Epilogue

7.8K 502 158
                                    

Horatia felt like a balloon floating mindlessly along the endless darkness. She immediately thought that maybe she was really dead and she wouldn't be able to go back to Isagani even with the help of Dr. Renato. Nagpapasalamat siya sa doktor dahil inisip pa rin nito ang kalagayan niya bago pa ito mamatay.

Tatanggapin na sana niya na baka patay na talaga siya at baka ayaw talaga ng Diyos na pagtagpuin sila ni Isagani muli ngunit may nakakasilaw na puting ilaw ang biglang pumuno sa paligid niya. It blinded her so she automatically closed her eyes to shield it from too much light.

"Horatia?" rinig niyang tawag ng boses ng isang lalake sa kaniya.

She slowly opened her eyes but her vision was too blurry so she blinked rapidly.

"Horatia? Masama ba ang pakiramdam mo?" rinig niyang tanong ng lalake.

When she was able to clear her vision, she looked directly at the direction of the man's voice.

Bigla siyang natulos at hindi makagalaw. She slowly lifted her hands to cover her mouth in hopes that she would be able to muffled her cries. Ang paningin niya ay unti-unting natatakpan ng mga luhang papatulo sa kaniyang mata. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin kaya napaluhod na lamang siya sa panghihina.

Sitting at the terrace of their room with his right arm bandaged and left arm extended to her as if telling her to sit next to him in the same exact way that he did 52 years ago is no other than Isagani.

Kumunot ang noo nito at nag-aalalang dinaluhan siya sa sahig dahil iyak lang siya ng iyak. Mukhang nagulat ito sa nangyayari sa kaniya kaya naman alala nitong pinunasan ang basa niyang pisngi. Kaysa tumahan ay mas lumakas ang kaniyang iyak dahil sa ginawa nito.

She has been longing for his touches for so many years and him touching her cheeks sent her weeping heart into another levels.

Mas nagpanic ito at inaalo siya para tumigil sa pag-iyak. Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap niya ito ng mahigpit. Muntik pa itong mapahiga sa sahig dahil sa biglang aksyon niya ngunit maagap nitong sinalo ang bigat niya.

She buried her weeping face in his neck and filled her nose with his familiar scent. The scent that she has been longing for how many years.

Niyakap siya nito pabalik at maingat na hinaplos ang kaniyang likod. Siya naman ay patuloy pa rin sa pagsinghot at sigurado siyang basa na ang damit ni Isagani dahil sa mga luha niyang tumutulo dito.

"Limangpu't dalawang taon," bulong niya habang nakatago pa rin ang mukha sa leeg nito.

Isagani seemed to be lost and can't understand what she was trying to say. Marahan nitong tatanggalin sana ang pagkakayakap niya dito ngunit para siyang tarsier na nakapulupot dito.

"Huwag pakiusap!" iyak niyang pagmamakaawa na nakapagpahinto dito. "Limangpu't dalawang taon akong naghintay. Limangpu't dalawang taon akong nagtiis. Limangpu't dalawang taon na puno ng kalungkutan. Akala ko hindi na ako makakabalik. Akala ko hindi na kita makikitang muli. Pasyensya na kung magmumura ako pero tang-ina! Kung panaginip lamang ito, sana hindi na ako magising. Kung totoong patay na ako, magpapasalamat ako sa Diyos na dito niya ako nilagay!" hikbi niyang dagdag.

"Ho-Horatia? Ano bang ibig sabihin mo? Anong limangpu't dalawang taon ang sinasabi mo? Hindi ba kagagaling mo lamang kay Maya at pinatulog muna ito?" taka nitong tanong sa kaniya muli habang pinipilit pa ring tanggalin ang nakabaon niyang mukha sa leeg nito.

When he successfully pried her face from his neck, he then palmed her two cheeks and held her face to look directly at him.

"Horatia, ano bang nangyari?" nag-aalala pa rin nitong tanong sa kaniya.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon