|| SEVEN ||

18.8K 574 17
                                    

"Christopher Salazar! Hindi ka ba titigil?!" napatingin silang lahat sa akin habang tumatakbo ako papunta sa kanila, sinusundan ako ng tingin.

Huminto ako sa gitna nila Christopher, at kung di ako nagkakamali, yung president ng Class 3-A, nakita ko siyang kausap si Teach nung isang araw sa faculty.

Nakatingin silang dalawa sakin, una akong tumingin dun sa president ng 3-A, mukha namang matino. Kasunod akong humarap kay Christopher " ano nanaman ba 'tong ginagawa mo?"

"Wag ka ngang makielam! Wala kang kinalaman dito! Umalis ka na." sabi niya sakin na may galit na tono.

"Meron kaya, ako kaya ang Class President nyo." Nilagay ko ang dalawangkamay ko sa bewang ko.

"Wala akong pake! Lumayas ka na nga!" Aba naman talaga. Wala man lang respeto sa president nila.

"Uma-----" bigla akong natigil dahil hinatak ako nila Nathan paatras.

"Don't, you're making things worse." Napatingin na lang ako kila Christopher. Kayang-kaya ko silang pigilan, pero pag ginawa ko yun, baka masyado silang magtaka.

Ahhh!

Bakit ba kasi laging naghahanap ng gulo 'tong si Christopher ehh.

Pinanuod ko muna silang dalawa, walang nagsasalita, nakatingin lang sila sa isa't-isa, yung masamang tingin. Siguro kung wala kami dito, kanina pa sila nagsapakan.

Hindi muna ako gumalaw, nagdesisyon muna akong panuodin sila at kung ano ang gagawin nila.

"Ano nanamang kasinungalingan ang pinagkakalat mo Renzo?" nagsalita na rin si Chris, hawak hawak nya ang baseball bat nya at ipinatong niya ito sa kanang balikat niya.

Ngumisi si Renzo "What lie? I do not tell lies, Salazar Christopher," ngumisi siya "Lahat ng sinabi ko, they're all true." Naiinis ako sa ngiti ni Christopher, pero mas naiinis ako sa ngiti ng lalaking 'to.

Nakita ko ang inis sa mukha ni Christopher, kaya naman dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

"Liar!" galit na sigaw niya, "They would never do such things!"

"Hahaha." Mahahalata mo yung pagkasarkastiko sa tono niya, dahilan para mas lalong mainis si Chris. "Anong hindi? Isn't your section proof enough? S-D." nakuha niya ang atensyon ko, ano bang pinagsasasabi niya? "S stands for Stupid and D stands for Devils, because that's what you all are! Stupid Devils!"

Nagtawanan ang lahat ng nasa kabilang kampo.

"You----" susugudin n asana ni Christopher si Renzo nang bigla ko siyang tawagin, dahilan para mapahinto siya at tumingin sakin.

"Chris." Tiningnan ko siya saglit saka ako tumingin kay Renzo. "Anong ibig sabihin mo?"

Tumingin siya sakin ng nagtataka, pero hindi tumagal ay natawa na lang siya at tumingin ulit sa akin. "Hindi mo man lang ba naisip kung bakit ganyan ang naging mga kaklase mo? SIla ang klase na puro patapon, mga sinungaling, basagulero, at walang kwe------!"

"Shut your mouth you b-stard!" hindi na natapos ni Renzo ang sasabihin niya dahil ibabambo na sana ni Chris ang baseball bat niya, pero pumunta ako sa harap niya at pinigilan ko ito. "What the hell! I told you to get out of here! You stupid girl!"

Sige ok, pinigilan ko na lang ang sarili ko na ibambo sa kanya yung baseball bat na hawak hawak ko.

"Huwag mong gawin 'to Christopher?"

"Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Ininsulto niya kami! Kala ko ba ikaw ang president namin? Eh bakit kami ang pinipigilan mo?" inis na sabi niya.

Delinquent High [EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora