|| NINETEEN ||

17.4K 497 11
                                    

"Kapag natalo mo ako, itatago ko ang sikreto mo."

"Maglalaban tayo?" tanong ko.

"Nakikinig ka ba nung nagsasalita ako kanina? O bingi ka lang talaga?" Whoah, ang harsh. Fine, sige maglaban tayo, ano naman kung Captain ka ng Baseball team? Ako din naman ahh-----dati nga lang----ano naman kung nakaHOME RUN ka kanina kahit isang beses ka lang tumira? "Ikaw ang unang magpi-pitch." Sabi niya.

Pitch-the throw made by a pitcher to the hitter.

Heh! Tingnan natin kung tamaan mo yung saken.

Pumunta ako sa mound para maghanda nang magpitch at tulad nung kanina, nag-exercise muna ako para hindi sumakit yung kamay ko. Tumingin muna ako kay Christopher, seryoso nga siya. Kailangan hindi niya matamaan 'tong pitch ko.

Mound-the slight elevation on which the pitcher stands.  

"This will be a one-on-one battle, no running away." ngumisi siya. "Show me just how fast your fastball is."

"Go Leader!" agad na pumunta sa bench yung mga orangutan, madami ding ibang pumunta para makita ang laban namin. Syempre naman, papalampasin ba nila 'to? Isang lalaki laban sa isang babae?

Narinig ko ang mga sigawan nila, huminto nalang ito nang umayos na ko sa pitching stance ko.

"Wag kang masyadong magseryoso." sigaw nang isang lalaking nanonood mula sa likod ko.

"Babae lang yan, wag mong takutin!" dagdag pa nung isa. Alam kong hindi sila mga kaklase ko dahil kabisado ko ang boses nila dahil lagi silang nag-iingay.

Kaya naman kung sino kang lalaki ka, humanda ka kasi ipapakain ko sayo yang mga sinasabi mo.

Minamaliit ako eh.

Ni-relax ko ang hawak ko sa bola. Matagal tagal na din simula nang makahawak ako ng hardball. Iba ang pakiramdam.

Itinaas ko ang kanang paa pakaliwa hanggang sa halos nakaharap na ang katawan ko sa bandang kaliwa at saka ko ito itinapak sa harap, sunod ang kamay ko na may hawak ng bola ay napunta sa likod para mas makabwelo. Pagkatapos ay dahan dahan itong napunta sa harap kasama ang lakas na inilagay ko sa bola, saka ko ito pinakawalan papunta sa catcher's mitt.

A Catcher's Mitt (or Catcher's Glove) - is a glove that is worn exclusively by the catcher.

Napangiti ako habang nakayuko.

"Strike!" hindi niya natamaan yung una. Nagsigawan yung ibang taong nanonood.

Strike-a pitch which the umpire rulres is within the strike zone, or swung at and missed by the batter.

"Nakita niyo ba yung bola? Ang bilis! Ang galing nung babae!" sigaw nung isa, narinig ko. Napatingin naman ako kay Christopher—alam ko yung ganung tingin.

"Hindi ko nga nakita eh!"

"Oo, nung ibabato na nung babae yung bola, sa kanya pa ako nakatingin, tapos ilang segundo lang, nandun na sa catcher yung bola!"

"Ang galing!"

Pero kahit na alam kong nagulat sila, alam kong hindi pa din ako nananalo. Hindi siya gumalaw nung ibato ko yung bola, at halatang hindi yun dahil sa takot o gulat. Pinagmasdan niya yung bola, sinusubukan niya lang ako. Seryoso pa din siya.

2nd pitch.

Ginawa ko ulit yung ginawa ko kanina, hinanda ko ang sarili ko saka ko ito binato. Pero sa pagkakataong ito, mas nilakasan ko pa ang pitch ko.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now