|| WHAT HAPPENED NEXT ||

11K 297 10
                                    

"You're an idiot."

"Hmm." sa lahat ng nagawa ko, karapat dapat lang na sabihin niya sakin 'to. Tumango pa ako

"You're stupid."

"Hmm." Oo tama.

"You don't think things over."

"Hmm."Hindi na ako aangal pa.

"You're ugly." singit ni Lester.

"Hmm." Teka, bakit nasali 'to sa usapan?

"You're....." napatingin kaming lahat kay B.I "Macho!" nakangiting sigaw ni B.I

Ha? Teka, parang nagiging iba na 'tong pinag-uusapan namin ah. Ang alam ko nandito kami para pagalitan ako, hindi laitin ako.

"Oo tama! Mas macho ka pa samin Pres!" sabay tawanan. Dahil naman sa sinabi niya, pinalapit ko siya sakin ng nakangiti.

"Bobby, tara muna dito, may ibubulong ako sayo." sabi ko. Ang loko naman, lumapit sakin ng tumatawa pa, ayun binatukan ko tuloy ng sobrang lakas.

Ako pa rin ang may huling halakhak.

"This is a serious matter." napatigil kaming lahat nang magsalita na ulit si Chris. Sabay sabay naman kaming lahat na nag-Opo at yumuko.

Ano ba yan, bakit parang ako na ang sumusunod ngayon sa kanya.

"You!" sigaw niya, sabay turo sakin. "Come with me." sabay tayo sa kinauupuan niya at saka siya naglakad palabas ng classroom. Sinundan ko siya paalis ng building namin, sunod naman ay palabas ng school.

Saan ba kami pupunta?

Huminto kami sa gate. Tatanungin ko na sana siya kung saan kami pupunta nang biglang dumating ang isang sasakyan at huminto sa harap namin. Wala naman siyang sinabi at sumakay na sa loob nito.

"Ah, Chris?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Mm?" walang emosyong sagot niya.

"Galit ka ba?" hindi ko siya nakikita ng buo, pero kitang kita ko siya sa gilid ng mata ko.

"Yeah." sabi na nga ba galit siya eh. Sino nga ba ang hindi magagalit?

Alam kong ayaw niya akong umalis, pero hindi pa rin mawawala sa kanya na magalit dahil sa nangyayari ngayon sa kompanya nila. Dahil sinuway ko si Rian, alam kong gagawin niya ang lahat para mahirapan si Chris at ang kompanya nila. Pati nga yung kompanya nila, tinatarget na nung lukaret na babaeng yun eh.

Nako kung ayaw ko lang talagang makipag-away na eh matagal ko nang kinatay yun tapos pinakain sa mga pating!

Pero hindi na. Nagbago na ako. Unti-unti pinipilit kong pigilan ang sarili ko.

"Pero masaya ako." nagulat ako nang biglang sabihin yun ni Chris. Tama ba?

Masaya?

Masaya daw siya.

Tiningnan ko si Chris, pero nang gawin ko yun, nakatingin na siya sa labas ng sasakyan. At kahit na hindi ko nakikita ang buong mukha niya, nakikita ko pa din yung mukha niyang namumula.

Shit! Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Nandito na po tayo."

Huminto ang sasakyan sa malaking bahay nina Chris.

"Ba-Bak-"

"Let's go." sabay bukas ng pinto ay lakad papunta sa loob ng bahay nila.

"Tsk. Di man lang pinagbukas ng pinto." bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka?" sigaw niya sakin. Alien ba 'to? Lakas ng pandinig.

"Wala! Sabi ko susunod na!"

At ayun na nga, hindi na ako umangal pa at sumunod na lang sa kanya sa loob ng bahay nila. Sinundan ko siya kung san man siya pumunta.

Malaki ang bahay nila Chris. Nabanggit ko na yan noong sinugod namin 'tong mansyon na 'to. Naalala niyo? Nung muntik na kong patayin nung baliw na lalaking mahilig mambaril. Bwiset yun eh.

Hindi siya umiimik habang naglalakad. Ako naman, nakasunod lang sa likod niya. Ganun lang ang naging scenario hanggang sa huminto na siya, dahilan para mabangga ako sa kanya.

"Ano ba yan." tiningnan ko siya ng masama, pero syempre, hindi niya ako nakita dahil nakatalikod nga siya.

Kahit na narinig niya ako, hindi pa din niya ako kinibo at saka na siya kumatok sa pinto. Binuksan naman niya ito nang may magsalita sa loob ng "Come in."

Sumunod pa din ako sa kanya.

At pagpasok ko, nakita ko doon si Teach, Mino, Rian, at ang Papa ni Chris na seryosong nakatitig sa aming dalawa ni Chris.

Ok..First special chapter. Alam kong wala pa dito yung mahalagang part.. pero maguupdate ako sa linggo na kasunod nito. Hindi ko muna sasabihin kung tungkol saan hahaha :)

IU is going through a lot of things right now. Wala akong ibang masabi kung hindi. "I believe her and I will keep supporting her." Although different from the kind of strength Riza has, she is also a strong person and we Uaena's will be here to keep her that way.

next special -->|| The Novak Corp||



Delinquent High [EDITING]Where stories live. Discover now