil tumakbo ka sa akin pero bakit wala siyang kinuha? Sigurado ka ba talagang may nakikita kang magnanakaw o sinusumpong ka na naman ng pagiging matatakutin mo?" di naniniwalang paliwanag ni Isagani.

"Hindi ako sinusumpong! Baka magalang iyong magnanakaw! Baka tinuruan siya ng nanay niya na huwag nakawan ang bahay na walang tao! Baka gusto niyang ma-challenge kaya gusto niyang may tao sa bahay kapag nagnanakaw siya!" she defended herself, not noticing na nahaluan niya ng English ang sinabi niya.

Isagani only looked at her weirdly. Looks like he was not convinced.

Dahil sa frustrations niya ay hinila niya ito papunta sa kwarto nila. Tinuro niya ang secret door. "Sinubukan niyang dumaan diyan."

Tiningnan lang siya ni Isagani and then proceeded to get the hammer that was lying on the floor next to their bed. Naiwan niya ito doon dahil sa takot. Iniisa-isa nitong tanggalin ang mga pakong dinukdok niya doon. Nang buksan na nito ang secret door ay takot siyang tumayo sa likod nito at sinilip kung nasa loob pa ba si Diego.

Thankfully, he was not.

Bumaba si Isagani sa stock room kaya sinundan niya ito. Iginiya niya ito sa may outside door at tinuro ang nasirang lock doon.

"Kita mo na! Hindi ko guni-guni ang magnanakaw!" parang bata niyang sumbong.

Nabigla na lang siya nang nag-sorry si Isagani sa kaniya. "Pasyensya na. Hindi kita agad pinaniwalaan kasi ilang ulit mo ng sinabi sa akin na may magnanakaw ngunit wala namang nananakaw sa bahay natin."

She hugged him tightly to show that she was not angry. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya because he was taken aback by her actions. Kasalanan rin naman ni Analyn kung bakit ayaw paniwalaan ni Isagani ang mga attempts ng pagsusumbong nito dahil hindi naman talaga ito nagsasabi ng totoo.

Hindi magnanakaw ang gustong pumasok sa bahay kundi isang rapist!

Pagkatapos ng kanilang yakapan session sa loob ng stock room ay iginiya na siya ni Isagani papunta sa loob ng bahay at ito na mismo ang nagbukas ng lahat ng bintana at pintuan na sinarado niya.

"Huwag kang mag-alala at pumayag na si Elisa na dumalaw bukas dito. Para naman hindi ka mapag-isa sa bahay at magkamustahan na rin kayo ni Elisa." he said assuringly.

Tumango na lang siya sa sinabi nito.

"Nais mo bang ako muna ang magluto ngayon ng tanghalian? Baka hindi mo pa kaya dahil sa takot . . . ," alalang mungkahi ni Isagani.

She just shook her head.

"'Diba sabi mo gusto mong magpaturo sa akin kung paano lutuin yung Tom Kha Gai? Tuturuan na lamang kita ngayon," ngiting tanong niya dito.

He smiled so widely when he heard that.

All throughout the weeks that she'd been here ay natuklasan niyang masarap rin palang magluto si Isagani. Sa katunayan ay parang stress reliever nito ang pagluluto. Kaya siguro tuwang-tuwa ito na malaman na tuturuan niya ito ng bagong putahe na hindi pa nito alam lutuin.

"Tayo na," aya niya dito. Hinila niya ang kamay nito papuntang kusina.

She choose to forget for the meantime about what happened earlier. Lalong-lalo na nag-oopen up na ulit si Isagani sa kaniya.

I'll deal with it later. I didn't get the "strong, independent woman" title for nothing. Sanay na siyang resolbahin ang sariling problema na walang hinhinging tulong mula sa iba.

Tama. She can solve this one without any help.


My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें