||FOURTY FIVE||

11K 376 15
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtingin ko sa kanya, nakaupo siya sa isang bench na malapit sa fountain. Madilim ang gabi pero kitang kita ko pa din ang ngisi sa mga labi niya.

"Isn't it obvious? I' m here to meet someone." Tumayo siya at naglakadngdahandahanpalapitsakin. "I'm here to meet you." Saka siyatumawa.

"Nasaan si Jannah?" Inis na tanong ko sa kanya. Nabwibwisit na ko sa boses ng babaeng 'to.

Ilang segundo muna bago siya tumigil sa pagtawa at sagutin ang tanong ko, ng nakakainis pa din na paraan. "Tanga ka ba? Sa tingin mo ba gugustuhin ka pang makita ng babaeng yun? Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya? Stupida!"

Bwisetnababae 'to ah.

Nang sabihin niyang hindi siya ang gumawa ng lahat na 'to, naniwala na ako. Nang umiyak siya sa harapan namin ni Zion, naaawa na sana ko. Nang tingnan ko ang mga mata niya, maniniwala na sana ako.

Pero sa kaloob-looban ko, may pumipigil sakin. At tama lang na pinigilan ako nun, dahil kung magsorry man siya sakin, siguradong papatawarin ko siya agad.

At dahil napatunayan ko na na siya ang gumagawa nito sa mga kaibigan ko, namuo ang galit sa buong katauhan ko.

Galit na galit. Sa sobrang galit ko ay yumuko na lang ako para mapigilan ko ang sarili ko na suntukin ang pagmumukha niya kapag nakikita ko siya.

"Bakit mo nagawa 'to?"

"You really don't know?" naglabas siya ng isang sarkastikongtawa. "Jusko naman, hindi pa ba halata?" Hindi ko siya tinitingnan pero maririnig pa din sa pagkakasabi niya na nang-aasar ang mukha niya. "To toy with you of course."

What the! "Eh bakit mo pa sila kailangan idamay? Bakit hindi na lang ako! Ako naman ang kailangan mo diba?" Sinigaw ko ang mga salitang yun sa nakakainis na pagmumukha niya.

Saka siya tumawa ulit.

"Anong nakakatawa?" baka naman gusto niyang ingudngod ko yung mukha niya sa ilalim ng fountain ng hindi na siya makatawa ng ganyan.

"You! Ang galing mo kasi magjoke eh! nagmamaang-maangan ka ba o sadyang tanga ka lang talaga."

Tinaasan ko siya ng kilay, naiinis na ako sa babaeng 'to ah.

"Ginagawa ko lang ang ginagawa ng mga kontrabida. Hindi ba mas masayang panuoding magdusa ang bida gamit ang mga kaibigan niya?" tumawa si ulit, pero bigla na lang siyang naging seryoso. "Binabalik ko lang sayo ang mga ginawa mo sakin noon."

Naguluhan ako ng sabihin niya yun. Magkakilalabakami?

"Hindi mo ba ako talaga natatandaan?"

Hindi ko siya sinagot. Wala naman akong masabi eh, naguguluhan  pa din yung utak ko sa mga pinagsasasabi ng babaeng 'to. Wala naman akong ginagawang masama noon ah, except sa pambubugbog ng masasamang nilalang.

"Sabagay, sa dami na siguro ng natuluyan mo, hindi mo na maalala ang mga relasyong sinira mo!" may diin sa bawat pantig ng mga salitang binibitawan niya para maipadama sakin ang sobrang galit niya. "Ang iniisip mo lang kasi, ang sarili mo! Hindi mo man lang inisip yung mga taong mahalaga para sa kanila!"

"Sabihin mo na kasi, ano ba 'tong pinaghuhugutan mo ng galit sakin? Sabihin mo na kung ano kasalanan ko sayo kasi sawang sawa na ako!" biglang nanlambot yung tono ko, hindi ko alam pero bigla ko nanamang naisip yung mga gunggong. Sila Christopher. "Sawang sawa na akong may nasasaktan dahil saken."

Tumahimikbigla.

Hindi nagsalita si Rian. Ganun din naman ako.

Pero di din nagtagal ay nagumpisa na siyang magpaliwanag. "Because of you, my boyfriend died. Naging alcoholic. Lagi ka niyang iniisip, laging nagrereplay sa utak niya ang pagkatalo sayo. Mataasang pride niya, losing to a mere girl, it completely shattered. He shoved me away from his life. I told him that I'll stay with him till I die, pero hanggang dun, ginugulomo pa din ang utak niya. He was the temporary CEO ng ADMIRE that time, and because of you, bumagsak ang pinaghirapan ng dad at mom ko."

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now