||FOURTY SEVEN||

11.7K 368 18
                                    

"This will be a one on one game. Like before, I will only pitch three balls, you'll have three chances then." paliwanag niya habang nakapwesto na kami. Ako yung nasa batter's box at siya naman yung nasamound at nakahandang mag-pitch, si Daichi namanang catcher sa tabi ko. "I won't go easy on you just because you're a girl.

"Tama lang! Ayokong manalo nang hindi ibinibigay ang lahat!"sigaw ko sa kanya.

Anoba 'tong pinasok ko.

Hindi ako pwedeng matalo dito. Hindi ko pwedeng ipatalo ang laban na 'to.

Hinigpitan ko ang hawak sa bat. Hinintay ko lang din ang pagsisimula niyang magpitch.

"Huminahon ka lang Pres, mas makakapagconcentrate ka kapag mahinahon ka. Wag mong masyadong higpitan ang hawak sa baseball bat."

Nagulat ako nang magsalita si Daichi dahil minsan ko lang marinig ang boses niya, pero nakatulong din yung paalala niya. Kalmado nga kang dapat ako.

Naalala ko nung muntik na kaming matalo sa isang game dahil inis na inis ako sa kalaban ko kasi sinadya niyang tamaan ng bola yung teammates ko.

"Ready?" nabalik ako sa realidad nang sumigaw ulit siya, tumango naman ako bilang sagot.

Dahan dahan niyang tinaas ang kanang paa niya kasama ang kamay niya at saka ito tinapak sa harap niya, nakita ko ang braso niya sa ere, sunod ay binitawan niya ang bola papunta sakin.

Nagulat ako ng mga oras na yun.

Haha.

Ang bilis ah.

"Strike yun Pres." gulat akong napatingin kay Daichi, sunod ay dun sa mitt niya. Parang may malakas lang na hangin na dumaan sa gilid ko tapos strike na nun? Haha. "Huminahon ka lang."

Huminga ako ng malalim.

Kalmalang. Concentrate. Kaya mo 'to Riza.

Huminga ulit ako ng malalim saka ko sumigaw ng sobrang lakas. Pagkatapos nun ay nawala na ang bigat na nararamdaman ko, mas gumaan na ang loob ko.

Nireadyko ulit ang sarili ko para sa next pitch.

1-2 and pitch!

"Strike!"

Ok lang, nakuha ko na yung timing niya. Medyo nalate lang ako kanina ng dalawang segundo, pero ngayon sigurado na ko.

Matatamaankoang pitch ni Chris.

Huminga ulit ako ng malalim.

Kaya ko 'to.

1-2 and pitch.

"Foul!"

"Foul!"

Timing Riza. Timing.

3,2, and-------napatayo at napasigaw mula sa bleachers yung mga gunggong nang matamaan ko ang bola. Nagulat pa sila lalo nang masalo ni B.I yung bola.

"Home run!!!" sigaw nila, saka sila nagdiwang.

Si Christopher naman ay dahan dahang lumapit sakin. "The match isn't over yet. Humanda ka nang matalo." pagyayabang niya. Ano nanaman kaya ang gagawin ng lalaking 'to?

Pumuntasi Christopher sa batter's box at ako naman sa mound. Pinaikot ko ang bola ng dalawang beses at initsa ito sa ere ng dalawang beses bago tumingin sa kanya.

Nang tingnan ko siya, parang nagulat siya na nag-aalala. Bakit ganyan siya makatingin?

Chris wag mo kong tingnan ng ganyan, baka hindi ko makapagpigil at yakapin pa kita.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now