Chapter 55

5.4K 335 62
                                    

Isagani was waiting for them at the foot of the hill. He then immediately embraced her and patted Maya's back when they approached him. He didn't ask anything on what they've talked about without him. She appreciated that he respects her decision not to tell him even though it's very clear that he's curious.

Naglakad silang tatlo papabalik sa bahay nila ni Isagani. Good thing it was just a walking distance because all of them were dead tired. Nang nakarating sa bahay ay naglinis muna sila ng katawan at nagpalit ng damit. Pinahiram muna niya si Maya ng masusuot dahil nasa bahay ni Diego ang mga damit nito. After freshening up, she tucked Maya to bed even if it was still a little bit early. She needed some rest. Ang rami nitong problemang kakaharapin bukas.

"Analyn . . . ," mahinang tawag nito sa kaniya nang aksyon na siyang tatayo para makaalis ng kwarto.

"Bakit?" she asked with a small smile in her face. Umupo na lang siya muli katabi ng nakahiga nitong katawan at piniling haplusin ang buhok nito.

"Natatakot ako," bulong nito na para bang may ibang pwedeng makarinig sa sinabi nito.

"Bakit ka naman natatakot?" she whispered back.

"Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao," nginig nitong ani. "Natatakot akong pagtawanan at kutyain ng mga tao sa ating sociédad. Isang kawawang babaeng iniwan ng asawa."

"Maya, hindi ka dapat mahiya o matakot. Tandaan mo, si Diego ang may kasalanan. Siya ang dapat pandirihin, hindi ikaw. Hindi ako. Wala ninuman sa ating dalawa," malakas na loob niyang paliwanag dito.

"Paano sina Ina at Ama? Hindi nila magugustuhan ang plano kong pakikipaghiwalay kay Diego," alala pa rin nitong tanong sa kaniya. Her eyes reflected how scared she is to the upcoming storm that is going on her way.

"Kung sakaling pilitin ka nina Ina at Ama na makipagbalikan kay Diego . . . maaari kang bumalik dito at tumira sa amin. Maghahanap tayo ng paraan," she assuringly said. "Alam kong nakakatakot ang mga paparating na problema sa ating kinabukasan ngunit lagi mong tatandaan Maya na basta nagtutulungan tayo ay makakaya nating bumangon."

Besides, I saw your future Maya. You'll find another man that you'll love and both of you will have five beautiful children and lots of grandchildren. One of those will be Lola Mutya.Time will pass and all will be better.

She smiled at what she was thinking and reassuredly looked at Maya. She can't tell her anything but rest assured that she will be happy in the future.

May ingat na hinalikan niya ang noo nito at inayos ang kumot na nakapatong sa katawan nito. She smiled at her one last time before going out of the room.

Now, I need to talk to Isagani.

Pumunta siya sa teresa na nakakonekta sa kanilang kwarto at doon naabutan si Isagani na nagkakape.

He was watching the night sky that is full of beautiful twinkling stars. Nakabenda ang kanan nitong kamay dahil sa mga sugat na natamo nito kanina. He glanced at her when he noticed her presence. Ngumiti ito sa kaniyang direksyon at nilahad ang kamay na mistulang sinasabi na lumapit siya dito.

She walked slowly towards him and sat beside him. He wrapped his left arm on her waist and carefully examined the small wound on her forehead. Nakakunot ang noo nito habang tinitingnan ang kaniyang sugat na nalinis na nila at nagamot.

She took his hand that was examining her wound and enclosed it with her own. Inihiga niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito at tumingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.

"Isagani . . . ," mahinang tawag niya dito.

"Hmm . . . ?" bulong nitong tanong sa kaniya.

"May aaminin ako sa iyo," kinakabahan niyang sabi dito. He didn't answer but his grip on her waist tightened.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now