Chapter 19

6.3K 375 62
                                    

Naputol ang pagmumuni-muni ni Isagani nang tawagin na ito ni Analyn para kumain. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa teresa at naglakad patungong kusina.

Naabutan niya si Analyn na inaayos ang lamesa. Ang plato niya at plato nito ay magkatapat, ibang-iba sa nakasanayan niyang pwesto kung saan napakalayo ng plato nila sa isa't-isa. Sa gilid ng plato ay may nilagay itong panyo na tinupi para magmukhang tatsulok. Nakapatong doon ay ang kutsara't tinidor na nakalagay ng maayos. Hindi niya ito pinuna dahil naagaw ng atensyon niya ang pagkaing nilapag nito sa lamesa.

"Ano iyan?" taka niyang tanong dito.

Napatigil si Analyn at parang may iniisip na mahirap.

"Oh God! I don't know what Cheese-Stuffed Chicken is in Filipino!" bulong ni Analyn sa sarili.

Hindi niya ito narinig ng maayos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi niya ito narinig ng maayos. Magtatanong na sana siya kung ano ang sinabi nito nang bigla itong nagsalita.

"Manok na busog sa keso! Iyon ang pangalan nito," malakas na sagot nito sa tanong niya.

Manok na busog sa keso?

Kakaiba iyon at ngayon niya lamang narinig ngunit napatango na lamang siya at naupo na.

Hindi niya alam kung ano ba ang putahe na iyon at ngayon niya lamang ito narinig ngunit pinili na lamang niyang huwag magtanong. Kumuha siya nito at tinikman.

"Masarap ba? Tama lamang ba ang timpla?" tanong nito na maririnigan ng antipasyon sa boses.

"Masarap. Saan mo natutunan ito?" tanong niya habang kumukuha ulit ng isang piraso para kainin.

"Sa tabi-tabi lamang," agad na sagot nito.

Nais sana niyang ipaalala dito na wala silang kapitbahay at hindi mahilig si Analyn na pumunta sa bayan kaya naman ang "tabi-tabi lamang" na sagot nito ay hindi kapani-paniwala ngunit hindi na lamang niya pinuna iyon. Nagtataka lamang siya bakit ngayon lamang nito iyon naisipang lutuin.

"Kamusta ang araw mo?" ngiting tanong nito sa kaniya.

Nakaupo na ito sa tapat niya at nakatitig lamang sa kaniya habang kumakain siya. Nakalagay pa nga ang mga palad nito sa pisngi at nakatukod ang mga siko sa lamesa.

Talagang naninibago siya sa asawa niya. Unang-una hindi ito masyadong ngumingiti. Pangalawa ay hindi nito gustong makipag-kausap sa kaniya kaya naman ang pagbubukas nito ng simuno sa hapagkainan ay talagang kakaiba. Pangatlo ay hindi ito mahilig sumabay sa kaniya sa pagkain. Kapag nasa hapagkainan sila ay sinasandukan lamang siya nito ng pagkain at tinatanong kung nais ba niya ng tubig o kahit ano. Halos hindi ito umuupo dahil umaakto itong may pinagkakaabalahan sa kusina. Panghuli ay ayaw na ayaw nito ang maingay sa hapagkainan. Mga bagay na natutunan nito sa Ina nito.

"Anong ibig sabihin mo sa kamusta ang araw ko?" takang tanong niya. Talagang nangangapa siya sa pagbabago ng ugali ng kaniyang asawa.

"Anong ginawa mo ngayong araw? Napagod ka ba ng husto?" balik na tanong nito sa kaniya habang sumasandok ng pagkain para sa plato nito.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now