Chapter 44

5.5K 347 20
                                    

This chapter is dedicated to @Zy30believer and @Xaie_Xaie. ♡♡ I just wanted to say that I do appreciate both of your support to the story. Sana mas mahalin niyo pa sina Isagani at Horatia. 😊

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Analyn . . . ano bang problema? Bakit mo pinagsalitaan si Ina ng ganoon?" nag-aalalang tanong ni Maya sa kaniya.

Pinili na laMAng niyang tumingin sa may bintana upang maiwasan ang mga mapagtanong nitong mata.

She doesn't want to get angry and put any blame at Maya. Ngayon, naiintindihan niya na kung bakit malapit pa rin si Analyn dito kahit pa man ito ang mas paborito ng mga magulang.

She's caring and loving.

Ito lang ang totoong nagmamahal kay Analyn sa pamilya nito.

"Analyn," mahinang tawag nitong muli sa kaniya. She looked at her and saw the glistening tears that are about to fall from her eyes. "Humingi ka ulit ng paumanhin kay Ina. Alam mo naman ang maaaring mangyari kung sabihin nito kay Ama ang ginawa mo. Hindi magdadalawang-isip si Ama na sampalin ka rin," dagdag pa nito. She can sense the concern from Maya's words.

"Ako?! Bakit ako ang dapat humingi ng patawad?! Ako ba ang nasa mali?!" hindi niya pa rin makapaniwalang tanong dito.

She already said sorry to that ill-mannered woman! Matinding sampal na iyon sa kaniyang pride!

"Intindihin mo na lamang si Ina. Sumama ang timpla niya nang nakita niya ang larawan ng Mamá ni Isagani na sinabit mo dito sa sala," Maya explained to her while looking at the big portrait painting that she made for Isagani's already-deceased mother.

She sketched it with the help of Isagani's description of his mother and then decided to paint it when she had nothing to do while Isagani's away in the fields.

It was a surprise for him honestly. Akala kasi nito ay ang sketch lang ang ginawa niya kaya naman talagang nagulat ito nang ipakita niya ang pinintang larawan ng yumaong Mamá nito.

"Bakit naman siya magagalit?!" takang tanong niya dito.

"Analyn naman . . .Huwag mong sabihing nakalimutan mo," hindi makapaniwalang tugon ni Maya sa kaniyang tanong. "Mortal na magkaaway si Ina at ang Mamá ni Isagani."

"Ano?" she replied, confusion clearly written on her face.

Napabuntung-hininga na lang si Maya at nagpatuloy sa pagpapaliwanag sa kaniya. "Ang pinakaunang lalaking minahal ni Ina ay ang Papá ni Isagani."

Wait! What the hell?!

"Nagkakamabutihan na nga sana sila ngunit lumipat dito sa San Jose ang Mamá ni Isagani. Biglang nag-iba ang nararamdaman ng Papá ni Isagani kay Ina at kalauna'y iniwan si Ina sa ere at niligawan naman ang Mamá ni Isagani," she said while looking at her intently.

This family has some issues! Oh my God! Pwedeng-pwedeng gawing teleserye ang nangyayari sa pamilyang ito!

"Sandali lamang, kung galit pala si Ina sa Mamá ni Isagani . . . bakit siya pumayag na makasal kami?" she asked. Everything doesn't add up for her.

Ang gulo!

"Pumayag siya sapagkat iniisip niya na nasa kaniya ang huling halakhak kapag nakuha ng anak niya ang anak ng mortal na kaaway niya. Kahit di sila nagkatuluyan ng Papá ni Isagani ay napunta pa rin sa pamilya natin ang pera ng pamilya nila. Syempre ikaw ang asawa," Maya explained. She can clearly see the disappointment in her eyes because of their mother's action but she didn't say anything about it.

Parang bata naman kung mag-isip ang nanay nila. Ayaw na ayaw na may lumamang sa kaniya at kung masaya na itong nasa kanilang pamilya pa rin bumagsak ang pera ng pamilyang Garcia ay ibig sabihin na pera lamang talaga ang habol nito sa Papá ni Isagani.

Gold digger rin pala ang bruha!

She then decided to ask Maya to help her set up the dining table before the men and her evil incarnate mother comes back.  Habang nagsasandok siya ng ulam at si Maya naman ay nilalagay ang mga eating utensils sa lamesa ay bigla siyang napaisip.

"Maya," mahinang tawag niya habang mariing nakatingin dito na inaayos ang mga baso. She was placing it in a very particular position na para bang si Gordon Ramsay ang kakain sa bahay nila.

"Hmm?" tugon nito habang ang atensyon ay nasa baso pa rin. Maya looked like she was wiping an imaginary dust from it but she chose not to comment about it. Bagkus ay nagpatuloy siya sa kaniyang nais itanong.

"Kung ako ba ang nasa posisyon ng Ina ni Celso . . . kakampihan mo ba ako?" she asked while biting her lips very harshly. Namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

Importante para sa kaniya ang opinyon ni Maya. She's the only one who truly loves her in this family.

Napatigil si Maya sa ginagawa dahil sa kaniyang tanong at unti-unting lumingon sa kaniya.

"Hi-hindi ko alam . . . ," mahinang saad nito, uncertainty written all over her face.

Her words hit her hard.

Masakit.

Masakit na malamang walang kasiguraduhan itong mananatili sa tabi niya kung mangyaring umamin siya.

She doesn't want to lose her sister.

This is the very reason why Analyn was so scared to speak up about the rape.

Dahil kahit ang kaisa-isang taong kinakapitan nito ay hindi sigurado kung mananatili ito sa tabi niya kung magsumbong man siya.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora