Special Chapter 1

7K 427 70
                                    

"Mamá! Mamá! Inaaway ako nina Ernesto, Joselito at Andres!" rinig ni Horatia na sumbong ng kaniyang bunsong anak habang nakanguso ang labi nito.

Kasalukuyan niyang inaayos ang pananghalian na dadalhin nila sa taniman para sabay-sabay silang makakaing pamilya. Napangiti na lamang siya dahil ang cute tingnan ng anak niyang babae kahit na nakasimangot ito.

"Ano ba namang ginawa ng mga kuya mo?" tatawa-tawang tanong niya dito ngunit pinilit niyang pigilan dahil mas lumalaki ang nguso nito dahil sa pagtawa niya. Luluhod sana siya para magkapantay sila ng anak ngunit malaki na ang tiyan niya at baka mahirapan siyang tumayo kung gagawin niya iyon.

"Sabi nila pangit daw ako!" tila maiiyak na sumbong nito sa kaniya. "Mamá 'diba hindi ako pangit?! Kamukha kaya kita!" inis nitong dagdag habang pinapadyak pa ang paa.

"Hindi ka pangit anak. Huwag mo na lamang pansinin ang mga kuya mo. Pikon ka kasi kaya napagdidiskitahan ka ng mga iyon," sagot niya sa anak para tumigil na ito sa pagpadyak sa paa nito.

Nakuha ang atensyon nila nang maingay na pumasok sa kusina ang tatlong anak niyang lalake. Binebelatan ng mga ito si Mahalia ngunit tumigil rin dahil pinandilatan niya ang tatlo.

"Ernesto! Joselito! Andres! Huwag niyong awayin si Mahalia. Dapat kayo nagproprotekta sa kaniya dahil siya lamang ang babae sa inyong apat," pagdididisiplina niya sa tatlo na biglang tumahimik dahil sa sinabi niya.

"Kapag nanganak na si Mamá at babae ang lumabas, hindi namin kayo papansinin ni bunso!" ika ni Mahalia habang binebelatan pabalik ang mga kapatid na lalake.

Napalatak na lamang ang tatlo dahil hindi sila makalapit kay Mahalia. Nagtatago kasi sa likod niya ang anak na babae.

"Tama na iyang inisan niyo at dalhin niyo na itong mga sisidlan. Tiyak gutom na ang Papá niyo." ika na lamang niya habang binibigay sa tatlong anak na lalake ang mga basket ng pagkain para sa tanghalian nila. Hinawakan niya ang kamay ni Mahalia at inudyok na ang mga anak na lumabas para makapaglakad na sila papunta sa palayan.

Ilang taon na rin ang lumipas matapos ang katakot-takot na araw na iyon. Kahit pa man hindi natuloy ang tangkang pagpatay sa kaniya ni Diego ay hindi pa rin siya napanatag ng mga sumunod na araw. Takot na takot siya na baka may mangyari ulit at mamatay na naman siya. Kinuwento rin niya ang lahat kay Isagani. Kailangan pa nga niyang ulitin ang pag-amin niya tungkol sa mga sikreto ni Analyn dahil ang nabalikan niyang oras ay ang mga oras na papalabas pa lamang siya sa teresa para kausapin si Isagani.

Hindi makapaniwala ang asawa sa lahat ng nalaman. Nagalit pa nga ito nang malaman nito na kinulong siya at tinawag na baliw ng mga tao sa panahon niya. Nakokonsyensya siya dahil ito pa ang humingi ng patawad dahil hindi siya nito napuntahan sa hinaharap.

Kinuwento rin niya dito ang mga taong tumulong at nagmahal sa kaniya. Sa totoo nga ay kakabisita lamang nila kay Maya noong isang linggo. Katulad niya ay buntis rin ito at kakapanganak pa lamang nito sa anak nitong babae. Alam niyang ito ang magiging ina ni Lola Mutya. Ang saya pa nga niya dahil Analyn ang pinangalan ni Maya dito.

Masaya siya dahil nakita na ni Maya ang lalakeng magmamahal dito ng totoo. Isa itong Pilipino at nagtratrabaho bilang guro ng mga mahihirap. Nakapag-aral ito sa Europa at dinala ang kaalaman na natutunan dito sa Pilipinas para makatulong sa mga mahihirap. Hindi ito mayaman tulad ng nais ng mga magulang nila ni Maya ngunit naging matapang si Maya at pinaglaban ang pagmamahalan nila ng lalake.

Aaminin niya na hindi nila kinausap ni Maya ang mga magulang matapos ang nangyari. Pinilit kasi ng mga magulang nila na kalimutan daw niya ang ginawa ni Diego at balikan daw ito ni Maya. Hindi nila maatim ang bagay na gustong gawin ng mga magulang nila kaya hindi nila ito kinausap. Ang mga ito na mismo ang humingi ng patawad noong malapit na siyang manganak sapagkat nais nilang makita ang kauna-unahang apo ng mga ito.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon