Chapter 45

5.5K 395 46
                                    

The dinner was very tortuously awkward.

Well, maybe only for her.

Masayang nag-uusap ang lahat habang siya naman ay patikim-tikim lamang sa pagkaing nasa kaniyang plato. Nawalan siya ng gana.

She can still remember Maya's last words before she went outside to call their mother and the men.

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

FLASHBACK

"Analyn . . . ano bang problema?" alalang tanong nito sa kaniya sabay lapit at hawak sa kaniyang dalawang braso. "Tinanong mo rin iyan sa akin noon," dagdag nito habang hinahawi ang iilang hibla ng buhok na nahulog sa kaniyang mukha at inayos ito.

Analyn asked the same question too?

Malakas itong bumuntung-hininga nang mapansin na wala siyang planong magpaliwanag. Tinutukan siya nito ng mariin. She smiled sincerely at her and said, "Huwag kang mag-alala. Hindi tayo matutulad sa nanay-nanayan ng Celsong iyon. May mga asawa tayong proprotekta sa atin."

She said those words with confidence as if assuring her that there's nothing to be afraid of. That she doesn't need to fret because they have big, strong husbands that will protect them.

I wish that was what happened . . .

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

"Horatia?" napukaw siya sa kaniyang iniisip nang mahina siyang tawagin ni Isagani.

"Hindi ka ba nagugutom? Ang kaunti lamang ng kinakain mo," alalang tanong nito sa kaniya.

She smiled at him in reassurance that she was alright. She reached out to hold his hand so that she can feel the warmth of security that she always feels whenever he's near but she suddenly stopped herself midway.

No. She's not weak.

She was so accustomed on being an independent woman throughout her whole career that it felt strange for her to entrust herself to someone.

Yes. She do love Isagani but she doesn't want to give him any problems.

Kaya niya ito. Kakayanin niya.

She retracted her hand away from him and clenched it around her arms.

"Analyn, pakiabot ng kanin," rinig niyang tawag ni Diego sa kaniya mula sa kabilang upuan na katabi niya.

Isa pa itong gago na itong nagpapadagdag sa mga iniisip niya. Si Maya sana ang uupo sa upuan na nasa kaliwa niya ngunit inagaw ito ni Diego at pinalipat si Maya katabi ang Ina nila.

She glowered at him and shove the plate of rice towards his waiting hands.

Hindi siya aaktong mabait para dito. Good thing that no one seemed to pay attention at them. Mabuting hindi nila makita ang ginawa niya at baka mapagalitan na naman siya.

"Nabalitaan niyo na ba ang kabaliwan na nagaganap sa bayan natin ngayon?" tanong ni Ina kay Maya habang hinihiwa ang adobong manok na kinakain nito.

Maya shook her head and asked their mother about the topic.

Kahit nga siya'y na-curious sa topic na binuksan ng kanilang Ina. Daig pa nito ang mga news anchors sa panahon niya. Alam ata nito ang halos lahat ng nangyayari sa San Jose.

"Dios mio! May mga kababaihan na nagplaplanong gumawa ng grupo para sa mga walang katuturang bagay!" di makapaniwalang kuwento nito. "Aba't pinaglalaban ba naman ang karapatan daw ng mga babaeng magkaroon ng sariling lupain! Kung magiging masunuring asawa lamang sila ay hindi na nila kakailanganing magtrabaho!" inis na dagdag pa nito.

Tumango-tango si Ama at si Diego upang pagsang-ayon sa sinabi ni Ina. Si Maya ay yumuko na lamang at si Isagani ay nilingon siya ng palihim.

"Tama ka diyan Mamá! Aba't ano namang gagawin ng mga babae kung sakaling magkaroon sila ng sarili nilang lupain at negosyo?! Wala naman silang mga alam tungkol doon!" malakas na pagsang-ayon ni Diego sa sinabi ng kaniyang Ina.

"May narinig nga akong balita na nagpaplano silang magkita-kita kada Sabado upang turuan ang mga babaeng kasamahan kung paano magtayo ng sariling negosyo," dagdag ng kaniyang Ama sa sinabi ni Diego. "Sino ba namang estúpida ang gustong sumali sa pagpupulong na iyon?!" tatawa-tawa pa nitong sabi na parang hindi makapaniwalang may papatol sa walang katuturang ideya na iyon.

Her mother and Diego nodded their heads in agreement.

Sometimes, I wonder if sila ang tunay na mag-ina. Parehas kasi silang mga demonyong umaaligid sa lupa.

"Ako," mahina niyang sambit.

Isagani quickly looked at her way. He seemed to be shocked with what she said. Alam kasi nito na gustong-gusto niyang maayos na maitawid ang hapunan na ito ngunit mukhang malabo na iyong mangyari dahil sa sagot niya. Idagdag pa ang pagtatalo nila ng kaniyang Ina kanina.

Si Maya naman ay tinititigan siya ng may pagmamakaawa na parang nagsasabing huwag na lamang siyang magkomento.

"Anong sinabi mo?" her father strictly asked, authority clearly laced in every word that he spoke.

Silence envelopes the room before she chose to answer.

"Ako po. Gusto kong sumali," mariin niyang sagot sa tanong nito habang tinititigan ang nanglilisik na mga mata nito. Aminado siyang natatakot siya sa kaniyang Ama ngayon. Hindi niya alam kung dahil ba sa natural na reaksyon ng katawan ni Analyn o talagang maotoridad lamang talaga ang Ama nito.

She looked at Maya's direction and smiled at her. "Ikaw Maya? Nais mo bang sumama sa akin?" magiliw niyang alok dito na para bang hindi siya pinagtitinginan ng lahat ng tao sa loob ng bahay na iyon ngayon. She was so thankful that her voice didn't quivered.

Maya shook her head fearfully after sneaking a glance towards their parents. She cheerfully nodded her head as if wala lamang sa kaniya ang sagot nito.

"Ako na lamang ang pupunta," she said before going back to eating her food as if nothing happened

"Tu esposa ahora está actuando alta y poderosa estos días, Isagani. Siempre debes asegurarte de que eres el que usa los pantalones de tu familia," her father said in a low tone. Akala niya ay siya ang kinakausap nito pero paglingon niya dito ay hindi ito nakatingin sa kaniya. Nakatingin ito ngayon kay Isagani.

("Ang iyong asawa ay kumikilos ng mapagmataas nitong nagdaang mga araw, Isagani. Dapat mong laging tiyakin na ikaw ang may suot ng pantalon sa iyong pamilya.")

Nag-aalala siyang napatingin kay Isagani. Hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi ng kaniyang Ama.

Pinapagalitan ba nito si Isagani dahil sa sinabi niya?

Isagani held her hand under the table and smiled widely at her father. "Creo que no disminuirá mi masculinidad si ella aprende cosas diferentes. Te sorprenderá lo inteligente que puede ser una mujer."

("Naniniwala po akong hindi kabawasan sa pagkakalaki ko kung may matutunan siyang mga ibang bagay. Baka magulat po kayo kung matuklasan niyo kung gaano katalino at madiskarte ang mga babae.")

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon