|| ONE ||

41.1K 930 53
                                    



"Riza Alvarez? Haha!" sigaw ko. "Oo, ako nga yon." lumapit pa ako sa harap ng salamin na parang may kausap ako. "Demon Princess? Ako? Hi--hindi ah. Hindi kami friends nun! Di ko nga kilala yun eh! Haha" tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang ginagawa ko yun.

Napabuntong hininga na lang ako. "Mukha akong tanga."

Inayos ko ang uniform ko at ang mga binili kong gamit noong isang buwan pa.

Matagal ko nang hinintay ang araw na 'to.

Ribbon, panyo, pabango, bracelet, kwintas.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti sa salamin. "Okay na."

"Pa! Pasok na po ako sa school!" sigaw ko nang nasa harap na ako ng pintuan, palabas ng bahay. Kinuha ko ang bagong sapatos na iniregalo sakin nila Henry at isinuot ito.

"Regalo po namin sa inyo Chief!" Sabay sabay nilang sigaw saka inabot sakin ang isang box ng sapatos. "Good luck po sa first day niyo."

Nangiti ako habang sinusuot ko ito.

"Sandali lang!" Nabitawan ko ang isang kabiyak ng sapatos na sinusuot ko dahil bigla na lang sumulpot sa harap ko si Papa kasama nung mga estudyante niya na dala dala yung bag na binili ko nung isang buwan pa.

"Chief! Paalam na po!" sabay saludo nila sakin, sumaludo din ako sa kanila at nagpaalam na.

"Basta Chief, pag may tumingin sayo ng masama, sapakin mo na agad para hindi na makangawa!" maangas na sabi ni Mino.

"Kami po bahala sa inyo."

"Tumawag lang po kayo kung kailangan niyo ng back-up."

"Tumigil nga kayo! Hindi gawain yun ng isang mahinhin na babae!" sigaw ko, natigilan naman sila.

"Teka anak." Nagtatakang lumapit sa akin si Papa. "Mahinhing babae ka ba?" saka sila sabay-sabay na nagtawanan, dahilan para panlisikan ko sila ng mata na nagpatahimik naman sa kanila.

"Isa pa, pagbubuhulin ko kayong lahat!" padabog kong kinuha mula sa kanila yung bag at lumayas na at baka makagawa pa ako ng hindi kanais-nais.

Ah! Ano ba Riza! Hindi ka dapat ganyan mag-isip.

Ang pangalan ko ay Maria Teresa Alvarez, gusto ko sanang isipin na isa lang akong normal na high-school student, coming 4th year ngayong taon. At ayoko man sabihin, hindi masyadong maganda ang nangyari sa dati kong school kaya naman napilitan akong lumipat at magpakalayo-layo.

Riza na lang ang itawag nyo saken, pero kung gusto niyo naman akong tawaging Demon Princess eh pwede naman, kaya lang humanda na kayong magtago saken.

Ang totoong dahilan talaga ng paglipat ko ng school ay para magbago na ako. Gusto ko nang isang normal na buhay na kagaya ng ibang kaedad ko. Kaya nga ngayon eto ako ngayon, trying hard.

Haha.

Naglakad ako papunta sa bago kong school, malapit lang din naman kasi, mga sampung minuto lang pag nilakad mula bahay namin.

Pero hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Sumama ang kutob ko sa kakaibang nararamdaman ko, hindi ko alam kung guni – guni ko lang ba yun o parang merong sumusunod saken? Pakiramdam ko kasing merong nakatingin saken ehh.

Haha. Pero imposible namang kilala nila ako diba. Dito? Sa lugar na ngayon ko lang napuntahan?

Hindi ko na lang pinansin yun at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, paminsan minsan humihinto ako para tingnan yung nasa likod ko, pero wala naman akong nakikita kungdi ibang estudyante na nakasuot ng uniform na katulad sa akin.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon