|| FOURTY ONE ||

12.4K 368 56
                                    

Shit! Shit! Shit! Muntik na akong mamatay dun ah!

Grabe, hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko.

Tsaka, sino ba 'tong lalaking 'to? Baka mamaya kung saan lang kami dadalin nito eh.

"Ah, Sir--" napahinto ako nang marealize ko na hindi ko pala alam yung pangalan niya

"Gerald." Sagot nung lalaking nakasuot ng black tux na nagdra-drive ng sasakyan. " You can call me Gerald, Miss Alvarez." Ulit niya.

"Ah, Sir Gerald." Tiningnan ko si Ivan na nasa gilid ko at nakahiga sa balikat ko, saka ko ibinalik ang tingin ko kay Sir Gerald. "Pwede po bang sa ospital niyo na kami ibaba? Malala na 'tong kasama ko eh."

Tumingin siya dun sa rear view mirror saka humarap ulit dun sa minamaneho niya. "Don't worry, the Novak Family has a Private Doctor." saka siya ulit tumingin sa salamin. "They will tend to Mr. Olsen's wounds."

Novak?

"Ah ganun po ba." Yumuko ako saglit.

Mihael Novak.

Sino?

Parang pamilyar sakin eh, hindi ko lang talaga makuha kung sino. "Teka sir Gerald." Tumingin siya ulit sa salamin para makita niya ako. "Sino po ba yung Mihael Novak?" nagtatakang tanong ko.

Napangiti siya.

"I cannot reveal his identity, but I'm sure you would love to see him."

"Ahh ganun po ba. Sige po, wag niyo na lang pong intindihin yung sinabi ko."

Mihael Novak.

Seryoso ako dito! Wala akong kilalang Mihael Novak.

Mukhang may ibang lahi pa yung taong yun kung sino man siya.

Sang lupaplop ka naman makakahanap ng Novak?

San ka makakakitang Novak ang surname dito sa Pilipinas?

"We're here." Agad na huminto yung kotse sa tapat ng isang malaking gate, binuksan ni Sir Gerald yung bintana at may kinausap na parang guard yata na pumasok sa loob ng guard house bago biglang bumukas ang gate.

Nagulat ako sa nakita ko, kaya naman lumapit pa ko sa bintana at tiningnan ng mabuti ang paligid.

May isang malaking flower garden sa harap sa bandang kanan at kaliwa. Sa gitna naman ay may nakatayong isang fountain. Sunod doon ay isang malaking mansyon na mukhang matagal bang nakatayo. Yung para bang mga mansyon sa London. Grabe, napakaganda.

Sobrang detalyado ng bawat dingding at poste. Pati yung mga bintana parang gawa sa ginto. Shemay, paano nagkaroon ng ganitong mansyon sa Pilipinas.

"Nasaan po ba tayo?" Tanong ko.

"This is a private land owned by the Novak family Miss Alvarez, we are at the Novak Residence."

Wala na lang akong masabi.

"Please follow me." Sabi ni Sir Gerald nang makababa na kami sa kotse. May dalawang lalaking nag-alalay kay Ivan at saka siya dinala sa kabilang direksyon. "Do not worry. He will be fine."

Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong choice kungdi sumunod sa kanya.

Biglang bumukas ang malaking pinto ng mansyon saka pumasok si Sir Gerald. Pagpasok ko naman, nag-bow pa sakin ang mga nakahilerang tao na kung hindi nakasuot ng pang-maid ay nakasuot naman na parang butler.

Shit. Nag-english ako! Butler daw! Hahaha.

Nababaliw na yata ako, pati sarili ko pinagtatawanan ko na.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now