Chapter 36

5.9K 321 24
                                    

A/N: Short update lang po ito pero don't worry may another update ngayong gabi. :)



"Talaga?" tuwang tanong ni Isagani habang pinapakinggan ang kwento ni Maya. Kasalukuyan kasing nilalahad ni Maya ang lahat ng nangyari sa kanila sa bayan.

"Oo, Isagani! Hindi ko nga lubos na mapaniwalaan na makakayang sagot-sagutin ni Analyn ang nagtitinda ng tinapay," galak namang komento ni Maya habang tuwang-tuwang nakatingin sa kaniya.

Marahan siyang hinila ni Isagani at niyakap mula sa likod. Pinatong nito ang ulo sa kaniyang leeg at bumulong sa kaniyang tenga. "Ang galing mo Horatia."

Namula naman siya sa binulong nito sa kaniya. She can clearly feel Isagani's breathe on her neck and ears that sent chilling sensation all over her body.

God! Isagani! Nandito si Maya! Huwag kang magtanim ng lumot sa utak ko!

She apologetically looked at Maya and saw that she was staring at them with sadness and jealousy. Natandaan niya na hindi nga pala maganda ang marriage nina Maya at Diego. Kahit ayaw niya ay tinanggal na lamang niya ang pagkakayapos ni Isagani sa kaniya.

Mukhang nagtaka si Isagani sa kaniyang ginawa kaya naman tinuro niya si Maya gamit ang kaniyang mata. Naintindihan naman ni Isagani ang kaniyang pahiwatig at lumayo muna sa kaniya.

"Ahh. . .  mainam na umuwi na ako," Maya informed, her voice was laced with sadness. Sumakay na ulit ito sa kalesa na sinakyan nila kanina habang tinutulungan ito ni Isagani.

She waved goodbye to her while watching her go. Niyakap naman siya ulit ni Isagani sa likod.

"Kawawa naman si Maya . . . ," mahinang bulong niya sa sarili ngunit mukhang narinig naman ito ni Isagani.

"Oo. Mukhang hindi talaga sila ni Diego para sa isa't-isa," sang-ayon sa kaniya ni Isagani. "Nga pala . . .  Ano yung sinasabi ni Maya tungkol sa isang baliw?" dagdag na tanong nito sa kaniya.

"Isagani!" masayang sigaw niya habang pumipihit papaharap dito. "Katulad ko siya. Nanggaling rin siya sa hinaharap. Sa katunayan ay kakilala ko siya."

Napakunot ang noo ni Isagani sa kaniyang sinabi. "Ibig mo bang sabihin ay hindi ka nag-iisa? Sa taon mo ba ay malimit na ang mga tao maglakbay sa nakaraan?"

"Hindi naman. Napakaimposible nga ng nangyari sa akin. Kaya nga gulat na gulat ako nang nakita ko si Betty dito. Kaibigan ko siya. Ang nakakapagtaka lamang ay nakaya niyang dalhin ang katawan niya sa panahon na ito. Hindi siya nanghiram ng katawan tulad ko!" gilalas niyang kwento dito.

Come to think of it . . . Betty is the one who referred to me to Dr. Renato!

Malakas manigarilyo noon si Betty kaya naman nagpa-schedule ito kay Dr. Renato. Sabi naman nito ay effective kaya doon siya pumunta para sa insomnia niya.

Dahil ba kay Dr. Renato kaya rin napunta si Betty dito?

"Nasaan siya ngayon? Nagka-usap na ba kayo ng masinsinan?" alalang tanong naman ni Isagani.

"Hindi pa nga eh. Ang alam ko lamang ay kasalukuyan siyang nakatira sa isang lalake na nagngangalang Celso," mahina niyang sagot dito.

"Celso?! Ibig mo bang sabihin ay si Celso Montallana?!" gulat namang sigaw ni Isagani.

"Bakit? May mali ba sa nasabi ko?" takang tanong niya dito.

"Si Celso ay inakusahan noon ng panghahalay ng isang bata! Salot sa lipunan ang turing ng mga tao sa kaniya," may bahid ng galit sa boses ni Isagani habang sinasabi iyon.

Oh God! Si Betty!

"Saan ba nakatira ang Celsong iyon? Kailangan nating kunin si Betty!" alala naman niyang saad. She was now regretting na hindi man niya lang napigil si Celso sa pagkuha kay Betty.

"Huwag kang mag-alala. Pupuntahan ko sila sa kabilang bayan. Susunduin ko si Betty," assure naman sa kaniya ni Isagani.

"Isama mo ako!" diin niyang sabi.

"Huwag na. Baka mapahamak ka doon. Teritoryo ng mga Montallana ang San Juan. Kalabang pamilya ng mga Garcia ang mga Montallana kaya pag-iinitan ka doon," mariing tanggi nito.

Kalabang pamilya? Ang mga Montallana ba ang tinutukoy ni Elisa na kalaban nila pagdating sa negosyo? Ang pamilyang naging dahilan kung bakit hindi pinayagan ng ama ni Isagani na magtanim ito ng kape dahil sa takot na maakusahan itong nanggagaya.

"Paano ka? Hindi ka ba pagtutulungan doon?" alala niyang tanong dito.

"Huwag kang mag-alala. Simula nang lumayas ako sa amin ay hindi na nila ako pinag-initan tulad ni Celso sa bayan natin," assure ni Isagani sa kaniya.

Lumayas rin pala si Celso sa kanila. No wonder he can shop at San Jose even though he's a Montallana from San Juan.

Naisip niya ulit ang pagkikita nila sa bayan ni Celso.

He seems to be a good guy. Aloof even.

Hindi niya mawari na nagawa nitong manghalay ng isang bata. Besides, Betty didn't say anything about Celso being a rapist. She only looked irritated at Celso, not afraid.

"Hayaan mo at bukas na bukas ay pupunta ako sa kabilang bayan para kunin si Betty," ika naman ni Isagani sa kaniya habang ginigiya siya papunta sa bahay. Ito na rin mismo ang nagdala ng dalawang Filipiñiana at ang tinapay na nakabalot pa sa dahon ng saging na binili niya.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon