|| ELEVEN ||

17.2K 607 31
                                    

"Ba-bakit kayo nandito?" tanong ko, halo halong emosyon ang naramdaman ko, gulat, pag-aalala, at takot. Siguro, konting natutuwa din.

Parang nakukuha ko na kung bakit sila nandito.

"Tch! Lumayas ka dito babae! Bakit ba ang hilig mong mangielam?" Napatingin silang lahat sa akin, pati yung mga gunggong. Nako, kung nakita niyo lang yun itsura nila, nagtatakip pa ng mga mukha nilang panget yung iba para hindi ko makilala ehh.

Sus! Nahiya pa.

"Ginagawa niyo ba ngayon ang iniisip kong ginagawa niyo?" nilagay ko ang kamay ko sa dalawang bewang ko. Nakakatuwa talaga.

"No! Just get out of here! Di kita kailangan." Pero imbis na maasar ako, ngumiti ako at lumapit sa kanya.

Sinundan ako ng tingin ng lahat ng tao na nadito habang naglalakad ako papunta kay Christopher.

Galit siyang nakatingin sakin habang ako naman ay pinipigilan ang ngiti ko.

Nakaluhod pa din siya, yumuko ako para kapantay ng mata niya ang mata ko. Nginitian ko ulit siya, halata namang nandiri siya pero hindi ko na lang pinansin. "Wag kang mag-alala, ako na ang bahala dito." At tumayo na ako at lumapit sa mama ni Daichi.

Hawak na naman niya yung pamaypay niya pero hindi na nakataas ang kilay niya sakin tulad ng dati, habang papalapit ako.

Siguradong may galit siya sakin dahil sinigaw sigawan ko siya kahapon. Kailangan kong magsorry dahil dun. Syempre, kahit ganun, tinuruan pa rin ako nila Mama at Papa na gumalang sa mas nakakatanda sakin. "Pasensya na po sa hindi magandang asal na ipinakita ko sa inyo kahapon."

Hindi siya sumagot, napatingin ako sa likod kung nasaan sila Christopher, halatang nag-aalala. "Pwede ko po ba kayong makausap?" tanong ko ng mahinahon.

Napabuntong hininga siya, tiningnan niya ulit ng isa pang beses ang mga kaklase ko bago siya tumalikod at naglakad. "Follow me." Natulala ako.

Himala, kala ko sisigaw nanaman siya ehh. Tumingin ako sa mga kaklase ko at ngumiti sa kanila para gumaan ang pakiramdam nila, baka mamaya atakihin na sila sa takot ehh.

Pero pagngiti ko sa kanila, ako pa yata ang aatakihin sa puso ehh. Grabe naman kasi, nginitian ko na sila, yung mga mukha nila parang nakakita ng multo. Narinig ko pa sabi nung iba. "Yuck! Kadiri, nasira yata yung mata ko ah!". Napatawa tuloy yung mga guards at ibang katulong na nanonood samin.

Bwiset kayo! Ang bait bait ko na nga sa inyo tapos ginaganyan niyo ko! Ehh kung ipakain ko kaya kayo dito sa Mama ni Daichi, tingnan natin kung makatawa pa kayo.

Sinundan ko lang ang Mama ni Daichi kahit na hindi ko naman alam kung saan kami papunta, kaya naman muntik na akong tumama sa kanya nang bigla siyang huminto.

"Nandito na tayo." Binuksan niya ang pinto sa tapat ng hinintuan niya at pumasok, tiningnan ko lang siya. "What are you standing there for?"

"Ah- -opo." saka ako sumunod sa kanya.

"Umupo ka. " sinenyasan niya ako na umupo malapit dun sa may lamesa na punong puno ng mga libro. Napatingin ako dun sa mga libro, tungkol ito lahat kay Sherlock Holmes.

Teka, pwede ko kayang hiramin 'to? Gustong-gusto kong nagbabasa ng Sherlock Holmes eh.

"Totoo bang---" nagsalita si Madam, pagtingin ko sa kanya ay nakatalikod siya at hawak hawak niya ang isang picture. Nagbabago ang boses niya, parang—parang---umiiyak ba siya? "Totoo bang masaya si Ichi?" tuluyan nang tumulo ang luha niya.

Nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang balikat niya at inalayan ko siyang maglakad paupo sa isang sofa. Binigyan ko siya ng panyo, nagbago ang tingin ko sa kanya.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now