|| THIRTY ONE ||

13.8K 469 23
                                    

"One step out of this school and you're expelled!" tiningnan ko siya ng masama, nakatitig lang din siya sakin.

Tsk! Bakit mo ba kami pinipigilan?

"Kailangan naming puntahan si Chris! Umalis ka diyan sa dadaanan namin!" sigaw ng isa kong kaklase.

"Hindi mo kami mapipigilan! Kahit Principal ka pa ng school na 'to!" sigaw pa ng isa.

Sunod-sunod silang nagsitakbuhan pasugod, akmang susuntukin na nila ang principal, pero pinigilan ko sila. "Tumigil kayo!" sigaw ko, napatigil sila at napatingin sakin, saka ako dahan dahang naglakad papunta kay Principal.

Naiinis na talaga ko sa lalaking 'to eh.

Huminto ako sa harap niya, mas matangkad siya sakin kaya tumingala ako  para tingnan ang mga mata niya. Pansin kong nakatitig lang samin ang mga kaklase ko.

"Palabasin niyo po kami." Seryosong sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya at sinabing "I'm afraid I can't do that. My orders came directly from the owner."

"Palabasin mo kami." Pag-ulit ko, hindi niya lang ako pinansin sa pagkakataong yun.

Lumakad ako ulit, nilagpasan ko siya. "One step, Miss Alvarez." Kahit na hindi ko nakikita, alam kong humarap siya sakin nung sinabi niya yun. "One Step and you're all out."

Napahinto ako, yumuko lang ako. Huminga ako ng malalim, kinalma ang sarili ko at inisip ko ang mga kailanagan kong gawin.

"Alam kong sinabi kong kailangan ka pa namin dito para sa Class S-D, pero if you're planning on doing something irrelevant, I'm afraid I'll have to take action."

Kapag lumabas sila ng school na 'to ie-expel sila ng principal. Hindi sila pwedeng mapatalsik sa school na 'to.  Kailangang may gawin ako. Hindi ko hahayaang mawala ang mga ngiti sa mukha ng mga panget na gunggong na nakapaligid sakin ngayon.

Sila ang------sila ang-------"Sila ang mahahalaga kong kaibigan." Bulong ko.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Principal.

"Pres?"

"May problema ba Pres?"

"Riza, magsalita ka." Hinawakan ni Nathan ang kanang balikat mo mula sa likod. Si Daichi naman ay pumunta sa harap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko saka niya ako niyugyog.

Pero hindi ko ito pinansin. Nakatulala lang ako. Nakatingin ako sa pader na nagsisilbing harang ng school. Mataas ang pader, kahit ako ay hindi ko magagawang akyatin yun. Sunod na napako ang tingin ko sa gate. Mataas din ang gate. Pag sinara ko ang gate, hindi sila makakalabas. Hindi ko sila hahayaang mapatalsik sa school na 'to.

"Pres!" nabingi ako sa sigaw ni Daichi. Paulit-ulit siyang sumisigaw, napatigil siya ng tingnan ko siya sa mata. Parang walang buhay yung mga mata ko ng titigan ko siya, dahilan naman para mapaatras siya."P-Pres?" Desidido na ako.

Tumalikod ako paharap sa kanila, nakayuko pa din. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tiningnan sila.

Sorry.

Pagkatapos nun ay isa-isa ko silang sinuntok, hindi gaanong malakas, pero sapat na para mawalan sila ng malay. Nagulat sila sa mga naging kilos ko, pero wala akong magagawa, kailangan ko 'tong gawin.

"Pres!"

"Ano 'to Pres?"

"Bakit mo ginagawa to?"

"Tama na Pres!"

Rinig na rinig ko ang takot sa mga boses nila. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon ang magiging reaksyon nila.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now