|| THIRTY SEVEN ||

13.2K 467 28
                                    

"Chris." hinawakan ko yung damit para pigilan siya. Hindi siya tumitingin sakin, hindi din siya gumagalaw at nagsalita. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at yumuko. "Dito ka muna." Saka ko inangat ang ulo ko at tiningnan ang likod niya.

Naalala ko nung una akong madala sa ospital, hindi niya sinasabi pero alam ko. Tuwing hating gabi pumupunta siya at pinapalitan ang mga bulaklak sa flower vase.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin, napangiti ako nang makita ko ang mukha niya.

Sobrang liwanag ng buwan, tumatama ang liwanag na ito sa magagandang mata niya. Kitang kita ko din ang pag-aalala na nakapinta sa mukha niya, pero kahit na ganun, halatang halata pa din ang saya sa mga ngiti niya.

"Gising ka na pala." Napansin ko ang mga gilid ng mata niya, halos mangiyak-ngiyak na ito.

"Mm." Pag-sang ayon ko, saka ako yumuko ulit.

Nagulat na lang ako ng maya maya ay niyakap niya ako. "Ok ka na?"

"Mm."

"I was worried." Narinig ko ang paghikbi niya, humigpit bigla ang pagkakayakap niya sakin, dahilan naman para mapangiti ako. "Really worried." Naramdaman ko din na tinanggal niya ang isang kamay niya para punasan ang mga luha niya.

Ngayon ko lang nakitang umiyak si Christopher. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. 

"I thought you were going to die. Nung nakita ko kung gaano kadaming dugo ang nawala sayo that time, I thought I'd lose you and you were going to leave me."

Para siyang bata ngayon.

"Mm." Tinanggal niya ang pagkakayakap sakin at umupo sa gilid ng kama ko, saka ako hinalikan sa noo, pagkatapos ay pinagdikit niya ang noo naming dalawa, sunod ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka siya nagsalita ulit.

"You're a stupid idiot." Mangiyak-ngiyak na yung boses niya nang sabihin niya yun. "Alam mo ba yun?" saka niya nilayo ulit yung mukha niya at tiningnan ako sa mata, hawak-hawak pa din niya ang pisngi ko.

"Mm." Kanina ko pa pinipigilan ang nararamdaman ko; ang mga luha ko na lumabas, pero nung oras na yun, hindi ko na ito napigilan, bigla na lang silang lumabas mula sa dalawang mata ko ng hindi man lang nagpapaalam sakin. "Ikaw kaya." Yumuko ako at pumikit. "Ikaw kaya ang may kasalanan!" sigaw ko sa kanya, bigla namang sumakit yung sugat ko dahil dun.

At dahil sa pagsigaw ko, nakakuha ako ng libreng pitik sa noo galing sa kanya. "Ayan kase, ang kulet kulet." Pang-aasar niya saka siya ngumiti at niyakap ulit ako, hindi naman ako nakapalag dahil---teka, bakit nga ba? Dahil ba gusto ko yung ginagawa niya o dahil masakit lang yung katawan ko para kumawala?

Yun na nga.

Namuo ang isang ngiti sa labi ko.

Ganun nga siguro, ibinalik ko ang yakap sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit saka siya nagsalita. "I missed you."

"Mmm, ako din." Nakangiti ako, pero bumigat ulit ang pakiramdam ko ng maalala ko yung ginawa niya. "Sabihin mo, bakit mo ba ginawa yun?" tanong ko sa kanya, kasabay ng pagbitaw ng pagyakap ko sa kanya, napaatras din siya ng konti ng magsalita ako, tumingin ako sa mga mata niya ng seryoso, na iniwasan naman niya.

Hindi niya ako matingnan sa mata ng diretso. Bakit?

Ano ba ang iniisip mo Christopher?

"Ano bang problema?" hindi pa din niya ako hinaharap. "Bakit?"

Kinagat niya ang labi niya, hindi pa din siya tumitingin sa akin pero nagsalita siya. "I--I can't tell you right now." Tumingin siya saglit sakin at umiwas ulit.

Delinquent High [EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя