Chapter 54

5.5K 346 56
                                    

Maya's muffled cries were the only sounds that they can hear. Patuloy pa rin ito sa paghikbi marahil dahil sa natuklasang kademonyohan ng asawa.

Ano pa kaya kung aminin ko na sa kaniya ang lahat-lahat ng pangbababoy ni Diego kay Analyn?

She took a deep breath, still gazing at the bright blue sky above them. It acts like a symbol of new hope for her.

Si Isagani naman ay hindi pa rin gumagalaw mula sa pagkakayakap nito sa kaniya. Aakalain na niya talagang nakatulog na ito kung hindi niya lang naririnig ang paminsang-minsang pagsinghot nito at ang mahigpit nitong yakap sa kaniyang katawan na parang batang aagawan ng paborito nitong teddy bear.

"Isagani?" mahina niyang bulong sa binata habang pinipilit itong kumawala sa kaniya upang matingnan niya ang mukha nito.

Sa una'y ayaw pa nitong bumitaw na parang natatakot na baka bigla siyang mawala ngunit nang i-reassure niya ito na hindi siya bigla-biglang maglalaho ay binaklas na nito ang dalawang braso na nakapulupot sa kaniya.

His face was stained with tears.

Nanginginig pa ang mga mata nito na makikitaan ng takot. Hindi para sa kaligtasan nito ngunit para sa buhay niya.

"Na-Namatay ka Horatia . . . ," nginig nitong ani habang parang papaiyak nanaman. "Tu-Tumigil ang tibok ng puso mo."

I still died?

Questions started flooding inside her head but it was interrupted by Isagani's words.

"Hi-Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Bigla na lamang nagdilim ang paningin ko nang sabihin ni Maya na hindi ka na daw humihinga," kwento nito sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang pisngi. "Ang tanging nasa isip ko lamang ay patayin ang Poncio Pilatong iyon!" he added in anger. His fists are starting to shake again and he looked like he wanted to punch someone.

Huminahon lamang ito ng ipatong niya ang kaniyang kamay sa kamao nito at pinilit na magdaop-palad ang kanilang mga kamay. She drew small circles at the side of his hand to sooth his seething anger inside.

"Mamaya na natin pag-usapan ang lahat Isagani. Umuwi muna tayo upang magamot na natin ang mga sugat mo," alalang ani niya habang tinitingnan ang kamao nito na puno ng dugo dahil sa malalakas na pagsuntok kay Diego.

It reassured her that most of those bloods are not from him but from Diego.

Inalalayan siya ni Isaganing makatayo at sabay silang lumapit kay Maya na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. She kneeled in front of her and gently nudged her chin to look towards her.

"Maya, hindi katapusan ng mundo kung iiwan ka ni Diego. Mas maging masaya ka sapagkat  makakawala ka na sa isang lalake na hinding-hindi ka pinapahalagahan," mahinang ani niya dito.

Nagulat siya ng malakas na tapikin ni Maya ang kaniyang kamay at galit na tiningnan siya.

"Sabi ni Diego inaakit mo daw siya! Nagsumbong na siya sa akin noon ngunit hindi ko siya pinaniwalaan! Katangahan ang pag-iwan ko sa inyong dalawa dito! Malandi ka!" galit nitong sigaw na nagpagulat sa kaniya.

Sinisiraan na ba ako ni Diego sa aking kapatid mula pa noon?

She looked up at Isagani that was still standing near them and asked him if he can give both of them privacy. He just nodded and walked at the foot of the hill away from earshot.

She raised her hand to smoothen Maya's disarray hair but she slapped her hand away again. Napabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito at pinili na lamang ibaba ang kaniyang kamay.

"Natatandaan mo ba noong ikalabing-anim na kaarawan ko at hiningi ko ang tulong mo upang makatakas sa bahay kahit ilang oras lamang?" panimula niyang tanong dito na nakapagpalinga kay Maya sa kaniya. She didn't said anything so she proceeded.

"Sabi ni Diego may ipapakita daw siya sa aking espesyal na lugar. Isang sikretong lugar na maaari ko daw puntahan kung nanaisin ko. Isang lugar na para lamang daw sa aming dalawa katulad ng mga nababasa natin sa mga librong dala-dala ni Ama galing Españya," she stopped and assessed Maya's reaction. She was still quiet but at least she's listening.

"Nang nagkita kami sa labas ng mansyon ay talagang sabik na sabik ako. Sabi ko sa sarili ko "Ito siguro ang naramdaman ni Julieta noong pasikretong nagkikita sila ni Romeo". Masyadong nakabaon ang aking isipan sa pantasya na hindi ko naisip na ang mundong kinagagalawan natin ay madilim at puno ng mga hindi kanais-nais na bagay. Lagi kong iniisip na ako ang bida sa mga librong binabasa natin noong bata pa tayo kaya naman lumaki akong tangay-tangay ang pag-iisip na ganoon lahat ng bagay," she said while unshed tears are threatening to fall from her eyes.

"Dinala ako ni Diego sa bahay nito. Nalilito naman akong nagtanong sa kaniya kung bakit kami nandoon. Akala ko kasi dadalhin niya ako sa isang lawa o talon. Yung parang aakalain mong may mga diwatang namumuhay sa paligid. Sabi niya huwag daw akong mag-alala. Mas naguluhan naman ako nang madatnan namin ang iba pang mga kaibigan ni Diego sa bahay nito. Nag-iinuman. Nagmakaawa akong umuwi. Yung pantasyang inaasahan ko ay naging isang bangungot," she can't held back her tears anymore. They fell down one after another. Si Maya naman ay nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa papalakas na hikbi na nanggagaling mula sa kaniyang bibig.

"Maya . . . hinalay nila ako," she finally admitted.

"Lima sila," hikbi niyang dagdag. "Iyak ako ng iyak. Sigaw ng sigaw. Nagmamakaawa. Ngunit para silang mga demonyong nagtatawanan." Maya covered her mouth with her right hand and stifled a cry.

"Takot na takot ako. Ilang ulit nilang ginawa sa akin iyon. Palagi akong tinatakot ni Diego na ipagkakalat daw niya ang nangyari sa akin. Hindi ko nais mangyari iyon. Baka itakwil ako ni Ama at Ina.  Hindi ko makakaya iyon. Natatakot akong pandirihan. Kasi ang dumi-dumi kong babae. Ilang ulit nila akong ginamit. Siyam na taon Maya. Siyam na taon akong nagtitiis." Maya jumped in her arms and cried so hard.

"Analyn! Patawad! Patawad kung wala akong nagawa! Patawad kung hindi ko man lamang napansin na kinakailangan mo ako bilang kapatid. Patawad kung laging ang sarili ko ang inuuna ko. Patawad kung hinusgahan kita kaagad," iyak nitong sabi habang yakap-yakap siya ng mahigpit.

"Maya . . . may pabor sana akong hihilingin," ani niya dito habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mukha nito.

"Ano iyon Analyn?" she asked while sniffing slightly.

"Huwag mo munang sabihin kay Isagani ang sinabi ko. Wala pa siyang kaalam-alam at ayaw kong talagang mapatay niya si Diego kung sakaling malaman niya," paliwanag niya dito ng may halong pagmamakaawa.

Hinay-hinay na tumango si Maya at niyakap siya ulit.

It felt good to be able to tell Maya what happened to Analyn. Ilang gabi na rin niyang napapaniginipan ang mga nangyari dito. Lahat-lahat ng mga bangungot na nangyari kay Analyn pati na rin ang mga alaala nito simula pagkabata ay ngayong nakaimbak sa utak na niya.

Now, I just need to talk to Isagani alone and confess to him. I won't be stubborn again and think that I can handle it by myself. I need Isagani. He's my other half and now I understand that asking for help is not a sign of weakness. It's a reminder that we still need someone to be there for us when we need it the most.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now