|| PROLOGUE ||

61.9K 1.1K 43
                                    


"Isa kang anak ng demonyo!"

Tinatangay ng pabalik-balik ang buhok ko ng malakas na hangin na umiihip buong paligid.

Hawak hawak ko ang kahoy na espada na hinablot ko kanina galing sa dojo namin sa kaliwang kamay ko, at ang nasa kana naman ay ang taong nagtangka at nanakit sa buhay nang mga kaibigan ko.

Bilog ang buwan ngayon, "Hay nako." sabi na nga ba may masamang mangyayari pag lumabas ako ng bahay ngayon.

Ano na nga ba ang dapat kong gawin ngayon?

Kung ako pa ang dating Riza na alam ko, hindi ko na hahayaang makaalis dito ng walang galos 'tong taong 'to.

Pero iba na ako, nagbago na ako. Kinalimutan ko na lahat ng kung ano man ako dati. Wala na siya. Hindi na siya babalik.

"Umalis ka na!" binitawan ko ang kwelyo niya at tinulak siya palayo. "At wag na wag ka nang magpapakita sa akin, lalong-lalo na sa kanila kungdi-----" tinutok ko sa mukha niya ang dulo ng espada ko "Itong kahoy na lang na 'to ang huli mong makikita sa buong buhay mo."

Tinalikuran ko na siya at hinawakan ang kaliwang braso ko. Nabaril nga pala ako kanina, buti hindi direkta. Bakit ba ngayon ko lang nararamdaman yung sakit?

Nawawalan na ako ng lakas, Chris, nasan ka na ba? Kailangan kita ngayon

Tiningnan ko ang braso ko, sobrang daming dugo. Hindi ko na kayang maglakad, napapapikit na ako.

"Haha, mamamatay na siguro ko" dumidilim na ang paningin ko.

At di ko na namalayan na susubsob na pala ako sa lupa, pero kung hindi lang siguro ako nanghihina, nagulat pa ako dahil parang naramdaman ko na malambot yung nadaganan ko.

"You stupid idiot! Why do you always make me worry?"

Christopher Salazar

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now