|| EIGHTEEN ||

17.2K 493 17
                                    

"Madami na kaming naging projects ni Ichiro kaya naman medyo close na kami. Parang kapatid na din ang turing ko sa kanya." paliwanag ni Sherry

Ok, pero naguguluhan pa rin ako, Projects? "Daichi, isa ka bang-------" tinuro ko siya, hindi ako makapaniwala. Tumango lang siya, alam na niya kung ano ang gusto kong sabihin.

Alam ko na isa siyang public figure pero, hindi ko akalain na yun pala ang ibig sabihin ni Tita, na isang sikat na actor si Daichi.

Whoah. Dapat pala matagal ko na siyang pinicturan tsaka ko binenta sa mga fans niya para kumita naman ako. WAHAHA. Ang sama ko talaga.

"Pero bakit Ichiro?"

"Pres! Ikaw ang Presidente namin pero hindi mo alam? Tsk Tsk Tsk." Si Josef.

"Palitan na yan!" sigaw ni Chester.

"Daichi Shiro Kimimaru ang full name ni Ichi." Ang haba naman ng pangalan niya.

Bakit di nila ako gayahin, Riza Alvarez. Simpleng simple, madali lang isulat.

"Hindi lang actor si Ichiro, isa din siyang napakagaling na singer." ngumiti si Sherry. "Tuwing nasa set kami, lagi niya kaming kinakantahan kasi napakaganda talaga ng boses niya!"

"Tama! At isa siya sa dalawang members ng sikat na Idol unit na GEMINI."

Napanganga ako. "Wehh? Di nga?Singer?Daichi?" tanong ko, naririnig ko na yung GEMINI na yun ehh. Pano yun lagi ang bukang-bibig ng mga kaklase ko noon. Shemay! Sikat pala si Daichi. Dapat pala pinicturan ko talaga si para naibenta ko dun sa mga panget na kaklase ko nun. Sayang. "Teka, ehh nasan naman yung isang member?"  tanong ko ulit.

"Nasa Italy ngayon, vacation." Sagot ni Daichi. Ahh ganun ba, sa pagkakatanda ko Vio (Vayo) ang tawag nung mga kaklase ko dati dun sa isa kung sino man siya. Di lang ako sure, hindi kasi ako updated sa mga idol idol na yan eh. "Next year pa ang balik niya."

Gusto kong magpunta ng Italy.

"Ok, tama na muna. May napili na akong roles para sa inyo." Biglang sabi ni Sherry, dahilan para mabalik ako sa katotohanan mula sa Italy.

"Agad?" tanong ko. Hindi pa nga niya nakakausap isa-isa yung mga kaklase ko eh.

"Yes, habang nag-uusap usap kayo,  nagmamasid ako."

"Teka!" biglang nagsalita si Christopher kaya napatingin kaming lahat sa kanya."Wag niyo kong isasali diyan." 

"Ok." diretsong sagot ni Sherry. "Hindi ka naman talaga kasali." halatang nang-aasar, tumawa pa siya nun na kina-inis yata lalo ni Christopher.

"Tsss." Sabi niya, nakatingin lang ako sa kanya, napansin niya ding nakatingin ako sa kanya kaya tinitigan niya ko ng masama na dahilan naman kung bakit ako napa-iwas.

Grabe, mas nakakatakot yung mata niya ngayon. Bakit ba kasi nalaman pa niya eh! 

Eh bakit kasi kinalat mo dun yung kahon na yun?

Riza! Ewan ko sayo!

Nakakainis!

"Ikaw at Ikaw" tinuro niya si Jasper at si Lester. "Kayong dalawa ang magiging kapatid ni Aster." 

Nakuha ni Jasper ang role ni Lloyd at kay Lester naman si Ether, ang pinakabata sa tatlong magkakapatid at kaibigan ni Aeros.

Pinagmasdan niya pa yung iba kong kaklase, naglakad siya pabalik-balik sa harapan ng mga ito. Ilang hakbang sa kaliwa at babalik na siya sa kanan, patuloy niya itong ginawa. At halata naman sa mga mukha ng mga kaklase ko na kinakabahan sila.

Para namang may masamang gagawin si Sherry sa kanila.

"Ikaw, Ikaw, at-----" lumingon siya kay Nathan. "Ikaw." nginitian niya yung tatlo. "Luminya kayo dito kasama ng dalawa ko pang napili kanina." sumunod naman sila, pero hindi nawala yung pag-angal nila bago nila ito gawin.

Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now