|| THIRTEEN ||

18.1K 531 16
                                    


"Tita!" sigaw ni Nathan, napatingin naman yung mga magulang nung kambal sa amin. Tumakbo si Nathan palapit sa kanila kaya naman sumunod na lang ako.

"Nathan, bakit naparito ka?" tanong nung lalaki.

"Hindi po ako ang may kailangan." Lumingon siya sakin at sinenyasan akong magpakilala.

"Ah, ako nga po pala si Riza Alvarez, kaklase po ako ni Jasper at Chester, ako din po ang class president nila." pakilala ko sa kanila.

" Ahh, Sorry if you had to see that scene. Pasok muna kayo." At pumasok na nga kami sa bahay nila Chester at Jasper, napansin ko yung Mama nung kambal, lagging nakatulala s isang lugar at pag tinawag mo naman, biglang ngingiti.

Pero kahit na nakangiti siy, halata pa din ang lungkot sa mga mata niya.

"Matigas talaga ang ulo ng dalawang yun, hindi ko nga alam kunganong pumapasok sa kokote nila at bakit sila laging gumagawa ng gulo." Napabuntong hininga ang Papa nila Jasper. "I don't even know them anymore."

Biglang hinawakan ni Tita ang kamay ng Papa nila Chester at Jasper at saka siya umiling. Parang may ipinapahiwatig ang ginawa niyang iyon, sa ngayon, hindi ko pa ito naiintindihan.

Matagal tagal din kaming nag-usap tungkol dun sa dalawa at hindi na namin namalayan na medyo late na pala kaya naman nagpaalam na kami. "Oo, delikado na sa daan lalo na't madilim na. Ipapahatid ko na lang kayo sa driver." alok ni tito sa amin, pero tinanggihan naming ni Nathan dahil nakakahiya.

Pero bago kami umalis ay pinigilan ako ni tita, hinawakan niya ang kamay ko. "Pwede mo ba akong tulungan?"

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Sigurado akong tungkol ito sa kambal.

"Bukas, pakibigay naman sa mga anak ko ang pagkaing ihahanda ko para sa kanila." Simple lang ang hinihiling niya. Ibigay ko ang pagkaing iluluto niya kila Jasper at Chester, yun lang.

Perobakit?

Bakit bigla na lang may tumulong luha galing sa mata ko?

Nagulat siya, hinimas niya ang likod ko. "Bakit? Anong problema?" Umiling lang ako.

Nalulungkot nanaman ako, miss ko na naman si Mama.

"Masaya lang po ako, mahal na mahal niyo po ang mga anak niyo." Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti, hinawakan ko din ang kamay niya. "Sige po, bukas ng umaga pupunta agad ako dito." Ngumiti na din siya.

"Riza, gabi na, ihahatid na kita sa inyo." Biglang singit ni Nathan, nawala naman ang dramahan namin ni Tita.

Ngumiti ako kay Tita, " Alis na po ako, bukas na lang". pagkatapos nun, umalis na kami ni Nathan, pero dahil hindi pwedeng malaman ni Nathan kung ano ako at sino ako, tinanggihan ko siya. "Hindi na, susunduin na ako ng mga kapatid ko maya-maya lang, maghihintay na lang ako dun sa tindahan." Biglang nag-iba yung mukha niya.

"May kapatid ka pala?" natatawang tanong niya.

"Haha, hindi kadugo, pero parang ganun na din ang turingan namin." Napangiti ako.

Si Henry, Mino, at Jason.

Hindi man kami magkakapatid, parang ganun na sila kahalaga sa akin. Kahit na madalas kong bullyhin si Mino. Haha.

"Gusto mosamahannamunakita?"

"Hindi na Nathan, okay na ako dito." Mukhang nag-alangan pa siya pero hindi nagtagal ay nagpaalam na din siya naglakad na papaalis. Pinanuod ko lang siya habang nagalakad palayo, may humintong sasakyan sa gilid niya saka siya sumakay dun, pero bago siya sumakay ay kinawayan niya muna ako.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now