|| FOURTY ||

13.1K 386 22
                                    

Tomorrow 6:00 pm. Come to the same warehouse where you found Ivan and Christopher when you first came to this place.

Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakaipit sa libro ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko sa nabasa ko.

Sino ba 'tong taong 'to? Anong kailangan niya saken?

Nanghina ang mga tuhod ko at sumakit ang dibdib ko. Kamuntik na din ang matumba kung hindi lang napigilan ng mga kamay ang pagkahulog ko at nakapatong ito sa lamesa sa tabi ko.

Paano nangyari 'to?

Ivan.

Ivan.

"Anak?" naalis ang ulo ko sa isang malalim na bangin at nabalik ito sa realidad ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. "May bisita ka." Nagulat ako sa sinabi niya.

Bisita. Sino naman kaya ang bibisita sakin ngayon?

"Sige po Papa." Ibinaba ko ang librong hawak-hawak ko kasama ang sulat at ang litrato at saka lumabas papunta sa sala.

Hindi pa din nawawala ang pag-aalala sa mukha ko at kita kong nahahalata na din ito ni Papa. "May problema ba?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng kwarto ko, na inilingan ko lang bilang sagot.

"Riz!" nagulat ako nang may hindi pamilyar na boses ang sumigaw ng pangalan ko, pero mas lalo akong nagulat nang may biglang pumalupot na kamay sa akin.

"B-bakit nandito ka?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. "A-anong nangyari sayo? Hannah!" napaluhod ako para magkalebel kami dahil nakaupo siya.

Punong puno ng galos ang mukha at kamay niya. "Riza." Mahinang sabi niya, wala na siguro siyang lakas para magsalita pa, umu-ubo ubo pa siya.

Kitang-kita ang mga pasa sa buong katawan niya at halatang nanghihina na siya. Kahit na matagal na kaming hindi nagkita, naalala ko pa din ang pinagkaiba niya ngayon sa tunay na itsura niya.

Sinong gumawa nito sayo?

"Ri--za."

"Shh. Wag ka na muna magsalita." Tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan papunta sa kwarto ko. "Jason!Henry!" sigaw ko sa labas ng kwarto. "Dalan niyo ako ng first aid kit, tubig at towel!" agad  silang kumilos at ipinatong ang mga gamit sa lamesa sa tabi ko, saka ko sinimulan ang paglinis ng mga sugat ng kaibigan ko.

"Riza. Si----Aray!" nagulat ako nang bigla niyang binawi ang kamay niya na nilalagyan ko ng alcohol, agad naman ako nagsorry sabay tawa, pero hindi pa din nawala ang pag-aalala ko. 

"Magpahinga ka na muna."

"Pero si---Aray!" 

"Sorry ulit."

"Nananadya ka na eh."

Tinawanan ko ulit siya. 

"Riza." inurong niya ang kamay niya at pinigilan ang kamay ko. "Si Ivan." napatigil ako.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang buong katawan ko. Nakutuban ko na to, ayoko lang paniwalaan. 

Ha!

Ganun ba talaga katindi ang galit sakin ng kung sino mang gumawa nito? Nakakatawa diba, ni hindi ko nga siya kilala eh.

Sa sobrang daming gulo na nangyayari, hindi ko na man lang inisip kung pano nalaman na nandito ako sa lugar na 'to. Haha. Hindi ko nga man lang inisip kung paano niya nahanap yung tinitirahan ko eh.

Hindi nga naman kasi mahalaga yun eh.

Kinuha ko yung papael na hawak hawak ko kanina kasama yung litrato.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now