||FOURTY NINE||

11.3K 425 58
                                    

Kahit na alam kong imposible, iniisip ko pa din na sana dadating sila. Pero kung mangyari man yun, baka hindi ko kayanin, kaya napaisip din ako na sana wag na lang silang pumunta.

At ngayong nangyari na nga ang kinatatakutan ko, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Hindi ko sila kayang iwan. Pero mas malalagay sila sa kapahamakan kung hindi ako kusang lalayo.

"Riza, ano bang ginagawa mo?" sigaw ni Nathan, pero hindi pa din ako humaharap sa kanila. Nakatalikod lang ako at nakayuko habang sumisigaw sila sa likod ko. Naririnig ko naman na pinipigilan na sila ng mga guards pero hindi pa din sila nagpapaawat.

"Pres, bakit?" si Chester.

"Sabi mo hindi mo kami iiwan! Hindi ba sabi mo na ikaw ang magiging ate namin?" si Jasper.

Bakit ganun, kahit na halos magkaboses na magkaboses yung dalawa, alam ko pa rin kung sino si Jasper at sino si Chester? Ganun na ba talaga ako kaclose sa kanila? 

Gaano katagal na ba kaming magkakasama?

"Pres!" 

Sorry Jasper, Chester. At sorry din Elle, ang sabi ko proprotektahan ko ang mga kapatid mo, pero sa huli, ako pa pala ang nakasakit sa kanila.

"Pres, bakit mo ba 'to ginagawa?"

Daichi, sorry.

"Pres! Bumalik ka na dito, hindi na nakakatuwa 'tong joke mo!"

Josef, sorry.

Shit naiiyak nanaman ako. Chris, wag ka nang magsasalita please, baka pag nagsalia ka pa, lalong hindi ko na kayanin.

"Pres!"

"Ano ba Pres, bumalik ka na nga!"

"Humarap ka samin Pres!"

"Ri----"

"Tama na!" sigaw ko, pinipigilan ko na lang yung mga luha ko na tumulo. "Aalis na ko, please wag niyo na akong pigilan!" sigaw ko habang nakayuko pa din.

Ayoko kayong iwan, pero kailangan.

"Hindi na ako babalik dito kaya kalimutan niyo na ako!" Syoko nang masaktan ko pa kayo lalo.

"Cut this crap and Come back here this instant!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya. Alam ko naman na nandyan siya, hiniling ko lang na sana wag niya na din akong pigilan.

"C-Chris." mahinang sabi ko, nakatalikod pa rin.

Narinig ko ang malakas na yapak mula sa likod ko. Papalapit siya. 

Wag kang lalapit, please, wag mo kong lalapitan Christopher.

"Nababaliw ka nanaman ba? Bumalik ka na nga dito! Ano ba yang ginagawa mo?" bigla akong nakuryente nang hawakan niya ang kamay ko kaya naman automatic kong inilayo ang kamay ko at napaharap sa kanila. 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Chris, namumula na non ang mga mata ko, makikita mo naman sa mata niya ang pagmamakaawa. "Chris." yumuko ulit ako.

Lumapit naman siya sa akin at ipinatong ang magkabilang kamay sa balikat ko. "Look at me." pag-uutos niya, pero hindi ko ito sinunod. "I said look at me." tumaas ng konti ang boses niya."

"Bitawan mo ko Chris."

Tama, ganito ang dapat kong gawin.

Hindi ko pwedeng piliin kung ano man ang gusto ko. Para sa kanila 'to kaya kailangan ko 'tong gawin.

"Ha?"

Tiningnan ko siya sa mata ng masama. "Bitawan mo ko."

Sorry.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now