|| THIRTY FOUR ||

14.5K 412 13
                                    

"Didn't think Yuan would willingly lose to you." Napatingin ako sa kanya, yung masama na may halong pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?" mahinang tanong ko. Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Seriously?" mukhang natutuwa siyang tingnan ang mukha kong hindi pa din makuha kung ano yung sinasabi niya. "He was going easy on you. He wasn't even trying to kill you." ngumisi siya at umiling. "I was watching you from there--" tinuro niya ang isa sa madaming screen sa kaliwa na nakakabit sa pader. "He had so many chances, yet he never grabbed them."

Oo nga.

Pero bakit?

"Now then" tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tiningnan yung baril na hawak hawak niya, ilang segundo ang nakalipas ay tumingin siya sakin kasunod ang pagkasa ng baril "Since that bastard didn't do what he was supposed to do, I'll be the one to finish the job." At tinapat niya sakin yung baril.

Makikita mo sa mga mata niya. Natutuwa siya sa mga nangyayari.

Despicable.

"Ano bang kailangan mo?" Nanggagalaiting sabi ko. Hindi ko alam kung natatakot siya sa tingin na binibigay ko sa kanya pero, halatang nag-eenjoy siyang pinapanood ang mga mata kong nanlilisik.

"Oh! Glad you asked." nag-iba yung ngiti niya, yung kaninang nang-iinis na ngiti ay naging inosente.

Inosente pero masama.

Lumapit siya sa isang computer at pumindot ng isang kulay itim na buton. Nagulat naman ako at napaatras ng biglang may lumabas na lamesa sa gitna na nagmula sa ilalim. Sa taas ng lamesang iyon ay may isang baril. "It has seven bullets racked inside."

Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa lamesa kung saan may baril na nakapatong habang pinagmamasdan ko ang kilos niya. Mahirap na, baka bigla na lang niya akong barilin. "Bakit mo naman sinasabi sakin 'to?" masama ang kutob ko dito.

Nang tingnan ko siya, mas lalo pa siyang nasiyahan. "I love games you see. And right now, I want to play a game with you." Bumalik ulit yung tingin niya sa computer niya, nagtype siya saglit at pinindot ang enter na button. "There are a total of eight intruders inside the mansion including you, our orders are to dispose of them whatever means necessary."

Teka! Eight intruders? Tato lang kami ah!

What the——-biglang bumukas ang iba pang screen sa bandang kaliwa ko. Pinakita dito ang pitong lalaking nakikipaglaban sa mga lalaking naka-itim na suit.

Shit!

Shit!

Hindi pwede 'to!

Bakit ba nandito yung mga gunggong na yun?

Tiningnan ko yung lalaking nasa harap, yung sobrang samang tingin na kulang na lang ay ilibing na ng buhay. "Anong gagawin mo sa kanila!"

Natawa nanaman siya. Putek naman! Ang hilig tumawa ng bwiset na 'to ah! Eh kung pinapakain ko kaya sa kanya 'tong baril na nasa harap ko, makangawa pa kaya yan?!

"Wag mo silang idamay dito———ahhhh—-"

"Evan"

"Pake ko! Hindi ko tinatanong! Ang sabi ko, wag mo silang idamay dito—-Evan."

Tumawa nanaman siya. Argh! Bwiset talaga! "Now now, where's the fun in that? Kapag pinabayaan ko sila, hindi ka sasali sa laro ko. "

This guy is the exact definition of insane.

Kapag hindi ako pumayag sa laro niya, alam ko na may masamang mangyayari sa mga kaibigan ko. Pero nakukutiban ko din na kahit sumali ako, may masama pa ding mangyayari.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now