|| THE FINAL BATTLE ||

11.8K 284 59
                                    

Riza's POV

"Fight me, Demon Princess." nagulat ako sa sinabi ni Chris.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

"Ano nanaman bang pinagsasasabi mo Chris?" matawa-tawa pa ako nang sabihin ko yun. "Nababaliw ka na ba?" 

Ngumisi siya, "I said, fight me."

Hindi ako nagsalita, hindi din ako gumalaw sa kinatatayuan ko-----hanggang sa bigla niya akong sugudin, napaatras ako ng konti nang tumakbo siya. "A-ano ba 'tong ginagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. 

Seryoso siya.

Kitang-kita  sa mga mata niya.

Kung ganon. "Kung hindi ka titigil Chris, ako ang magpapatigil sayo!" sigaw ko sa kanya, saka ko hinanda ang fighting stance ko at pinagmasdan ang kilos niya.

Ayan na siya.

Nang halos magkadikit na kami, ginamit niya ang kanang kamay niya para sumuntok pero naiwasan ko agad ito at ibinalik sa kanya ang suntok, na madali lang din niyang naiwasan. Pagkatapos ay umatras ako palayo.

Tiningnan ko siya ng masama. "Chris."

Tinitigan niya din ako, saka siya ngumisi at sumugod ulit.

Patuloy lang ako sa pagblock ng mga suntok niya. Hindi ko malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to. Kanina nagalit siya, tapos bigla niya na lang akong pinuntahan sa bahay, tapos biglang kakalabanin niya ako dito.

Sunod na ginawa niya ay umatras siya saka nagside-step sa kaliwa ko, saka siya sumipa sa ulo ko----na nablock ko naman pero malakas pa din yung naging impact nung tama dahil hindi ko agad nabasa yung mga galaw niya.

Tsk.

"Chris, bakit mo ba ginagawa 'to?" pero hindi siya sumagot at sinubukang suntukin ang mukha ko. Mabuti na lang at nagawa ko itong  pigilan saka ko pinalipit ang kamay niya, dahilan para mawala ang ngisi sa mukha niya.

"Tch." inis na sambit niya sabay hila sa kamay niya palayo sakin. "Not bad." ako naman ang napangisi.  "For a girl, that is." 

"Ano bang problema mo?" naiinis na ako, ilang beses ko na siyang sinusubukang kausapin ng maayos pero wala man lang siyang sinasabi. Ayaw niya yatang maayos ang problema na 'to eh!

Eh hindi ko nga din alam kung ano ba ang problema namin eh!

Hindi naman ganun kalalim yung nagawa ko para umasta siya ng ganito.

"Pres!" susugudin ko na sana si Chris nang may marinig akong pamilyar na boses galing sa likod ko, dahilan para matigil ako sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko. "Leader! Ano bang binabalak mo?" sigaw ng isang gunggong.

"Pres, bakit may dugo yung bibig mo?" sigaw ni Chester, hinawakan ko naman ang labi ko at pinunasan ito. Ngayon ko lang narealize na dumudugo na pala ang labi ko. Oo, tinamaan nga pala ako kanina.

"Chris! Ano bang ginagawa niyo?" sigaw ni Nathan. "Stop this nonsense!"

"This is my business Nathan! You have nothing to do with this!" sagot ni Chris, sabay balik ng tingin sakin.

"Go Leader!" Ok.

"Kaya mo yan Leader!" Ok.

"Sorry Pres! Pero si Leader ang pambato namin!" Ok.

"Wag kang masyadong seryoso Chris!"

"Oo nga! Tandaan mo! Kahit parang lalaki yan, babae pa din si Pres kahit papano!" 

Delinquent High [EDITING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα