|| THIRTY THREE ||

14.7K 409 14
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo, hanggang sa makarating na ako sa pinakaunang level. Paghinto ko, pinagmasdan ko ang paligid.

Nakakatakot yung kwarto, punong-puno ng nakasabit na bungo yung pader. Tapos yung upuan pa malapit dun sa fireplace, bungo din yung design. Naku po! Baka mamaya, ganyan yung gawin sakin. Ayokong madisplay yung bungo ko sa lugar na 'to no! Ok sana kung sa National Museum eh!

"Sa wakas. Dumating ka na din. I've been waiting here for too long." Napatigil ako ng may biglang nagsalita mula dun sa hagdan na kailangan kong daanan para makababa ako.  "Kanina pa ako naghihintay eh." nanginig ako bigla nang marinig ko ang yapak niya papalapit sakin, pero huminto siya bago ko pa makita yung mukha niya.

"Alam niyo na pala na papunta ako dito." Sabi ko.  Kaya pala kakaiba yung nararamdaman ko kanina. Sobrang dali kong nakapasok dito at hindi pa nakalock yung pinto. They knew I was coming to get Christopher.

"Oo naman, plinano ni Master Reo ang lahat ng ito. Alam niya na pupunta ka, at alam niya din kung sino ka talaga. Demon Princess." Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi niyang yun. Pero hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman yun.

Reo Salazar, one of the most powerful person in the continent. Isa sa mga nagmamay-ari sa school na pinapasukan ko, ang Denzell High. Isa din siyang CEO ng isang sikat na kompanya sa Asia, competing with the most powerful companies out there.

 Siya ang may pakana nito. "Lumabas ka na diyan. Gusto kong makita ang mukha mo." Halatang napangisi siya nung sinabi ko yun. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin. Unti-unting lumilinaw ang mukha niya habang umaalis siya sa madilim na lugar na pinagtataguan niya. Nagulat ako nang makita ko ang buong katawan niya. Shit! Ang gwapo niya! Pero sigurado ako na mas gwapo pa din si Christopher. At mukha siyang mas bata sakin, magmumukha akong ate niya pag pinagsama kami.

Pero Teka! Ano ba 'tong ginagawa ko? Dapat seryoso ako ngayon!Yung tingin niya sakin, galit na galit. Huminto siya malapit sakin saka siya ngumisi at nagsalita ulit."I'm going to kill you." Pagkatapos nun ay nagbato siya kaagad ng suntok sakin na naiwasan ko naman.

"Montik na 'ko dun ah." Umatras ako ng konti mula sa kanya. "May galit ka ba sakin?" tumingin siya ulit ng masama saka tumakbo papunta sakin at sumuntok gamit ang kaliwang kamay. Umiwas ulit ako at umupo dun sa couch sa gilid ng fireplace. Naramdaman ko ang kagustuhan niyang bugbugin ako. Kitang kita naman sa mga mata niya eh. Tsk. Ano bang nagawa kong masama sa lalaking 'to?

"Kung ako sayo, seseryosohin ko ang laban na ito at aalis sa upuan na yan." Dahan-dahan ulit siyang lumapit papunta sa kinauupuan ko at binuhat yung upuan kasama ako. Wow, galing.

Tumalon ako mula sa upuan papunta sa likod niya, pagkatapos ay initsa niya ito sa pader. Tumingin naman siya sa paligid. "Nasaan ka na Demon Princess?" nagtago ako sa likod niya, umiwas ako sa linya ng paningin niya para hindi niya ako matunton. At nang makita kong sobrang naiinis na talaga siya, kinalabit ko yung likod niya.

Nang humarap siya sakin, sinuntok ko siya gamit ang kanang kamay ko, pero napigilan niya ito. Sunod ay sinuntok ko siya gamit ang kaliwang kamay ko, pero napigilan niya din ito, dahilan naman para mapangisi siya. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit nito at hindi ko matanggal ang kamay ko. Hindi pa rin nawawala yung kayabangan sa mukha niya.

Ngumisi din ako, nagtaka naman siya kung bakit ko ginawa yun, pero pagkalipas ng dalawang segundo, pinakita ko sa kanya ang dahilan ng ngisi sa mukha ko.

Dahil hawak niya ang dalawang kamay ko, ginamit ko yun para makatalon at itapak ang dalawang paa ko dibdib niya. Dinagdagan ko ng lakas ang sipa ko para makawala sa pagkakahawak niya at mapaurumpit siya sa pader, saka ako nagvertical at bumalik sa pagkakatayo.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now