|| FIFTEEN ||

18.1K 545 24
                                    

Nasa hallway pa lang ako ng 2nd floor rinig na rinig ko na yung sigawan ng mga panget kong kaklase. Pero dahil masaya naman ako ngayon papalampasin ko na sila.

Excited na kasi ako.

Nag-announce na kasi ng date para sa school festival namin kaya naman sobrang Masaya ako at hindi na makapaghintay.

Matagal-tagal na din ang tinagal ko sa school na 'to. Hindi ko nga akalaing tatagal ako ng ganito sa classroom namin eh, lalo naman yung mga teacher namin, tuwing pinapatawag ako ni Teach sa faculty, pinagtitinginan ako ng ibang teachers, tapos magkukumpulan sila sa harap ko at tatanungin kung ayos lang daw ba ako o may sugat daw ba ko.

Grabe, ganun ba talaga kasama ang tingin nila sa S-D?

Ah! Yung kambal nga pala. Ayos na sila ng Mama nila, lagi pa nga silang nagdadalang pagkain sa room eh, binibigyan nila yung iba pang gunggong.

Masaya na akong nagkaayos na sila kaya lang-------napapabuntong hininga na lang ako.

Hindi pa din nagbabago yung ugali ng mga panget kong kaklase, ayun, minsan magugulat na lang ako meron kaming ibang kaklase sa likod eh yun pala pinagbubugbog lang nila at hindi lang makaalis.

Hay nako!

Tapos lagi na lang akong pinapatawag sa faculty para sa iba't-ibang dahilan: laging kaming may bagong kaklase na bugbog sarado; sobrang ingay nila; madalas pa silang nagcucut ng classes.

Minsan napapaisip na lang ako, kaya ko pa ba?

Pero syempre sasagutin naman ng puso ko, Syempre, ikaw si Riza Alvarez di ba?

Kaya ayun, nabobola ako ng puso ko kaya iniisip ko tuloy, Oo naman, magaling ako eh!

Hay nako.

"Okay, mga panget na gunggong na nakawala sa zoo!" sigaw ko pag pasok ko sa classroom namin. "Magsitahimik na kayo, may ia-announce ako!" napakaingay naman.

"Mas panget ka Pres!" sagot ng isang orangutan. At Oo, ganyan pa rin ang trato nila sakin.

Mga bwisit kayo! Kung hindi lang lagi pinapaalala sakin ng utak ko na bawal na akong magwala, muntik ko na sigurong pinahalikan sa kanila yung pader---ay wag pala yung pader, kapipintura lang namin dun ehh---yung sahig na lang pala.

"He! Manahimik kayo! Ibabalik ko kayo sa zoo eh!"

"Pres!"

"ANO BA!!" nag-iba na yung tono ko diyan, parang kingkong na. Naiinis na ko!

"Knock-Knock" si Lester nga pala yung nagsasalita, isa sa mga joker din na kaclose nila Chester at Jasper.

"Who's there?"

"Riza."

"Riza who?" sagot ko naman. Ay! Bakit ba nakikijoin ako sa mga lokohan nila? Dapat galit ako ngayon ah!

"Wala kang laban samin, kasi madami kami at ikaw, mag-RIZA ka lang." ayun, tawanan naman silang lahat. Ako naman, sinenyasan kong lumapit saken si Lester "Aray!" at tsaka ko siya binatukan. Wala naman kasing kwenta yung joke.

"Ako din Pres! May joke ako!" sigaw ni Bobby na parang bata, napabuntong hininga na lang ako.

"At ano naman yun?." Para matigil na.

"Sino ang pambansang bayani natin na babae?."

"Teka, meron bang ganun?" nagtatakang tanong ni B.I.—Benedict Ishan.

"Meron." Tumawa siya saka niya ako tinuro. "Ayun, si Jose Riza!"

Sa oras na yun, walang ibang nagsalita, tahimik lang ang lahat.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now