|| TWENTY FOUR ||

16K 487 13
                                    

"Are you freaking crazy?"

Inaantok pa ko pero rinig na rinig ko pa din yung sigaw ni Sherry mula 2nd floor. Hindi ako nakatulog dahil sa pesteng Christopher na yan. Magdamag nakadilat yung mata ko kagabi dahil kahit na ilang oras ko na ipinikit yung mga mata ko, hindi pa din ako makatulog. 

Mas lalo pa nga akong nahirapan nung pumikit ako ehh, mas lumilinaw yung mukha ni Christopher sa isip ko.

I think i like you

I think i like you

"Ahhhh! What the hell!"

"Wag mong guluhin yung buhok mo, naaawa ako sa kanila. Yung ibang babae----" biglang may nagsalita sa likod ko, hinawakan ng kung sino man 'tong lalaking 'to yung buhok ko at inamoy ito."----inaalagaan ng sobra yung buhok nila, para gumanda sila sa paningin ng taong gusto nila." Sino ba 'to? Ginulo ko lang yung buhok ko, ang haba na ng sinabi.

"Sino ka----" pagkaharap ko sa kanya, bigla na lang may kung anong pumalipit sa mga ugat ko sa paa na dahilan kung bakit muntik na akong masubsob sa sahig, buti na lang nasalo ako ni---Xeron?

Ngumisi siya.

At ano namang nginingisi ng lalaking 'to?

"Pres!! Ikaw ba-----" nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto, lahat ng orangutan kong kaklase ay nagsilabasan mula sa mahiwagang pinto ng napakagandang classroom namin, malinis na kasi siya.

Noon ko lang narealize na nakatulala at nakanganga na samin lahat ng kaklase ko. Si Christopher naman, nandun din, pero bumalik siya agad sa room at makikita mo sa mukha niya yung pagkainis.

"Ah, pwede bang bitawan mo na ko?" Tanong ko kay Xeron, syempre nilagyan ko ng parang naiinis na tono yung boses ko.

"Ah! Yes, sorry." At yun, binitawan niya na din ako. Lumapit ako sa mga kaklase kong panget na nakanganga at pinagsasara yung mga bibig nila.

"Mapasukan ng langaw yang mga bibig niyo." At saka na ako pumasok sa room, nakita ko dun si Christopher na nakaupo lang at nakatingin sa akin ng masama. Shit! Anong gagawin ko? Naalala ko nanaman yung sinabi niya kahapon.

I think i like you.

Bakit niya ba kasi sinabi yun? Ibig sabihin ba nito, may gusto siya sakin? O baka naman gusto niya lang akong kaibigan? O kaya naman, gusto niya ako bilang presidente nila. O hindi kaya dahil----

"Pres. Bakit nakatulala ka diyan?"

Ayun, pagkabalik ko sa planetang earth kasama ang utak ko mukha na pala kong ewan na nakatulala kay Christopher.

"Pabayaan mo muna siya ngayon Ches, siguradong pagod lang yan mula sa laban kahapon." si Jasper.

Napakamot na lang ako sa ulo. "Pagod nga lang siguro ako." nakangiting sabi ko sa kanila.

Pagod sa kakaisip sa kanya.

Napatingin ako kay Christopher.

"What are you looking at?" Galit siya niyan, tsaka siya umirap sakin. Aba! Natututo na si kuyang umirap!

Kahapon may pa i-like i-like-you ka pa dyan tapos ngayon parang wala lang sayo. Pigilan niyo ko, masasapak ko 'to.

"Wala! Gusto ko lang sabihin sayo na may meeting mamaya!" Padabog kong hinitak ang upuan ko at umupo dito. Pahampas kong nilapag sa lamesa ang mga libro ko. 

Nakakainis.

"Hindi ako pupunta." Ang sabi niya.

Nakakainis.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now